Chapter 35

561 21 13
                                    

Pagpasok nya kinabukasan ay agad nyang nakita ang isang magandang envelope na nasa table nya. Agad nyang tinignan kung sa kanya ba ito.
Nakalagay ang pangalan nya sa labas ng envelope kaya agad nyang binuksan ito.

Halos manikip ang dibdib nya sa sakit na naramdaman..... Invitation sa kasal nila Magena at ....Juaquim

Agad syang nagpunta sa banyo dahil tutulo na ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak. Sa loob halos mag unahan ang mga luha nya sa paglabas pero impit na impit ang mga hikbi nya ayaw nyang makita ito ng mga kasamahan nya masyado ng maraming drama ang nangyayari sa kanya at ayaw nyang mapagusapan nanaman sa opisina.
Nag hilamos muna sya bago lumabas Ng banyo agad na umupo sa lamesa nya. Muli nyang binuksan ang invitation card next week na ang kasal nila at bakit binigyan pa sya ng invitation para ano pa para ipamukha sa kanya na wala na syang karapatan pang maghabol.
Agad nyang itinago sa loob ng drawer nya ang envelope di nya magawang itapon maganda na rin para everytime na makikita nya ito eh unti unting magpapagising sa kanya na hindi talaga sila ni Juaquim ang para sa isat isa.

Pinilit nyang maging normal ang buong maghapon nya buti na lang at nasa convention sa hongkong si Rajesh ng 4 na araw medyo mababawasan ang sakit ng ulo nya. Napapagod na rin sya sa kakaiwas kay Rajesh, kung hindi lang mahirap makahanap ng bagong trabaho na may magandang sahod ay nag resign na sya isa pa kailangan nya lalo ng trabaho dahil 2 na ang bubuhayin nyang anak. Kahit pa buwan buwan ay may natatanggap na malaking sustento si Janella galing kay Juaquin na inihuhulog nito sa banko na naka pangalan sa bata. Anytime ay pwede nyang i withdraw pero ayaw nyang galawin ito para iyon sa future ng anak nya. Ilang buwan na lang manganganak na sya. Pinipilit nya na lang talagang gawing normal ang lahat dahil ayaw nyang ma stress at baka makasama sa anak nya.

Pauwi na sya ng may tumigil na kotse sa harapan nya. Binaba ang salamin duon nakita nya si Magena nakangiti may halong pangaasar sabay malakas na pinaharurot ang sasakyan... Kita nya rin na malaki na ang tiyan nito halos magkasing laki lang sila. Di nya alam paano syang naka uwi sa bahay nila sobrang bigat ng loob nya. Bago sya pumasok ay kinalma nya muna ang sarili ayaw nyang makita ito ng mag lola.

"What the hell is this Magena!" sabay hagis ng invitation.

"Ano sa tingin mo bulag ka ba invitation yan para sa kasal natin. Dont tell me nakalimutan mo na last week ko pa inaasikaso yan." Halos maglabasan ang mga ugat nito sa leeg dahil sa ginawa ni Juaquim sa mga invitation.

"And dont you worry pinadalahan ko din si Ariella para naman makita nya kung hanggang saan lang sya sa buhay mo. Tandaan mo Juaquim my dear hindi makakabuti sa amin ni baby ang ma stress at sumama ang loob sobrang dami ko ng tiniis sayo. 2 yrs na akong naka balik dito sa Pinas para sayo pero binabalewala mo ako ginagawa mo kong parausan mo kung gusto mo. This time hindi na ako papayag. Subukan mong umatras at pareho kame ng anak mo ang mawawala sayo. Idadamay ko ang inosenteng batang ito sa sinapupunan ko pag iniwan mo ko." sabay pasok nito sa loob ng kwarto alam nya na hindi na makakatanggi si Juaquim pag kasama na sa usapan ang fake nyang baby ilang araw na lang naman ay maikakasal na sila kaya kampante na sya pagkatapos ng kasal ay saka naman nya pag pla planuhan ang fake na miscarriage  nya madali na lang yun tutal nadyn naman si Rico. Madali na nyang magawan ng paraan kung paano nya mapapaniwala si Juaquim na nakunan sya.

Agad na lumabas si Juaquim at sumakay sa kotse nito pupuntahan nya si Magena magpapaliwanag sya, kukumbinsihin nya ito na magpakasal bago pa sya magpakasal kay Magena. Magulo, sobrang gulo ng utak nya. Iniisip nya na kung makakasal sila ni Ariella ay pwede nyang ilihim ito kay Magena pagnaka panganak na ito at alam nyang ligtas ang bata saka nya ito iiwan at kukunin ang bata sa kanya saka nya na pag iisipan kung saan sila magtatago ni Ariella at ng mga bata. Masyadong complicated ang mga naiisip nya dahil gulong gulo na rin sya sa nangyayari sa buhay nila.

Nakarating si Juaquim sa bahay ni Ariella agad na kumatok sya sa pinto, Pinagbuksan naman Ito ng nanay Ariella agad na nag mano sya dito.

"Nay pasensya na po medyo gabi na. Andyan po na si Ariella." Magalang na tanong ni Juaquim sa matanda.

"00 iho pasok ka, kumain ka na ba ipaghahain kita." Tanong nito Kay Juaquim

"Opo nay tapos na po, salamat" sagot nya.

"Cge katokin mo sa kwarto nandun lang sila ni Janella pinapatulog nya" tumalikod na Ito at nagtungo sa kusina.

Marahan syang kumatok sa pinto ng kwarto, ng walang sumasagot ay binuksan nya na ito. Nakita nya ang mag ina nya magkayakap at natutulog agad nyang nilapitan Ito. Pinagmasdan nya lang ang mga Ito ayaw na nyang gisingin si Ariella dahil halatang pagod ito kitang kita nya ang natuyong luha sa mga mata ni Ariella. Halatang kakaiyak lang nito. Sobrang naawa sya para sa mag iina nya. Gusto nyang yakapin sila Ng mahigpit.

Kung pwede lang na patigilin ang oras sa mga sandaling iyon ay ginawa na nya. Masyado nyang nasaktan si Ariella. Nung huling nag usap sila ay tinanong nya kung sya na ang ama ng dinadala nito. Pero ayaw nyang sumagot at pag usapan ito. Nararamdaman nyang sa kanya Ito. Kahit pa umamin ang gagong Rajesh na iyon ay ramdam nyang siya lang at wala ng iba pa sa buhay ni Ariella. Hindi ganoong klaseng babae ang taong minahal nya. Kailangan nyang magawan ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila ni Magena ng hindi nito sasaktan ang sarili at ang bata sa sinapupunan nito bahala na. Iniwanan nya ng halik sa ulo ang mag inang natutulog at agad na lumabas Ito sa kwarto at nag paalam sa nanay ni Ariella.

Pag labas ni Juaquim ay agad na idinilat ni Ariella ang mga mata nya na basa pa ng luha. Ayaw nyang makausap si Juaquim kaya nag tulog tulungan sya ng narinig nya ang mga katok nito. Alam nyang si Juaquim ang nakatayo sa tabi ng kama nya dahil narinig nya itong kausap ng nanay nya sa labas.

Muli ay umiyak naman sya sa sobrang sakit ng nararamdaman nya. Ang taong minahal nya simula pagkabata nya ang ama ng mga anak nya ay ilang araw na lang ay tuluyan ng mawawala sa kanya. Hindi man lang nya naipaglaban ang sarili at mga anak nya para sa pagmamahal nya kay Juaquim. Oo inaamin nya naduwag sya. Kahit pa alam nyang mas may karapatan sya kesa kay Magena. Pero ayaw nyang dumating sa point na guguluhin sila ni Magena at isa pa sinabi ni Juaquim na sasaktan nito ang sarili at ang baby sa tiyan nya pag iniwan ni Juaquim si Magena. Maaatim ba ng kunsensya nya na may masaktang bata. Naawa sya sa inocenteng sanggol sa simapupunan ni Magena wala itong kinalaman sa kanila. Kaya mabuti na ring umiwas.

Hindi umuwi si Juaquim sa bahay nito sa Paranaque. Dumiretso sya sa condo nila ni Ariella sa Ortigas. Dun mas makakapag isip sya ng paraan paano nya malulusutan ang lahat ng problema nya. Ayaw nya ring makita ang pagmukukha ni Magena. Kung hindi lang sa bata ay matagal na nyang pinutol ang kung ano mang ugnayan nila ni Magena.

Agad na tumawag sya sa lawyer nya.

"Atty. Gascon nagawa mo na na yung pinagagawa ko. Make sure na mailipat ang kalahati ng properties ko sa pangalan ni Ariella as soon as possible. Ok balitaan mo agad ako" Yun lang ang tanging alam nya na paraan bago siya ikasal kay Magena Kung sakali. Alam nya na isa sa agenda nito ay makakuha ng pera galing sa kanya alam nyang naubos ang perang nakuha ni Magena sa dati nitong asawa ng mag divorce sila sa America. Alam nya ring naubos Ito dahil sa pag susugal nito sa malaking casino at may malaking utang ang kumpanya ng pamilya nito sa mga investors dahil napabayaan nya ang negosyong iniwan kay Magena ng magulang nito. Kaya mas makakabutingnaka secured na ang kalahati ng kayamanan nya kay Ariella at mga anak nito bago pa may gawing kalokohan si Magena sa kanya.

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon