Chapter 21

568 17 4
                                    

Halos madapa sya sa pag takbo para mka uwi sa bahay nila. Abot abot ang kaba nya. Hindi nya kakayanin kung magkatotoo ang hinala nya.

Hindi pa sya nakaka pasok ay dinig na nya ang tawa ng anak nya sa loob. Bigla nyang binuksan ang pinto. Kitang Kita nya si Juaquim kandong ang anak nito at nag lalaro sila ng plato platuhan na kunwari ay umiinom pa Ito ng kape sa pink na plastic cup na laruan ni Janella.

"Mommy! mommy!"
Sigaw ng anak nya na kumawala sa pagkaka kandong kay Juaquim. Kinalong nya ang anak nya at niyakap ng mahigpit na akala mo ay aagawin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito." Sigaw nya kay Juaquim. Sabay labas ng nanay nya mula sa kusina may dalang juice.

"O andyan ka na pala eh bakit ngayon ka lang pinag antay mo kme pati ang bisita mo." Tanong ng nanay nya at inabot ang juice kay Juaquim.

"Pasensya na Nay medyo mahirap sumakay." Sabay mano sa ina, kitang Kita naman niya ang biglang pag kunot ng noo ni Juaquim sa sinabi nya.

"Nay ipasok nyo na po si Janella para maka tulog na." Sabay inabot si janella nanay nya.

"di pa pu atutulog yayaru pa kme" (Hindi pa po matutulog maglalaro pa kame) sabay tingin ni Janella Kay Juaquim.

"Wag matigas ang ulo sige na hindi kita ipapasyal bukas". Sabay halik sa anak.

"Ok Yang Pu matidas uyo ko kse pag mayambot abubukol utak ko" (ok Lang matigas ang ulo ko kase magka bukol ang utak ko) pangangatwiran Ng anak na mang mana talaga sa tatay hindi magpapatalo.

Biglang natawa si Juaquim sa sinabi ni Janella.

Tinignan nya ng masama si Juaquim na kaagad namang ikina tahimik nito.

"Nay sige na po at gabi na, tulog na janella" at ipinasok na nga ng nanay nya sa kwarto nila si Janella bago nag paalam Ito kay Juaquim at yumakap at humalik pa ito.

"Butat yayaro tayo ok"

"Ok bukas bibili tayo ng new toys mo papasyal tayo." sabay yakap ng mahigpit sa bata.

"Nay goodnight po" sabay mano sa ina ni Ariella.

Gustong mapaiyak ni Ariella sa nakita ang saya siguro kung totoong kumpleto sila. Pero bumalik din ang galit at takot nya.

Nang makapasok ang mag Lola ay agad nyang hinila palabas ng pinto si Juaquim.

"Anong ginagawa mo dito!Umuwi Ka na!" Sigaw nya kay Juaquim

"Hindi ako uuwin mag uusap pa tayo marami kang dapat ipaliwanag sa akin" mahina pero may diin ang pagkakasabi nito

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo at wala kang karapatan manggulo sa buhay namin kaya umalis ka na at wag ka ng babalik ayoko makita ang pag mumukha ko" Hindi na nya napigilan ang galit nya.

"Mommy!! Nang aaway kayo" sigaw Ng bata sa loob Ng kwarto
"Huy matulog ka na to batang to usisera" saway ng Lola sa apo

" Come dito tayo magusap" mahina pero may di-ing sabi nito sabay hinila sya ni Juaquim papasok sa banyo nila na malapit sa kusina. At isinara ang pinto.

Maliit ang banyo nila lalo na para sa isang malaking taong kagaya ni Juaquim. Kaya dikit na dikit ang katawan nila sa isat isa. Ang mga braso ni Juaquim ay naka sandal sa pader na kinatatayuan nya kaya na corner sya nito.

"Ngayon ka mag paliwanag! sino ang batang yan. Sabihin mo !!! Tell me is that my daughter"
Naka yuko si Juaquim na halos mag tama na ang mga mukha nila sa sobrang lapit, ramdam nya ang mabango at mainit na hininga nito sa mukha nya.

"Hindi" sigaw nya.

" Umamin ka na akin yan di ba" sabay suntok sa pader.

Nanlaki ang Mata ni Ariella sa takot. Napapikit sya.

Pag dilat ng mata nya kitang kita nya ang maluha luhang mata ni Juaquim.

"Tatlong taon ipinag kait mo ang anak ko sa akin" sabay tingin ng masama kay Ariella.

"Hindi mo anak si Janella at paano ka nkakasiguro na anak mo nga sya.. ikaw lang ba ang lalake sa mundo." Sigaw nya, kasabay nito ay bigla syang hinawakan sa leeg ni Juaquim na akmang sasakalin sa narinig.

"Sige sige patayin mo na lang ako pero sisiguraduhin ko na hindi ka rin mkakalabas ng bahay nato ng buhay" idiniin nya ang kamay ni Juaquim sa leeg nya.

"Hindi pa tayo tapos Ariella I'll make sure na babalik kayong mag ina sa akin. Sabay bitaw sa kanya at lumabas ng pinto diretso palabas ng bahay.

Napa upo sya sa sahig at umiiyak. Bakit parang kasalanan pa nya. Nung huling usap nila bago sya umalis sa poder ni Juaquim malinaw na sinabi nito na hindi pa sya ready mag ka anak at isa pa hindi nga sila magka relasyon ng panahon na yun.

Ginawa lang nya ang sa tingin nya ay tama. At kahit walang kinalakihang ama si Janella napalaki nya Ito ng maayos kahit na mahirap lang sila. Magkatulong sila ng nanay nya at kapatid nya na nagpalaki sa anak nya. Hindi nya kailangan ang katulad ni Juaquim. Ang taong walang ginawa kundi ang saktan sya. Paglaruan ang damdamin nya.

Wala pa syang tulog pero nagising na sya ng maaga. Nilapitan nya ang nanay nya na abala sa pag hihiwa ng gulay na lulutuin dahil tuwing tanghali ay nag titinda ang nanay nya sa labas ng eskinita ng ulam kahit anong pilit nya na tumigil Ito ay hindi pa rin nag papa pigil kaya hinayaan na lang nya.

"Inay..... " Hindi na nya itinuloy ang sasabihin sa nanay nya.

" Sya ba anak?" Tanong ng nanay nya

Tumango sya at sabay napa iyak na yumakap sa nanay nya.

"Anak malaki ang tiwala ko sa iyo alam kong may dahilan ka kung bakit  inilihim mo ang pagbubuntis mo sa ama ng anak mo. Pero sana bigyan mo ng pagkakataon ang anak mo na maranasan nya na meron syang tatay." Pangaral Ng nanay nya.

"Pero inay natatakot ako na baka kunin nya si Janella sa akin baka hindi ko na makita ang anak ko. Saka isa pa ayaw ko ng masakatan ulit."

"Ang pag ibig ay parang sugal anak hindi mo alam kung talagang  nagmamahal ka kung hindi mo susubukan. Matalino ka anak tiwala ako na malalagpasan mo rin lahat ng Ito wag kang matakot na baka magaya ka sa akin bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo at lalong lalo na si Janella." Kung alam lang ng nanay nya na nauna na nyang isinugal ang puso nya at natalo sya at ayaw na nyang sumugal ulit dahil ang kapalit nun ay ang anak nya.

Nag bihis na sila ng anak nya,  inagahan nya ang pag gayak dahil ayaw nyang abutan sila ni Juaquim sa bahay baka nga totohanin nito na babalikan sila ngayon. Mabuti ng sila na ang umiwas. Natatakot syang magkaharap ito. Wala syang lakas ng loob na sabihin dito ang totoo lalo pa at alam nya ang ugali ni Juaquim hindi Ito titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto.

Palabas na sila ng bahay ng makita nyang pumarada ang sasakyan na pamilyar sa kanya.

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon