Chapter 31

619 21 8
                                    

Nanatili pa rin sya sa pwesto nya nakatanaw kahit pa wala na ang sinasakyan nila Rajesh at Ariella. Ang bigat ng dibdib nya litong lito sya. Butis nga ba si Ariella matagal na ba silang magkasintahan ni Rajesh. Kaya ba minsan ay nag iiba ang pakitungo sa kanya ni Ariella.

Lumakad na sya papasok sa sasakyan nya. Hindi na nya mapigilan napahagulgol sya parang batang umiiyak. Hindi pa sya umiyak ng ganito kahit kaninong babae. Wala pang nanakit sa kanya ng ganito. Karma nya ba ito dahil sa mga kalokohan nya noon sa mga babaeng pinaasa nya at ginamit. Bakit kay Ariella pa sa pangalawang pagkakataon sinaktan sya ng iisang babae na tanging minahal nya. Hindi na nya alam kung gaano sya katagal umiyak sa loob ng sasakyan nya. Nang nahimasmasan sya ay wala syang ibang gustong gawin kundi ang lunurin ang sarili sa alak.

Sa bar magisa syang umiinom ayaw nya ng kausap gusto nya lang mapag isa, kahit pa maraming babae ang panay ang alok na samahan syang uminom ay hindi nya ito ine entertain. Halos magsasara na ang bar ng umalis sya. Kahit na sobrang lasing nya ay nakarating pa rin sya ng ligtas sa condo na tinirhan nila noon ni Ariella. Ilang taon din nya itong hindi pinuntahan simula ng iwan sya nito noon. Pinapalinisan nya lang ito sa cleaning services every month ayaw nya ipagalaw ang kahit na anong gamit doon. Pag pasok nya sa loob ay parang nanariwa sa kanya ang lahat ng alalala nila ni Ariella. Lahat ng masasaya at masasakit na nangyari sa kanila. Kung sana maibabalik lang itatama nya lahat ng maling ginawa nya. Sana ay sila pa rin hanggang ngayon kasama ang anak nila.
Kung totoong buntis nga si Ariella kung siya or si Rajesh nga ang ama nito ay wala syang paki alam kukunin nya si Ariella. Siguro nga ay nababaliw na sya.
Sobrang gulo ng sitwasyo nya dumagdag pa si Magena na buntis din. Hindi sya magpapakasal kay Magena pero natatakot sya na baka may gawin nga itong hindi maganda sa batang ipinagbubuntis nya. Sumasakit na ang ulo nya kakaisip pero mas masakit ang puso nya dahil sa nalaman at nakita nyang buntis si Ariella at kasama si Rajesh.

Nakatulugan nya na ang pag iisip. Naalimpungatan na lang sya dahil sa sikat ng araw sa mukha nya. Tinignan nya ang kanyang relo mag aalas 10 na ng umaga. Masakit pa rin ang ulo nya dahil sa kalasingan muling idinilat nya ang mata nya at naalala na kailangan nyang pumunta ng opisina kaya naligo at nag bihis sya. One of these days ay kakausapin nya ng lalaki sa lalaki si Rajesh kailangan nyang malaman kung may namamgitan nga ba sa kanila ni Ariella. Hindi sya papayag na maagaw nito ang mag ina nya. Ayaw nyang lumaki si Janella sa piling ng ibang tatay. Sya lang at wala ng ibang kikilalanin ito ama kundi sya lang.

Agad dinala ni Rajesh si Ariella sa ospital matapos itong mawalan Ng malay habang nag papambuno sila ni Juaquim.

"kamusta ka na may masakit ba sayo" tanong ni Rajesh

"ok na ako thank you, ikaw kamusta ka na pasensya na nadamay ka pa sa gulo namin ni Juaquim"pag hingi ng paumanhin ni Ariella naawa ito kay Rajesh dahil napuruhan ito sa mata at bandang panga. Buti at Friday kinabukasan at walang pasok hindi makikita ng mga katrabaho nila ang nangyari dito.

"wag mo kong intindihin. Alam mo namang para sayo handa kong ipaglaban ang nararamdaman ko. Nakita mo kung anong kalseng tao ang Juaquim na yun. Ariella ayokong pati ikaw ay saktan nung gago na yun." gigil na sabi ni Rajesh

"Hindi naman nya siguro sinasadya baka nag selos lang ulit dahil nakita na magkasama tayo" pagtatanggol ni Ariella.

"Ariella idilat mo ang mga mata mo. Hindi ko alam kung ano ang nakaraan nyo pero sana this time timbangin mo rin kung ano ang mas makakbuti sayo sa inyo ng mga anak mo. Ako nandito ako para sa inyo." sabi ni Rajesh.

"Rajesh alam mo naman na kahit baliktarin pa natin ang mundo si Juaquim pa rin ang ama ng mga anak ko at...... "naputol na ang sasabihin nya napaluha na lang sya.

"Mahal mo sya ganun ba. Kahit na alam mong dalawa kayo sa buhay nya at ikakasal na sya sa iba na kahit na mas pinanagutan nya yung babaeng nabuntisan nya kesa sayo na mas may karapatan ka dahil may anak ka sa kanya. Ariella wake up. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Give yourself a chance to be happy.... with me. Im here for you I love you." sabay kuha sa kamay niya at hinalikan ito.

Alam nya na mahal sya ni Rajesh, pero hindi nya kayang suklian ang pagmamahal nito.

Agad Nakalabas ng ospital si Ariella sobrang pagaalala ng nanay nya. Hinayaan na lang muna siyang magpahinga. Samantala si Juaquim ay agad na pinahanap sa secretary nya ang contact details ni Rajesh Joseph kailangan nyang makausap ito hindi sya matahimik simula ng makita ang sitwasyon ni Ariella. Gusto man nyang Makita at kausapin si Ariella ay wala syang lakas ng loob para ipaliwanag ang tungkol kay Magena isa pa ayaw nyang ma stress ito.

"Hello, Rajesh Joseph this is Juaquim Montenegro. I'll go straight to the point. Are you and Ariella..... (halos ayaw lumabas sa bibig nya ang sasabihin nya dito) do you have a relationship with her? ....Is she pregnant?" may himig na galit sa bawat salita nito.

"wow you have the nerve to call me after what you did the other day." sarkastikong sagot nito

"Damn it just answer my question, are you in a relationship with Ariella"sigaw nito.

"hahhahha kung sabihin kong Oo pare may magagawa ka. At oo ako ang ama ng pinag bubuntis nya kaya kung pwede layuan mo na sya... kame dahil magpapakasal na kame diba ikaw rin, kaya pare kung ako sayo manahimik ka na lang respetuhin mo ang desisyon namin ni Ariella kung may kahihiyan ka hindi ka na mangugulo pa." sabay baba ng phone ni Rajesh

Naibato ni Juaquim ang telepono nya sa sobrang galit. Gusto nyang puntahan si Rajesh ngayon at upakan ulit.

Totoo Kaya ang sinabi ni Rajesh na siya ang ama ng dinadala ni Ariella. Parang piniga ang puso nya sa sobrang sakit na meron ng ibang nag mamay ari kay Ariella.

Nasa kalagitnaan sya ng kanyang pag iisip Ng biglang bumukas ang pinto.

"Love pag sabihan mo nga yung secretary mo ayaw akong papasukin dito"nakamangot na yumakap Ito sa kanya.

"It's not her fault, I told her na walang papasok dito kahit sino" inis na Sabi ni Juaquim kay Magena

"Kahit sino baka nakakalimutan mo na ako ang fiance mo hindi ako kung sino lang" sabay tulak Kay Juaquim na Hindi man lang natinag

"Fiance... Did i propose to you? We're not even engage... Wala akong balak magpakasal alam mo yan pinayagan na kitang tumira sa bahay pero Hindi ko sinabi na magpapakasal ako." Sabi nito sa babaeng nag ngingitngit sa
galit.

"How dare you" sabay sampal nito Kay Juaquim. Pero napigilan ito ng hawakan ni Juaquim ang kamay nya agad din binitiwan at tinalikuran Ito.

Sa sobrang galit ni Magena ay naisip nitong nagpanggap na sinasakitan Ng tiyan

"Ahhhhh Juaquim ang tiyan ko... ouch" pagkukunwari nito na agad namang nagpataranta kay Juaquim.

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon