Chapter 36

456 18 5
                                    

"Ma'am wait lang po may nka pila pa po na susunod na pasyente si Doc Rico." habol ng nurse kay Magena na tuloy tuloy lang sa pag pasok sa opisina ni Doc Rico.
Hindi nito pinansin ang humabol na nurse diretso itong pumasok sa loob ng kwarto ng doctor.

"Bruha talaga" naghihimutok na sabi ng nurse na nasa front desk

"My darling Rico.... " Sabay yakap at halik sa labi ng doctor si Magena

"What brought you here? My patiente pa ko sa labas." Medyo naiirita na sabi ng doctor.

"I will not stay too long I just need to give you this darling." Sabay abot ng invitation.

"Bilib na talaga ako sayo Magena, you will not stop until you get what you want. Sana lang di ako madamay sa mga kalokohan mo." Sabay hapit sa bewang ni Magena at hinalikan ulit ang mga labi nito this time mas mapusok.

"Trust me darling Di papalpak ang mga plano ko. A week After the wedding babalik ako dito and you know what you have to do ok get ready with the fake miscarriage" Sabay tawa ng malakas ni Magena

---

"Bat ang tagal mo sabi ko sayo saglit lang ako at may pasok pa ako. O eto na yung order mo sa katapusan bayad Nyan."sabay abot ni Gen ng mga damit na order ng pinsan nyang nurse na si Grace

"Pasensya na bwisit kse yung malanding pasyente ni Doc Rico. Wala namang schedule dire-diretso sa loob kaya nag paliwanag pa ko dun sa ibang pasyente." Kunot noong sabi nito Kay Gen.

"Speaking of the devil ayan na yung malanding babaeng yan buti na lng at umalis na hmmmp sarap ngud-ngod sa tae ng kalabaw."sabay irap sa palabas na si Magena.

"Uy kilala ko yan customer namin yan sa shop. Yan yung sinasabi ko sayong sumugod sa kaibigan kong si Ariella kaya natanggal sa work. Diba buntis ngayon yan bat ang taas ng takong ng sapatos?" Nagtatakang tanong ni Gen sa pinsang nurse na nagtratrabaho kay Dr. Rico

"Nag tataka rin kame na nabuntis yan eh. Kase 2yrs ago umuwi yan galing ng America na diagnosed na may bukol sa matres nyan alam ko inoperahan yan ni Doc para tanggalin ang matres nya para di na kumalat yung bukol. Tapos nagulat kameng lahat ng staff paanong nabuntis yang bruha na yan." Naka mangot na kwento ni Grace sa pinsan

"Sigurado ka ba dyan? As in wala ng matres pero nabuntis? Ano sya mirakulo? Nagtatakang tanong ni Gen

"Oo sure na sure ako dyan ako ang nag assist kay doc Rico. Ako pa nga ang nag dala sa Makati Medical ng tinanggal na matres nyan para sa medical evaluation report ni Dr. Rico. Kaya impossible na mabuntis yang gaga na yan."gigil na sabi nito kay Gen

"Hmmmm nakakapagtaka nga paanong mabubuntis ang isang babaeng walang bahay bata.... Mukhang may mali talaga" napapa isip na sabi ni Gen.

"Oy sige na Baka hinahanap na ko sa loob sa katapusan ko na ibigay ang bayad nito." Sabay talikod sa nakatulalang si Gen.

Hindi alam ni Gen kung kanino sasabihin ang natuklasan. Kung kay Ariella ba or kay Juaquim.

Isang araw na lang at kasal na ni Juaquim halos hilahin nya pabalik ang oras. Hindi na sya pwedeng umatras dahil naipamigay na ni Magena ang mga invitation sa malapit nilang kaibigan at kamag anak isa pa nasa sinapupunan pa rin ni Magena ang anak nila natatakot syang pag umatras sya ay may mangyaring masama sa bata lalo at ilang buwan na lang ay manganganak na Ito. Nag try syang tumawag kay Ariella pero laging naka off ang cellphone or ayaw sagutin. Nag try syang sunduin sa trabaho pero hindi nya maabutan or sadyang nagtatago ito sa kanya kahit sa bahay nila palaging sinasabi ng nanay nya na tulog na Ito masama ang pakiramdam dahil sa pinag bubuntis gusto man nyang mag stay ay parang nararamdaman nyang ayaw na rin syang papasukin ng nanay ni Ariella sa bahay dahil hanggang pinto lang sya kung kausapin hindi gaya noon. Siguro ay alam na ng matanda na ikakasal na sya kaya medyo malamig na rin ang pakitungo sa kanya.

.....

"Anak umalis na si Juaquim talaga bang ayaw mong kausapin yung tao. Aba eh dapat bago sya ikasal magkaliwanagan kayo ayokong manghimasok sa desisyon mo diyan dahil buhay mo yan pero ina mo pa rin ako. Nandito ako para gabayan ka, Sana tama ang mga desisyon mo. Mahirap lumaking walang kinikilalang ama ang mga bata ah. Alam ko Mahal mo pa rin sya sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nyong dalawa. Wag mong dayain ang sarili mo dahil sa takot. Ala eh harapin mo yaan tayong batangenya ay likas na matatapang at hindi naurong sa laban." Payo ng ina ni Ariella.

"Inay kahit gusto kong magka usap kame ni Juaquim parang pag kaharap ko sya nalulunok ko ang dila ko. Wala pa akong lakas ng loob na harapin sya lalo na ngayon na ikakasal na sya lalo akong nawalan ng gana na ipaglaban ang karapatan naming mag iina dahil alam ko na may buhay ng inosenteng bata ang nakataya. Hindi ko alam Kung maniniwala ako sa sinabi ni Juaquim na baka gawan ng masama ni Magena ang pinag bubuntis nya pero ina ako ayaw kong may mangyaring masama sa kahit kanino lalo pa sa isang bata na wala namang kinalaman dito.

"Hayaan mo anak darating din ang araw na magiging maayos din ang lahat. Wag kang makakalimot na tumawag sa Panginoon sya lang ang sandigan natin" sabay yakap sa anak naawa man sya sa kalagayan ng anak alam nyang kakayanin nilang malagpasa lahat ng pagsubok sa buhay.

.....
Krrrrrrr krrrrrrr krrrrrrr
"Bakit kaya ayaw sagutin ni Ariella ang tawag ko importante na malaman nya Yung tungkol kay Magena. Eh kung si Juaquim kaya ang tawagan ko kaso Baka sabhin tsimosa ako Sana maniwala kaya sa akin yun." Natatarantang sabi ni Gen sa sarili.

"Isa pang tawag pag hindi sinagot ni Ariella ang tawag ko tatawag na ako kay Juaquim bahala na kung maniwala sila sa akin mahalaga ay nasabi ko na." Muli ay nag dial ng numero ni Ariella si Gen pero walang nasagot.
Kaya sinimulan nyang tawagan si Juaquim ilang beses din nag ring ang telephone.

"Hello hi sir Juaquim kmusta po si Gen po Ito yung kaibigan ni Ariella" kinakabahang sabi ni Gen.

"And what do you want with my soon to be husband. The nerve na tumawag ka sa private line ni Juaquim kaibigan ka lang naman ng patay gutom na Ariella na yan. Never ever call him again" sabay Baba Ng tawag

"Aba talagang ginagalit ako ng bruha na Yun humanda ka" galit na galit sa Sabi ni Gen sa sarili

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon