Chapter 29: Wife
Kira's POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang sinag ng araw sa balat ko.
Unti-unti akong nagmulat ng mata at tatayo na sana ng may maramdaman akong isang braso sa beywang ko.
I am about to panic when I realize what happened last night. Shit! May nangyari sa amin!
Napakurap-kurap ako at dahan-dahang humarap sa taong nakayakap sa akin na nasa likod ko.
Pinakatitigan ko ang mukha ni Allen. Mas hinapit niya pa ako papalapit sa kaniya ng maramdaman niyang gumalaw ako.
Tulog pa siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang mukha niya.
Damn! That long eye lashes is killing me. That tall nose, thin and soft lips and his perfectly angled jaw is breathtaking. Magulo pa ang buhok niya na mas nakapagpadagdag ng kakisigan niya.
Ramdam na ramdam ko rin ang hininga niya sa mukha ko at napakabango nun.
Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at pinaglandas ko ang daliri ko sa perpektong mukha niya. From his forehead, to his nose down to his perfect jaw.
Kung hindi lang nangyari ang lahat noon, apat na taon na ang nakakalipas, masaya kaya kami ngayon? Ako pa rin kaya ang asawa niya? Hindi kaya kami magdidivorce?
Ang daming tanong sa utak ko pero alam kong hindi naman na masasagot ang mga iyon dahil hindi ko na maibabalik ang oras.
Napasinghap ako ng makita kong unti-unting nagmulat ang mga mata niya. Ibinaba ko na ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin at halos mahimatay ako dahil doon.
This is the first time after four years that I saw him smile again. At sa harap ko ulit.
"Good morning." He whispered huskily.
Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko. Nandito na kami ngayon sa apartment ata niya at hindi ko alam kung paano niya ako nadala dito kagabi.
"Good morning." Bati ko pabalik.
Mas hinapit niya pa ako papalapit sa kaniya at ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko na nakapagparamdam sa akin ng kung anong kiliti sa sikmura ko.
Mahina akong napadaing ng hinalikan at sinipsip niya ang balat ko sa leeg.
"Allen." Padaing na suway ko.
Shit naman Kira! Nakakahiya ka!
I heard him chuckled and it makes me blushed because of embarrassment.
Mas ibinaon niya lang ang mukha niya sa leeg ko at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga doon.Kusa namang kumilos ang mga kamay ko para suklayin ang buhok niya gamit ang mga daliri.
I miss him. Really really miss him. Kung andito man siya para maghiganti ay wala na akong pakialam doon. I'll try to understand him no matter what pero mayroon pang isang bumabagabag sa isip ko.
Damn! I don't want to be a mistress!
Marahan ko siyang itinulak at nang magawa ko iyon ay nakita ko ang mga mapupungay niyang matang nakatitig sa akin. Nakapulupot pa rin ang braso niya sa beywang ko.
Tumikhim ako para makapagsalita ng maayos.
"M-May asawa ka na diba?" Tanong ko habang nag-iiwas ng tingin.
Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya habang iniisip ko na niloloko namin ang asawa niya.
Hinanap ni Allen ang paningin ko pero patuloy pa rin ako sa pag-iwas.
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomanceKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...