Bigla na lang nawalan ng malay si Ariella buti at nasalo ni Gen.
"Ay tulong Ariella gising naku, tulong!" pero wala ng tao sa loob ng venue dahil naka alis na ang matandang nag aayos sa loob
Agad nyang inilapag si Ariella sa sahig dahil hindi nya kayang buhatin ito lumbas sya ng upang humingi ng tulong.
Malayo layo din ang nilakaran nya dahil sa labas ng hotel ang function room na pinag dausan ng kasal nila Magena at Juaquim. At wala rin syang makasalubong na taong tutulong sa kanya. Kaya ng maka pasok sya sa mismong hotel ay dun sya nakakita ng bellboy nahingan nya ng tulong agad silang pumunta sa kinaroroonan ni Ariella.Ngunit laking gulat nya ng wala na si Ariella tanging ang bag lang nito ang nandun sobrang pag aalala at takot ni Gen na baka kung ano na ang nangyari kay Ariella.
"Nandito lang po yung kasama ko kanina nawalan po ng malay please po tulungan nyo akong mahanap sya baka nag kasalisi lang kame at pumasok na ulit sa loob ng hotel or baka nakita ng guwardya na lumabas."
Natatarantang sabi ni Gen sa bellboy na kasama."Ok po titignan natin sa CCTV maam pero kailangan muna natin tanungin ang mga gwardya baka nga lumabas na yung kasama nyo" sabi ng bellboy na kasama ni Gen
45 minutes din silang nag hanap sa loob ng hotel sumakit na ang ulo ni Gen sa sobrang pag aalala sa kaibigan
"pwede na po ba natin syang tignan sa CCTV sir baka kse dun natin makita" sabi ni Gen sa gwardya
"opo maam inaayos na po nila yung CCTV footage medyo matagal lang kase i retreave pa nila yung oras kung kailan kayo nag punta sa venue" sagot ng gwardya na tumutulong sa paghahanap.
Nang naayos na ang CCTV na titignan nila agad ng tinawag si Gen para ma identify ang kaibigan.
"Ayan kayo miss nung pumasok kayo sa venue... Eto naman yung sa loob... Fast forward natin ma'am ok.... Ayan nahimatay po si ma'am na kasama nyo.... At lumabas na kayo... Ayan maam may lalaking pumasok sa loob ng function room kilala nyo po ba sya... Sya po ang kumuha sa kaibigan nyo..." ang sabi ng lalaking nag momonitor ng CCTV
Halos panawan ng ulirat si Gen sa nakitang lalaking bumuhat kay Ariella....
.......
Mabigat ang mga mata ni Ariella pero pilit nyang idinidilat ito dahil pakiramdam nya ay nasa ibang lugar sya. Ang naalala nya ay nasa hotel sila ni Gen at pupuntahan ang kasal ni ......Juaquim
"Juaquim ..... Ahhh"
masakit pa rin ang ulo nya pero kailangan nyang bumangon pero wala syang lakas para gawin ito.
Nararamdaman nyang hindi sya nag iisa sa lugar na iyo may kasama sya amoy na amoy nya ang pinag halong pabango ng lalake at alak sa loob ng kwarton kinaroroonan nya.Nararamdaman nyang papalapit ang taong iyon sa kanya at hinaplos ang mukha nya.
"Di ba sabi ko sayo akin ka lang. Walang ibang lalaki ang pwedeng mag may ari sayo. Mahal na mahal kita Ariella papakasalan kita kahit saang simbahan kahit ngayon dahil akin ka lang." ang tinig ng isang lalaking hindi nya inaakala na marinig ng panahong iyon paanong nangyari na nasa harapan nya ito.
"Paanong hindi ko maintindihan.." idinilat nya ang mga mata nya na malabo pa rin sa kanyang paningin ang lalaking nakatayo sa harapan nya na agad syang nilapitan at hinagkan. Dun ay bigla ulit syang nawalan ng malay.
.....
Earlier that day"Get ready Juaquim kanina pa ako nakapag ayos and you still dont want to move." sigaw ni Magena sa kanya
"Yah ill get ready have you seen my phone? hindi ko makita sa bag ko at sa kotse." tanong ni Juaquim
"Uunahin mo pa ba yang telepono mo. I dont know baka naiwan mo sa bahay sa kalasingan mo. Get ready 1hr na lang at mag start na ang wedding ceremony sa baba. Nandun na yung ibang bisita.dapat ikaw ang nauunang nandun at nag aatay sa akin." padabog na binagsak ni Magena ang pinto ng banyo
Walang kaganaganang nag bihis na si Juaquim ng damit na isusuot para sa kasal.
2weeks lang pero na ayos na agad ni Magena ang lahat mula sa venue mga ninang ninong mga damit pagkain at mga kakailanganin sa kasal ang akala nya ay simpleng kasalan lang at sila lang ng judge at ilang witness ang naroon pero nagulat sya na magarbo ang kasalang magaganap. Ni hindi nya man lang nasilip ang invitation nila wala syang paki alam ang importante ay ang makasal sila at intaying makapanganak si Magena saka nya kukunin ang bata at iiwan si Magena para magsama sila ni Ariella.Kahit ang mga matalik nyang kaibiganna sila Hans at Andreas ay walang kaalam alam na ikakasal na sya sa araw na ito. Tanging ang lawyer nya ang nkakaalam at ang aatend ng kasalang magaganap sa araw na iyon. Ayaw ding pumunta ni manang Lita dahil ayaw nyang makita na ikinakasal sya sa taong kinaiinisan nito... Si Magena
"Ariella... I need to call her. Shit where is my phone" bulong ni Juaquim sa sarili pero hindi nya mahanap ang phone nya
Gusto nyang puntahan si Ariella sa bahay nito kanina pero sobrang lasing nya kagabi hindi nya namalayan na buong magdamag syang natulog at ginising na lang sya ni Magena para mag ayos.
Tinawagan nya ang secretary nito na tignan ang phone nya sa opisina or sa bahay. Masakit pa rin ang ulo nya ng mga panahong iyon dahil sa ininom nya kahapon. Wala sya sa tamang katinuan gusto nyang umatras at puntahan si Ariella pero paano nya gagawin nakatali na sya sa kundisyon ni Magena.
Nang naka bihis na sya ay agad syang bumaba para puntaha ang venue ng kasal. Nakita nya na meron ng mga bisita sa loob pero ayaw nyang pumasok bumalik sya ng loob ng hotel dahil nasa labas ng hotel ang function room kung saan gaganapin ang kasal. Dumiretso sya sa loob ng banyo. At nag hilamos inayos ang buhok ng biglang my pumasok na isang lalaking pamilyar na mukha at agad na kinandado ang loob ng banyo. Ang lalaking ayaw na ayaw na nyang makita kahit kailan.
"What the fuck are you doing here and why you lock the door.. What do you" isang malakas na suntok ang bumulaga kay Juaquin na ikina tumba nya.
" you deserve that. Para yan sa pambubugbog mo sa akin dun sa parking lot.... At eto ay para kay Ariella" isa pang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Juaquim at hindi sya agad naka bangon umagos ang dugo sa ilong ni Juaquim sa lakas ng suntok ng lalakeng kaharap nya.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...