Chapter 25: Necklace
Kira's POV
Pagkahiga ko sa kama ay tinawagan ko agad si Mommy. Wala sa sariling napasulyap ako sa dingding na humahati sa apartment ko at apartment ni Allen.
Paano kapag narinig niya ako? Kailangan kong hinaan ang boses ko.
"Mommy." Bati ko kay Mommy ng masagot niya ang tawag.
[Napatawag ka?] Si mommy.
"Mommy, nandito si Allen." Sabi ko.
Narinig kong napasinghap si Mommy at gulat na nagsalita.
[Ano?! Sabihin mo na nagbibiro ka lang, Kira!]
"Mommy, hindi ako nagbibiro!" Sabi ko at niyakap ang unan na nasa tabi ko.
Shit! Tinakpan ko kaagad ang bibig ko ng mapansin kong napapalakas pala ang pagsasalita ko.
[Bakit naman siya nandyan?]
Tanong ni Mommy na hindi ko naman alam kung anong isasagot ko.
"I don't know, Mom. Paano ko naman malalaman kung bakit siya nandito?" Tanong ko.
Bumuntong-hininga si Mommy at narinig kong nagsalita ang kapatid ko sa background.
[Baka nandyan yan para maghiganti?] Sabi ni Kent.
"Maghiganti? Bakit naman siya maghihiganti? As far as I know, binabayaran na natin ang ninakaw ni Daddy sa kanila at isa pa, hindi niya naman alam na ako si Kira eh." Sabi ko.
[Hindi tayo sigurado anak. Paano kung yun nga ang pakay niya diyan?]
"Mommy, andito siya dahil may pinapagawa silang resort at aksidente lang na nagkita kami. Hindi niya talaga alam na nadito ako."
Hindi ko alam kung bakit ayaw kong isipin na naghihiganti siya kaya siya nandito. Mas gusto ko pang isipin na nandito lang siya para sa itinatayo niyang resort at hindi para maghiganti sa akin.
Pero bakit naman siya maghihiganti sa akin? I didn't do anything wrong!
"Mommy, teka nga! Bakit ba paulit-ulit niyong sinasabi na kaya siya nandito ay dahil maghihiganti siya? Wala naman tayong ginawang masama diba, bukod sa nagnakaw si Daddy sa kompaniya nila?" Naguguluhang tanong ko.
Ewan ko kung bakit kinabahan ako bigla.
Natahimik si Mommy ng ilang segundo kaya mas kumunot pa ang noo ko. Fudge! Why do I feel like they're hiding something from me?!
[Ang totoo anak...ay patay na si Mr. Alfredo Monreal, yung Papa ni Allen.]
Nanlaki ang mata ko at napa-upo dahil sa gulat.
"A-Ano?! P-Paano?!"
Patay na ang papa ni Allen?! Kailan pa? At bakit hindi sinabi ni Mommy sa akin?!
[Nung araw na nagnakaw ang Daddy mo sa pamilyang Monreal ay na-atake sa puso si Mr. Alfredo Monreal.] Kumunot ang noo ko dahil huminto si Mommy sa pagsasalita.
"Tapos?" Sabi ko.
Tumikhim si Mommy.
[Kira, huwag mong kamuhian ang Daddy mo dahil sa susunod na sasabihin ko sayo.] Ika ni Mommy.
Kumalabog ang puso ko. Pakiramdam ko ay may hindi ako alam sa lahat ng nangyari noon at yun pa ang pinakagrabe sa lahat.
[Your father killed Alfredo.]
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomanceKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...