Matiyagang nag antay si Juaquim sa antayan ng jeep pero walang dumating na Ariella. Kahit pa pagod galing sa trabaho ay nag tya-tyaga itong sunduin si Ariella kahit pa alam nyang tulog na si Janella pag dating nila, ginagawa nya pa rin ito just to make sure na safe ito makakauwi.
Kaya nagpasya na lang syang pumunta sa bahay nito para malaman kung nakauwi na ito. Naka ilang katok na sya sa bahay nito pero walang nag bubukas ilang beses na tinawagan nya ang numero ni Ariella pero naka patay na ito. Muli kinatok nya ang pinto."kuya ikaw pala. Wala dito sila ate ako lang ang naiwan dito." halatang bagong gising pa si Mateo.
"Sorry nagising pa kita. Eh saan daw sila pumunta gabing gabi na?" nagtatakang tanong nito.
"walang sinabi eh basta ang bilin nya pag dumating ka daw wag ka na daw mag papakita at pupunta dito. Kanina pag uwi galit na galit sya kuya."
Sabi ni mateo."Ganun ba. Bakit may problema ba? Wala bang nasabi sayo kung bakit?"
Nagtataka na tanong ni Juaquim"Sorry kuya hindi ko rin alam basta sabihin ko lang daw sayo yun. Pasensya na kuya napag utusan lang ako" paghingi ng dispensa ni Mateo
"Ayos lang bayaw siguro tinopak nanaman ang ate mo. Basta pag umuwi paki sabi tumawag or sagutin ang tawag ko please." nanlulumong umalis na si Juaquim
Isinara na ni Mateo ang pinto ng bahay habang si Ariella ay nasa tabi lang pala nito kanina pa nakikinig.
"Ate dapat kusapin mo si kuya Juaquim para naman kayong bata eh. Lagi kayong nag aaway baka makita pa ni Janella yan." pangaral nito sa kapatid
"Oo mag uusap din kme pero hindi pa sa ngayon hindi pa ako handa cge matulog ka na ulit. Maaga ka pa papasok bukas. (umuwi lang si Mateo ng bahay dahil may kailangang kuhanin na gamit sa bahay)
Hindi makatulog si Ariella sobrang galit na galit sya kay Juaquim at kay Magena. Bukas pagkatapos nyang kausapin ang HR at mag apply ay didiretso sya sa baranggay nila para mag pa blotter.
Samantalang si Juaquim ay ganun din isang araw nya lang hindi nakita si Ariella parang miss na miss na nya. Gusto na sana nyang mag tapat ng nararamdaman nya kaso hindi nya alam kung paano. Dahil minsan ok sila minsan naman hindi. At nagtataka sya ngayon kung bakit nanaman ito galit sa kanya samantalang ok naman sila kahapon. Kailangan makausap nya si Ariella.
Naka uwi na si Ariella matapos unang araw ng trabaho ay agad agad naman syang dumiretso sa barangay. Para mag pa blotter para Hindi na makalapit pa si Juaquim sa kanila dahil alam nya kung verbal lang ay hindi Ito mapipigilan siguro pag may kasulatan na ay susunod na Ito.
Maaga syang pumasok sa bagong trabaho. Personal na tinutukan ni Rajesh si Ariella sa mga gagawin nya since may experience Naman sya nung nag OJT sya sa company ni Juaquim at sa naging trabaho nya sa Laguna kaya madali na syang natuto. Mabait ang mga kasamahan nya sa kumpanya lalo na si Rajesh. Nag Alok pa Ito na ihatid sya sanay na sya sa ganung approach kahit may anak na sya marami ang nag papalipad hangin sa kanya pero hindi Ito ang priority nya isa pa isang tao lang ang pinag alayan nya ng puso nya Ito pa ang taong nananakit sa kanya ngayon. Juaquim Montenegro bakit ang hirap mong kalimutan.
Hindi maka pag concentrate sa trabaho nya si Juaquim ng araw na iyon kaya dumaan sya sa shop kung saan nag tra-trabaho si Ariella pero iba na ang saleslady na nanduon.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...