Year 1995
"Ala eh patayin mo ga iyang TV Ariella at gabi na!!,"
sigaw ng nanay nya habang nag babalot Ito ng suman na paninda para bukas sa labas ng simbahan."Saglit na lang po Nay! Please pagkatapos ng palabas saglit na Lang po Ito. Pagmamakaawa nya sa nanay nya.,
Wala syang pinalalampas na episode kahit makatikim sya ng sermon sa nanay nya dahil natatapos ito ng hating gabi na,
buti na lang at walang pasok kinabukasan.Unang kita nya pa lang dito sa isang sikat na pan lalaking cologne commercial sa TV ay talagang nag Ka crush na sya.
Bihira syang magka gusto sa mga artista kalimitan mga babaeng singer ang idol nya.
Simula nun ay inaabangan na nya kung my mga commercial or guesting Ito sa TV.Sa totoo lang sinong di mag kaka gusto kay Juaquim Montenegro,.. eh talaga namang napaka gwapo nito.
Sa taas nitong 6'0ft at sa katawang akala mo at sculpture sa sobrang ganda may abs pa.
Di sya Yung bato bato na muscle tamang tama lang talaga sa height nya,.
Mga matang kulay light brown, makapal na kilay pero napaka ayos ng pagkakalapat tinernohan pa ng makakapal na pilikmata na talagang nagpa gwapo dito, matangos na ilong,
at kulay krema at namumula mulang balat dahil na rin sa sun burn na nakukuha nya sa palagiang pag travel nito para sa show nya.Sino bang hindi kikiligin kahit na ba 8yrs ang pagitan Ng edad nila ilang taon na lang ba at magiging dalaga n rin sya.,
Sobrang pagka humaling nya kay Juaquim Montenegro lahat ng magazine at diaryo na tungkol dito ginugupit nya at idinidikit nya sa isang journal na ginawa nya gamit ang bond paper at illustration board.
Kaya alam nya lahat ng tungkol dito.Minsan na ring naging news anchor si Juaquim Montenegro sa pang umagang news program kaya bago sya pumasok sa eskwela talagang inaantay nya ang segment nito. Natigil lang nang maging host sya ng isang travel documentary.
Kahit 14yrs old lang si Ariella tinanim na nya sa puso at isip nya na si Juaquim lang ang tanging lalaking mamahalin nya ang kanyang "idol".
Kaya kahit maraming nanliligaw sa kanya sa school nila di nya sila pinapansin dahil gusto nyang makapag tapos ng pag aaral para kahit papaano mapansin sya ni Juaquim pag laki nya.,
Kaso after 2 yrs. na nai- ere ang palabas ni Juaquim ay nalaman n lng nya na nag quit na ito sa Television,
dahil na rin sa kailangn mag focus sa negosyo ng pamilya.Sobrang iniyakan nya ang araw na huling ipinalabas ang show ni Juaquim Montenegro na nagpapaalam sa mga manonood . Nalaman nya sa isang magazine na maraming business pla ang pamilya neto sa Pilipinas at ibang bansa,
Kaya sa edad na 24 naging CEO n Ito Ng kumpanya nila.Nang maka graduate sya ng High school pinilit nya maka kuha Ng scholarship sa Manila.,
Dun nya talaga balak mag aral kahit tutol ang nanay nya dahil meron naman daw kolehiyo sa Batangas pero pinilit nya tlgang makahanap ng school sa Manila.
Buti na lng ay merong program sa school nila na naghahanap ng 10 pwedeng maging scholar at sponsor mismo ng University.
Sa kabutihang palad isa sya sa na makapasa.
Pumayag na rin ang nanay nya dahil nangako sya n pagbubutihan ang pag aaral tiwala naman ang nanay nya sa kanya at isa pa makaktipid sila dahil kalahati lng ang babayaran nila. Meron pang makukuhang allowance dahil magpapart time job sya sa mismong school na papasukan nya.Masakit man iwan ang nanay at kapatid nya nangako naman si Ariella na luluwas ng Batangas pag merong free time at pamasahe.
Tatlo n lang sila nang nanay nya at kapatid nyang si Mateo,
di na niya nakita ang tatay nya nang huling nag bakasyon ito sa bansa nya sa Spain. Ang tatay nyang inabandona sila nung 6yrs old pa lng sya at 1yr old p lng si Mateo na kapatid nya. Half Spanish half Brazilian ang tatay at ang nanay nya ay pure Filipino Kaya tisoy at tisay palayaw nila ng kapatid nya sa lugar nila.Dahil sa magandang combination ng lahi ng nanay at tatay nya di talaga maiiwasang maging pansinin sya lalo na sa kulay nya na mistisa at namumula-mula pag na aarawan. Ang ilong nya na nakuha nya sa tatay matangos na my tungki SA dulo,
pati ang labi n pouted at kissable lips kung tawagin. Ang mga mata nya parang si Isabel granada dahil sa makapal na pilikmata at itim na itim na kulay ng nito. At kahit di sya mag lagay ng kolorete sa mukha para pa rin syang may make up dahil sa kinis ng kutis nya. Sa liit Ng mukha nya bagay sa balingkinitan nyang katawan. kahit malakas kumain ay swerteng di tumataba kaya todo ang pagbabantay ng nanay nya sa knya. Dahil maraming umaaligid dito. Kaya hatid sundo pa rin silang magkapatid pag napasok sa eskwela sabagay sa labas lng naman ng eskwelahan ang tindahan ng nanay nya kaya tumutulong na rin sya dito sa pagtitinda ng mga kakanin at kung ano ano pang meryenda pag katapos ng klase para sabay na silang makauwi.Gusto na niyang patigilin ang nanay Aurelia nya sa pag titinda pag nakapagtapos sya at makakuha ng magandang trabaho sya na ang mag papa aral sa kapatid nya. Kaya pagsisikapan nyang maka graduate at makapag trabaho sa kumpanya na pag aari ni Juaquim Montenegro. gusto nyang makita araw araw ang idolo nya kahit anong trabaho basta sa business na pag aari ni Juaquim Montenegro. Balang araw magkikita rin tayo palagiang binubulong nya bago matulog.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...