Chapter 37

443 21 18
                                    

Walang sinayang na oras si Gen agad na pinuntahan ang bahay ni Ariella.

"Kala ata ng bruha na yun hindi ko malalaman yung secret nya. Sarap pagbuhulin ang mga bituka." Agad na sumakay ng jeep si Gen pagkabihis gusto nyang sabhin ng personal kay Ariella ang natuklasan tungkol kay Magena. Tiwala syang totoo ang sinasabi ng pinsan nya dahil pinilit nya ang pinsan nya na Ibigay sa kanya  ang kopya ng record ni Magena.

....

Gen: sigurado ka ba na totoo yung sinabi mo na wala ng matres si Ms. Magena?
Grace: oo ano ka ba. Saka bakit ba interisado ka sa impakta na yun.
Gen: kase nga buntis si Ariella tapos Yung tatay eh yung sinasabi ni Ms. Magena na naka buntis sa kanya diba Sabi mo nasa record yung name nung tatay Juaquim Montenegro.
Grace: oo Yun nga yung pogiiiiiii alam ko dating news anchor yun
Gen: bigyan mo ko ng kopya ng records. Yung katibayan na walang kapasidad na magbuntis ung impakta para mapakita ko dun sa kaibigan ko aba unfair naman eh paano kung mapikot ni Magena yung si sir Juaquim kawawa naman ang kaibigan ko mawawalan ng ama yung dalawa nyang anak.
Grace: ano ka ba bawal yun labag sa protocol namin yun dahil confidential yun.
Gen:Di ko naman sasabhin na ikaw ang nag bigay saka di malalaman ng amo mong manyak na ikaw ang nag pasa sa akin
Grace: ay naku hindi talaga pwede insan Yang gusto mo.
Gen: ano ka ba chance mo na makaganti sa manyak na doctor na yun saka isa pa ilang linggo na lang aalis ka na papunta ng Canada di ba tinatapos mo na lang yung resignation period mo dyn
Grace: ikaw talaga wag mo lang ako ibubuko tandaan mo wag mo ako maidamaydamay dyn.cge na bigyan Kita Ng kopya pero pls pakiusapan mo Kung sino man ang pagsasabihan mo na wag ako idadamay.
Gen: akong bahala walang pangalan mo ang lalabas dito saka isa pa para sa inyo din yan diba balak nyo ng umalis lahat dyan dahil sa manyak na Dr. Rico na yun for sure makakaganti na kayo pag natanggalan ng lisensya yan.
Grace: sabagay tutal isa isa na kameng nag reresign dahil sa kawalangyaan ng doctor na yun. Nung isang linggo pinasok sa banyo yung bagong nurse.... Hmmmp gwapo sana Yang doctor na yan kaso manyak na paasa pa lahat kame niligawan pinaasa karma na nya Yan.
Grace: cge daanan mo dito sa clinic yung kopya ng record basta walang damayan ok insan
Gen: oo ako bahala salamat at least may ebidensya ako pag nakausap ko si Ariella at si sir Juaquim

.

..

Tok tok tok

"Sino Yan? Tanong ng nanay ni Ariella sa kumakatok

"Hi Nay! Si Gen po Ito pasensya na po Gabi na napasugod pa ako" malakas na sabi nya sa matanda na nasa likod ng pinto.

"Ay ikaw pala halika nandun sya sa sala at nag tutupi ng damit." Agad syang pinapasok ng matanda

"Salamat po Nay." Agad syang dumiretso sa sala kung saan nadun ang mag ina nanonood Ng TV habang si Ariella ay nagtutupi ng mga damit.

"Uy napasyal ka ate Gen, wala kang pasok ngayon?... Kumain ka na ba ng hapunan nag luto si nanay ng igado? "agad na pinaupo si Gen

"Wag na may gusto kse akong sabihin sayo kanina pa kita tinatawagan eh actually kahapon pa. hindi mo sinasagot yung tawag ko" naka mangot nyang sabi sa kaibigan

"Pasensya na Ate Gen may iniiwasan kase akong tawag..... Alam mo na" nahihiyang sabi nito sa kaibigan

"Sino si sir Juaquim? Ahmmm speaking Pwede ba tayong magusap na tayong dalawa lang" sabay nguso sa anak nitong nanonood ng TV.

"Cge halika kung gusto mo dun tyo sa  kusina" iniwan na nya ang mga tupiin at ibinilin sa nanay nya si Janella na patulugin na.

"Kase ganto yon may nalaman ako tungkol sa bruha na si Magena. Kaya kahapon pa kita tinatawagan" panimula ni Gen

"Kung ano man yan eh hindi ako interesado ate Gen sa katunayan kaya ayaw ko sumagot ng tawag dahil bukas na ang kasal ni Magena at..... Juaquim" halos di nya mabigkas ang huling pangalan na binanggit at simula ng tumulo ang luha nya na akala nya ay naubos na kagabi na halos magdamag syang umiiyak.

"Ano bukas na ang kasal!!! Hindi Pwede Yan!!!" Gulat na gulat na sigaw ni Gen

"Shhhhh bka marinig ka ni Janella wala syang alam sa nangyayari."  Saway nya sa kaibigan

"Hindi pwede yang sinasabi mo hindi sila pwedeng ikasal dapat kayo ni  sir Juaquim." Mahinang Sabi nito pero may gigil

"Ate Gen magkaka anak na rin sila at isa pa hayaan na natin sila ayoko ng kumplikadong buhay alam mo Naman ugali ni Magena di yun titigil" sagot nya sa kaibigan.

"Hindi totoo yan impossible na mabuntis yang bruha na si Magena." Sabi ni Gen

"Anong??? Anong ibig mong sabihin ate Gen? Kaya nga papakasalan ni Juaquim si Magena dahil 5 months ng buntis si Magena at isa pa nagbanta sya kay Juaquim na ipapalaglag nya ang bata pag umatras sya sa kasal." Sabay yuko nya ng ulo at pahid sa luha

"Ayan na nga ba sinasabi ko Ariella hindi pwedeng magbuntis si Magena dahil wala ng matres yung impakta na yun eto yung record nya sa clinic na pinapag check upan nya. Yung doctor nya yan din yung doctor na nag opera sa kanya 2yrs ago." Sabay abot kay Ariella Ng kopya

"Saan mo to nakuha?"agad na binasa nya ang nakasulat sa papel medyo Hindi nya naiintindihan ang mga medical terms pero naka saad duon ang lahat ng info ni Magena oo nga naoperahan Ito  dahil sa ovarian cysts.

"Kailangan malaman ni sir Juaquim Yung totoo na niloloko lang sya ni Magena. Dahil kung hindi maikakasal sya kay bruhang Magena na yun at hindi pwede yun Ariella. Unfair ung sa inyong mag iina." Tumaas ulit ang boses ni Gen

"Pero paano bukas na yung kasal.... Paano natin sasabihin kay Juaquim. Saka paano tayo nakakasiguro na maniniwala nga sa atin si Juaquim" muling nag unahan ang luha ni Ariella.

"Tumawag ako kanina kay sir Juaquim kaso si Magena yung sumasagot sa tawag ko. Ewan bakit ayaw sagutin ni sir Juaquim yung tawag." Sabi ni Gen sa kaibigan

"Kung pupuntahan natin sya sa bahay  Di natin sure kung nandun nga sya or nasa opisina or baka naman nasa hotel na dahil bukas na ang kasal.

Mabuti pa puntahan natin sa bahay nila. Kaso Baka nandun si Magena. Medyo maaga pa naman 7:30 mag taxi na lang Tayo

Agad silang nag paalam sa nanay nya at pumunta sa bahay ni Juaquim sa Paranaque pero wala duon ang kotse nito.

Pagkakita ni manang Lita ay agad syang niyakap ng matanda. Halatang malungkot din ang matanda dahil ikakasal na ang alaga.

Sinabi ni manang Lita na umalis itong lasing kasama si Magena kaya ang nag maneho ay si Magena walang idea ang matanda kung saan sila pumunta.

"Paano na yan Ariella 9 na ng gabi di rin natin alam saan natin hahagilapin si Juaquim." Malungkot na sabi ni Gen

"Hindi ko rin alam ate Gen sa totoo lang gusto ko na sumuko Kung talagang kame sa huli ang Diyos na lang ang makakaalam" muling napaluha si Ariella.


my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon