Perfect Chapter 32

4.6K 92 2
                                    

Chapter 32: Uh-oh!

Kira's POV

Tumayo ako matapos ng ilang minutong pagyayakapan namin ni Allen. Sa yakap niyang yun ay ramdam ko ang halo-halong emosyong nararamdaman niya ngayon.

Nagtatanong ang mga mata niya ng makita niya akong tumayo.

"Stay here and wait till I'll call you in the kichen, understand?" Pinagtaasan ko siya ng kilay at nameywang ako sa harap niya.

Ngumisi lang siya at tumango.

Agad naman akong tumungo sa kusina at tinignan ang ref niya kung ano ang laman nun.

I want to do something for Allen today. Nagsisisi ako na iniwan ko siya ng apat na taon dahil sa problema ng pamilya namin kaya gusto kong gumawa ng maganda para sa kaniya ngayon. And my plan is I'm going to cook Menudo for him!

Nang makita kong kumpleto ang ingredients nun na nasa ref ni Allen ay agad ko na yung nilagay lahat sa lamesa.

Inilabas ko rin ang cellphone ko at sinearch kung paano magluto nun. Naalala ko pa ang mga ingredients nun pero hindi ko na alam kung paano yun lutuin.

Oo, marunong na akong magluto, pero hindi kagaya ng ganito, mga prito lang o kaya naman ay ginisa ang kaya kong lutuin.

Habang pinapanood ko yung video ay sumandal ako sa sink at tinignan ang mga ingredients na nasa lamesa na nasa harap ko.

Damn it! Kaya ko bang balatan at hati-hatiin yang mga ingredients?!

Last time na nagluto ako nito ang binili ko ay yung mga ready to cook na! Hindi naman pwedeng lumabas ako ngayon dahil makikita ni Allen kung ano ang surpresa ko sa kaniya!

Argh! Bahala na!

Naghanap ako ng peeler sa mga gamit ni Allen dito sa kusina dahil nakita kong yun ang ginagamit nilang pangbalat sa carrots at patatas.

Nang mahanap ko iyon ay nagsimula na akong magbalat. Napapangiwi ako tuwing nahihirapan ako at muntik pa akong mapatili nang dumulas yung peeler sa kamay ko at medyo nagdulot yun ng sugat sa daliri ko.

Hindi ko na lang yun pinansin dahil hindi naman siya dumugo kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabalat. Sumulyap ako sa Living Room at nakita kong seryoso lang na nanonood si Allen ng TV.

Hindi niya naman ako nakikita dahil may dingding na nakaharang sa gitna namin. Pwera lang kung sumulyap talaga siya dito, siyempre makikita niya talaga ako.

Nang matapos akong magbalat ay naghanap ako ng chopping board at nagsimula nang maghati.

Napapatukod pa ang kamay ko sa kutsilyo tuwing nahihirapan akong manghati at napapatingkayad pa ako dahil dito.

At sa kasamaang palad, gumana na naman ang kamalasan ko sa pagluluto.

"Shit!" Sigaw ko nang dumulas ang patatas na hinahati ko at muntik nang mahati ang daliri ko buti na lang naiwas ko iyon at medyo nasugatan lang ako ng maliit sa daliri pero grabe ang pagdugo nun.

Agad ko itong itinapat sa tubig na nanggagaling sa faucet at pinanood kung paano huminto yung pagdugo nun.

Sana hindi narinig ni Allen yung pagsigaw ko! Sana---

Fuck!

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Allen sabay kuha ng kamay ko kung saan nandun yung sugat.

Ni hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya. Ano ba naman yan?! Sabi ko huwag siyang pupunta hanggang sa hindi ko siya tinatawag tapos andito siya ngayon!

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon