ARIELLA
Lunes kailangan nyang bumalik sa pinag OJT nya para maka kuha Ng clearance at attendance sa HR which is requirement Ito para ipasa sa teacher nila.
Pag pasok nya sa HR office ay nakita nya sa loob ang secretary ni Juaquim na kausap at inabutan pa ng envelope ng HR head. Nang paalis na Ito ay dumaan Ito sa harapan nya sabay sabing "it's all your fault you little witch" sabay irap.
Hindi na sya nag tanong kay Juaquim kung anong nangyari sa secretary nito dahil sa totoo lang ay kinalimutan na nya ang lahat ng nangyari ng araw na iyon.
Dumaan pa ang mga araw naging ok sila. Naging mas malambing Ito sa kanya, lagi syang may regalo, tuwing sabado ng gabi pag may time ito ay nanonood sila ng sine last full show wala nang masyadong tao, nag date din sila yun lang sa hindi mataong lugar minsan naiisip nya kinakahiya ba sya ni Juaquim dahil ba Hindi sila pareho ng estado ng buhay pero inaalis nya sa isipan nya iyon. Pinapaalala na lang nya sa sarili na baka nga tama si Juaquim mahirap na baka may makakitang kakilala nya at ma pag tsismisan sya sa campus pero ano naman dalaga sya binata ito.
Bahala na basta ang mahalaga magkasama kame at masaya. Hindi na rin nya gusto pang naalala ang nakita nya sa opisina ni Juaquim kse mas masasaktan sya pag inisip nya na baka hindi lang sya ang babae sa buhay ni Juaquim. Pahahalagahan na lang nya kung anong meron sila ngayon. At pag nakapag tapos na sya ay baka sakaling pwede na syang ipagmalaki ni Juaquim Montenegro.
Kahit minsan ay Hindi pa sya sinabihan Ng I Love you ni Juaquim. Pero sya gabi gabi sinasabi nya Ito, Mahal Kita Juaquim Montenegro pag tulog na ito syempre dapat hindi sya ang maunang mag sabi nun. Hindi na nga sya niligawan tapos sya pa ang mag initiate na magsabi, aba babae pa rin sya patago na nga lang sila kahit na hindi nya alam kung ano bang dahilan talaga kung bakit kailangan itago.Mahirap talaga pag Mahal mo ang isang tao kahit gaano kasakit ang ginawa sa iyo halik at yakap lang matutunaw na ang galit mo. Kakalimutan mo ang sakit na dinulot sayo nito. Kahit pa minsan hindi mo na alam kung anong lugar mo sa puso taong Mahal mo.
Isang araw habang nag aaral sya sa sala ng pumasok si Juaquim kasunod ang lalaking may dalang mga box.
"Pare dun mo na lang I set up sa table na yan." Sabay pirma nya sa receipt.Tinignan nya lang saglit ang ginagawa nila at nagpatuloy na syang mag aral.
"Come here check this out, now you dont need to go on a computer shop or sa classmates mo, this is all set up printer, scanner, and this is the latest version too ok,"
Sabay yakap sa kanya sa likod"Why? I mean thank you pero sobra sobra na to. Pinatira mo na nga ako dito libre, tapos ang dami mo ng binigay this is too much." Sabi nya
"Nothing is too much for you just be a good girl ok." Sabay buhat sa kanya papuntang kwarto. Alam na nya ang ibig sabihin nito may lambingan na namang mangyayari. Pero araw araw ay pinapaalala sa kanya ni Juaquim na wag mag skip na mag take ng pills, pero sa totoo lang excited sya kung sakaling mabuntis sya at magkakaanak sila nagiging buo na ang buhay nya.
Friday ng gabi ay nag paalam sya kay Juaquim na uuwi ng Batangas para maka dalaw at mag celebrate ng birthday ng kapatid nya. Gusto man nya isama ito at gusto nyang ipagmalaki sa lahat na sila ni Juaquim ay may.... Special understanding... Oo special understanding Yun ang definition na gusto nyang I -label sa relationship nila ni Juaquim. Dahil hindi nya rin maintindihan kung ano na talaga sila.
"Uuwi sana ako sa Batangas bukas ng umaga babalik din ako ng Sunday afternoon. dadalawin ko sila nanay at kapatid ko mag bi-birthday na kse si Mateo yung kapatid ko ." Paalam nya
"Sure, gusto mo ihatid Kita?" Tanong ni Juaquim
"No wag na maabala ka pa saka baka magulat si nanay pag nakita ka." Pero sa totoo gustong gusto na nya ipakilala si Juaquim sa nanay nya. Pero ayaw nyang ma disappoint Ito dahil nangako sya na magtatapos Ng pagaaral.
"Are you sure? Hindi ako kampate na mag bu-bus Ka lang mag isa ka pa ihahatid na lang kita tapos susunduin di ako magpakita sa nanay mo. I just want to make sure na safe ka. delikado ngayon"
Pamimilit nito"Ikaw bahala" yun n lang ang masagot nya kse Hindi Rin sya mananalo dito.
Sabado ng umaga nag ready na sila dumaan muna sila Ng grocery nag pinilit si Juaquim na bumili ng pasalubong para sa pamilya nya kahit ayaw nya ay panay ang lagay ng kung ano ano sa cart si Juaquim gatas na pang matanda de lata mga pagkain para sa birthday ng kapatid nya. Pati mga toiletries.
Halos maka dalawang cart sila. Hiyang hiya man ay wala syang magawa para pigilan Ito dahil pag umaayaw sya ay lalo pang dinadagdagan ang binibili kaya hindi na lang sya umimik ayaw nya mag take advantage sa kabaitan ni Juaquim dahil kahit mahirap sila ay hindi sila lumaking pala asa.Pero iba ang ugali ni Juaquim pag tinatangihan nya ang mga bagay na binibili sa kanya ay dino double nito ang item. Gaya ng bumili sila ng sapatos nya dahil luma na daw ang pamasok nyang sapatos. Hindi talaga sya pumayag na bumili sila kaya kinabukasan hindi na nya nakita pa ang sapatos nya yun pala ay itinapon Ito ni Juaquim para mapilitan syang bumili sila. Hindi isa kundi 3 pares pa, halos ka presyo na iyon ng kinikita ng nanay nya ng isang buwan.
Binigyn din sya ng ATM para pambaon nya at gastusin araw araw pero sa totoo ay hindi nya nagagalaw ang pera duon minsan ay nag check sya nalula sya sa laman nito 150,000pesos natakot sya na mabawasan ito. Kaya itinatago nya lang ito sa bahay. Nang minsan din na magbabayad sya ng tuition nya sa school ay nagulat sya ng sabihin ng cashier na bayad na ito pati mga miscellaneous fee. Dahil duon ay nag away sila ni Juaquim. Pinipilit nya na bawiin ang pera na ibinayad sa school nya pero hindi sya mananalo sa isang taong katulad ni Juaquim Montenegro.
Dahil mas matanda Ito sa kanya at sya ay batang sunod sunuran lang dito at alam nito ang weakness nya. Ayaw nya ng nagagalit si Juaquim dahil natatakot sya lalo na pag tumaas na ang boses nito hindi nya alam kung taktika Ito ni Juaquim para masindak sya. Kaya hanggat maaari ay hindi nya ginagalaw ang Pera sa ATM nya para kahit papaano ay magkaroon pa rin sya ng konting dignidad. Kahit panay ang tanong ni Juaquim kung may laman pa ito. sinasabi na lang nya na Meron pa.
Ibinaba ako ni Juaquim sa mga paradahan Ng tricycle. Dun inilagay namin lahat ng pasalubong para sa pamilya ko. Sabi nya bukas ay babalik sya dun bago mag hapunan basta mag txt lang ako.
Habang nasa tricycle iniisip ko kung paano ko ipaliwanag sa nanay kung saan ako nakakuha ng pambili ng mga to pati ang tuition ko bakit hindi ko na tinatanggap ang mga padala nya.
Bahala na magsisinungaling na lang sya sasabhin nya na nakakuha sya Ng magandang trabaho habang nag aaral ako sana ay maniwala ang nanay nya.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...