Chapter 32

543 15 6
                                    

"Shit!... Wait...."sabay buhat kay Magena. Halos mataranta sya dahil kita sa mukha ni Magena ang pananakit ng tiyan nito.
Naalala nya tuloy si Ariella nung isang araw habang nag papambuno sila ni Rajesh dapat ay siya ang nag dala kay Ariella sa ospital hindi ang gagong yun, Kung hindi lang sya natulala dahil sa nakita nyang kalagayan ni Ariella....
Puro si Ariella na lang ang nasa isip  nya eto si Magena buntis din at siya rin ang ama.

"Ahhhhh bring me to Dr. Rico my  obigyne you know him. His new clinic is in Quezon city." Namimilipit nitong Sabi habang nasa kotse na sila ni Juaquim.

"Are you out of your mind, ang layo nun baka mapaano ka na dito na lang tyo SA malapit na ospital" pag aalalang sabi ni Juaquim.

"Noooo! nooo! Dun tyo sa doctor ko here's the address ayoko ng ibang doctor" hysterical na sigaw ni Magena.

"Ok.. ok.. calm down" agad binagtas ni Juaquim ang daan papunta sa doctor. Kilala nya si Dr. Rico dahil everytime na mag bi-birthday si Magena ay naroon Ito kaya nag kakausap din sila.

Matagal tagal din ang naging byahe nila papuntang ospital agad ipinasok si Magena sa clinic ni Dr. Rico. Hindi na sya pinapasok nito sa loob at bawal daw.

"Get ready with your drama Rico ayoko makahalata sya. Kanina ng umarte ako na sumasakit ang tiyan ko he is super stressed alalang alala sya sa akin. Kaya ayusin mo." Natatawang Sabi ni Magena sa doctor na halatang kinakabahan.

"Ok just make sure na hindi tayo sasabit dito nakataya ang credibility ko dito bilang doctor. Ayokong mawalan Ng lisensya maimpluwensyang tao si Juaquim tandaan mo."Sabi nito kay Magena.

Pinapasok na si Juaquim sa loob at agad na kinausap sya Ng doctor.

"Congratulations Mr. Montenegro sa baby nyo ni Magena." Bati ng doctor kay Juaquim

"Just call me Juaquim Dr. Rico, kamusta na nga pala ang lagay ng baby. Nasa baby ang concern nya at wala kay Magena naiisip nya na kung sana si Ariella ang kasama nya sa ganitong sitwasyon sobrang saya nya siguro.

"Ok Juaquim..... Well sa totoo lang Hindi maganda ang sitwasyon ng mag ina mo. Masyadong mahina ang kapit ng baby kaya I suggest na wag ma stress at wag mong hayaang ma depress or magalit si Magena. Make her happy do the things she wants you to do or else you might lose both of them... Sabi ng doctor

"Ok doc rico" yun lang ang nasabi nya natakot sya bigla para sa buhay ng dalawa. Aaminin nya hindi nya mahal si Magena pero ayaw nyang may mangyaring masama lalo pa at dinadala nito ang anak nila.

Nasa sasakyan na sila pauwi ng bahay ay wala pa ring imik si Juaquim nahihirapan sya sa sitwasyon nila gusto nyang kausapin si Ariella humingi ng tawad dito at magpaliwanag gusto nyang makita ang mag ina nya masyado na syang na dedepress sa mga nangyayari sa buhay nya pati ang trabaho nya ay napapabayaan na nya. Kay Ariella at Janella lang sya nakaka ramdam ng katahimikan ng kakuntentuhan ng kaligayahan.....

"I want us to get married right away Juaquim kahit simple lang muna saka na tayo magpakasal ng engrande after I gave birth. Binasag ni Magena ang katahimikan sa loob ng kotse.

"pwede ayoko muna pag usapan yan" galit na sagot ni Juaquim

Nag simula ng maiiyak si Magena habang hawak ang tiyan nito.

"anong klase kang tao Juaquim magpakalalake ka. We dont deserve to be treated this way kame ng anak mo. Kung ayaw mo sa amin mabuti pang mamatay na kame." nag tangka itong tatalon sa labas ng kotse kahit na nka power lock ito halatang tinatakot lang si Juaquim

"stop that Magena makakasama sa inyo ng baby yan stop crying." pinipigil nito ang nag hysterical na katabi.

"Tandaan mo pag may nangyari sa amin ng anak mo it's your fault. Kasal ang gusto ko at dapat this month dahil kung hindi mag sisisi ka. Sasabhin ko sa lahat na pinilit mong ipa abort ang baby natin sisirain ko ang buhay mo gaya ng pag sira mo sa buhay ko." Umiiyak na Sabi nito Kay Juaquim

"Ok ok magtigil ka lang. Sobrang punong puno na sya kay Magena gusto nya lang na manahimik Ito sa mga panahong iyon. Masyado na syang naguguluhan sa sitwasyon nila hindi na nya kaya si Ariella ay meron ng iba kahit masakit sa kanya mas makakabuti siguro to let her go kahit masakit.... Sobrang sakit pinipigilan nyang umiyak habang nag dri drive sya para iuwi si Magena sa bahay nya. Nang maka uwi sila inalalayan nya si Magena hanggang kwarto at pinag pahinga na Ito.

Sumakay sya sa sasakyan nya nanginginig ang mga kamay nya na nakahawak sa manibela. Iniisip nya kung tama ba ang desisyon nya na hayaan na lang si Ariella kay Rajesh at ang mag pakasal sya kay Magena. Kaya ba nyang makisama sa isang taong wala syang nararamdaman ni katiting na pagmamahal. At hayaan na lang si Ariella at ang anak nyang si Janella sa kamay Ng ibang Tao.... Bigla syang napa hagulgol...parang batang naghahanap ng kakalinga sa kanya, Mahal na Mahal nya si Ariella at Janella buong buhay nya ay mag isa lang sya maaga syang naulila walang kapatid nabuhay sya na sarili Lang nya ang iniisip nya pero ng dumating sa buhay nya si Ariella nagbago lahat. Ng araw na makita nya Ito sa bar na pagmamay ari nya alam na nya na may pagbabagong mangyayari sa buhay nya.

Mahina sya akala nya kaya nyang mapaikot lahat dahil mayaman sya may kapangyarihan pero wala man lang syang magawa para sa mag ina nya. Ngayon kailangan nyang magdesisyon kahit masakit alam nyang para sa kaligayahan ni Ariella. Nang araw na nakita nyang magkasama si Rajesh at Ariella nakita nyang masaya sila. Hindi maalis sa isip nya ang mga ngiti ni Ariella. Masaya sya na makitang masaya Ito kahit pa dinudurog nito ng pinong pino ang puso nya.

Hindi nya alam kung gaano matagal syang nanatili sa sasakyan nya. Pinaandar nya Ito. Dumiretso sya sa bahay nila Ariella. Tinignan nya ang relo nya 4:00am na wala pa syang tulog pagod na ang mga katawan at isip nya lalo na ang puso nya.... Hindi sya bumaba sa kotse Nakatingin lang sya sa eskinita papuntang bahay nila Ariella. Bukas ang mga ilaw sa labas tanaw nya ang bintana nito. Gusto nyang katukin ang bahay nila Ariella at makipag usap sana dito pero hindi nya alam kung paano mag sisimula natatakot sya na sa bibig mismo ni Ariella manggaling ang mga sinabi ni Rajesh hindi nya makakaya. Wag ngayon pagod na sya.

Mag uumaga na ng umalis sya sa lugar nila Ariella dala ang sakit at hirap ng kalooban. Hindi nya gustong makita si Ariella baka di nya napigilan ang sarili nya magbago nanaman ang desisyon nya.

Pag balik nya sa bahay ay tulog pa si Magena ayaw nyang tumabi dito sa guest room sya natutulog. Naligo lang sya di na kumain kahit pa pinipilit sya ni manang Lita.

"Iho ang laki na ng ipinayat mo kumain ka kahit konti lang. Tignan mo ang sarili mo sa salamin ang laki ng ipinagbago mo, ni hindi Ka natutulog nang walang alak ang katawan mo tapos ayaw mong kumain. Halos ako na ang nag palaki sayo Juaquim parang anak na kita at ayoko ng nakikitang ganyan ka. Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo pero eto lang ang maipapayo ko sayo minsan lang tayo mabuhay sa mundong Ito kaya sumugal ka para sa kaligayahan mo wag kang matakot na matalo sa laban ang mahalaga ay ibinigay mo ang buong lakas mo manalo or matalo. " Pa alala ni manang Lita dito.

Totoo nga ang laki Ng ipinag bago nya bumagsak ang katawan nya halos balbas sarado na rin sya. Ang mga mata nya kitang kita ang lungkot at pagod. Hindi na sya ang dating JUAQUIM MONTENEGRO. Binago sya ng pagmamahal nya kay Ariella mula sa pinaka masayang punto ng buhay nya hanggang ngayon sa pinaka malungkot na yugto Ng buhay nya.

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon