Tatlong taon din ang lumipas na magisa niyang tinaguyod si Janella. Sobrang pagmamahal ang ibinuhos nya dito. Hindi mo maipagkakailang anak nga ni Juaquim dahil babaeng version Ito Ng tatay nya. Tanging maamong mata lang ang nakuha sa kanya.
Umalis na rin sila sa bahay ng tita nya sa Laguna dahil ibinenta na Ito ng mga anak nito ng mamatay ang tita nya. Kaya napilitan silang manirahan sa Manila para na rin makakuha sya ng trabaho at makapag aral ang kapatid nyang si Mateo, buti at naka pasa Ito sa libreng pampublikong University.
Sya naman ay nag apply kung saan saan dahil hindi sya naka graduate hirap syang maka hanap ng trabaho na qualified sya. Habang ang nanay nya ang syang nag aalaga sa anak nyang si Janella.Buti na lang at nagkita sila ng dati nyang ka roommate na si ate Gen ipinasok siya sa mall na pinag tra trabahuan nito.
"Thank you Ate Gen ipinasok mo ako dito kailangang kailangan ko talaga ng trabaho ngayon. Mauubos na ang budget namin kaka apply ko Ng trabaho." Halos yakapin nya Ito sa tuwa.
"Ano ka ba wala yun, saka sa ganda mong iyan talagang matatanggap ka dito sa cosmetics section bagay na bagay sayo ang trabahong to."
Sagot ni ate Gen sa kanyaLumipas pa ang apat na buwan naging maayos ang pag tra trabaho nya sa cosmetics store. Marami na rin syang mga regular costumer at isa na dun si Ms. Magena mabait Naman Ito pero minsan may pagka sarcastic. Siguro nga karamihan sa mayayaman ay may ganung ugali. Pero ok lang ang mahalaga may benta sya pag dumadaan Ito sa pwesto nya.
Magkatabi lang sila ng pwesto ni ate Gen kaya nag eenjoy sya sa trabaho nya hindi sya na bo- bored.
"Excuse me do you have a brand called Elite?. I heard maganda daw yung smokey eye shadow palate nun"
Tanong ng regular costumer nilang si Ms. Magena."Yes ma'am actually marami nga pong naghahanap nun maganda daw po talaga lalo na yung blending ng mga colors " sagot nya
"Oh really... Then give me a set of that Elite and also add some brushes." taas kilay nitong sabi.
"Yes ma'am" yumuko sya at kinuha nya ang item na gusto ni Ms. Magena sa mga stock nya sa loob ng boot nya.
Habang nag hahanap ng brushes na kakailanganin ng costumer. May parang pamilyar syang boses na narinig na kausap nito."How long will it take? We need to go now the lunch meeting will start in about 20 minutes."
Narinig nyang sabi ng kausap ni Ms. Magena.Hindi sya pwedeng magkamali dahil hinding hindi nya pwedeng makalimutang ang pamilyar na boses na yun. Kung pwede lang ay lamunin na sana sya ng lupa para hindi sila magkaharap nito.
"Hey are done with that, bagal mo."
Sita ni Ms. Magena sa kanya.Unti unti nyang inangat ang ulo nya para humarap sa mga Ito.
Hindi nga sya nag kamali the least person na gusto nyang makita sa tanang ng buhay nya ay nasa harapan nya ngayon.
Tinignan lang sya nito pero walang expression na makikita dito hindi nya alam kung hindi ba sya nakilala nito dahil sa kapal ng make up nya or sinadya nitong hindi sya pansinin.
The longest 1minute of her life ng I-abot nya ang binili ni Ms. Magena, parang nag slow motion ang galaw nya. Gustong gusto na nyang umalis ang mga Ito at tumakbo na sya pauwi. Bakit napaka liit ng Maynila para s kanila.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...