Masayang pumasok si Ariella ng Lunes ng umaga dahil sa nangyari buong araw na nag stay si Juaquim sa bahay at gusto pa nitong dun matulog hanggang kina linguhan pero Pina uwi na rin nya dahil masasanay nanaman silang mag ina na palagian itong dun matutulog baka sugurin nanaman sya ni Magena at ayaw nyang makita Ito ng anak at nanay nya.
"Hi kmusta kayo ni baby" biglang may lumapag na pagkain sa harapan nya.
"Sir ok lang yun palang mga ipapasa sa mga client nagawa ko na kailangan lang ng pirma mo" pag iiba nya ng usapan.
"Don't stress yourself pwede naman hanggang mamayang hapon yun kumain ka ng marami ok" sabay turo ni Rajesh sa pagkain.
Naging busy ang buong araw nya kaya di na nya namalayan na uwian na. Di na sya nagpahatid kay Rajesh dahil umiiwas din sya na makasabay Ito at ihatid sya lalo pa sa sinabi ni Juaquim na baka Ito ang ama ng pinagbubuntis nya ayaw nyang mabahiran ng kahit na anong pangit or paghihinala sa ipinagbubuntis nya.
Pag bukas nya ng pinto ay nagulat siya dahil bago ang sala set nila sa bahay kulay pa lang ay mukhang mamahalin na pati sa lamesa na terno nito talagang mamahalin. Napadako ang tingin nya sa TV set nila bago din 40 inches ata ang laki halos ukupahin Nito ang buong sala may mga DVD player pa at dvd cd na puro pang bata. Nakita niya ang anak na nakahinga sa sofa nanonood ng cartoon."Andyan ka na pala anak kumain ka na at nakaluto na ako....... Ah sya nga pala pasensya na di ko na nagawang tanggihan yun nag deliver ng mga to dahil mapapagalitan daw sila pag ibinalik nila bilin kase ni Juaquim pag ibinalik daw ito ulit ay sila ang magbabayad naawa naman ako dun sa mamang nag deliver." Pagpapaliwanag Ng nanay ni Ariella. dahil alam nitong magagalit Ito pag tumatanggap sila ng kahit na ano galing sa ibang tao lalo pa kay Juaquim.
"Inay naman sana ay di na ninyo tinanggap. Sinasabi lang nung nag dedeliver yun na sila ang pagbabayarin dahil pangalawang balik na nila dito diba." Naiinis na sabi nito sa nanay nya.
" Pasensya na anak nung umaga pa sila pumunta pinabalik din ulit sila nung tanghali kaya wala na akong nagawa dahil ipinasok na nila dito sa iskinita alangan Naman ipabalik ko nakita mo naman ang bibigat nyan saka Yun daw ang bilin ni Juaquim. Yung luma na sofa eh pinamigay ko na rin kay aling Elena dahil wala silang upuan dun sa bahay nila tuwang tuwa nga. Hayaan mo na anak" pagkiusap ng nanay nya.
"Mommy yika dito nood tayo biyis dami cartoons biyis mommy bigay ni daddy" tuwang tuwa na tumatalon pa sa malambot na sofa ang anak halatang masayang masaya Ito.
Napa upo siya sa sofa katabi ang anak at talagang napaka sarap umupo malambot at napaka lapad pwedeng higaan. Sa sobrang sarap at komportable sa pakiramdam ay napa pikit na lang sya sa bagong bagong sofa.
Tok..tok.. tok..
Napabalikwas sya sa gulat kaya pinag buksan nya ng pinto para alamin Kung sino ang dumating."Hi kakarating mo rin lang pala di kapa nakapag bihis eh lika kain na tayo." Diretsong pumasok sa bahay at humalik pa sa labi nya si Juaquim. May bit bit itong mga supot.
Nagulat man dahil sa biglang dalaw at biglang pag halik sa kanya ay nakita nya ang pagbabago ng itsura nito nung huling magkita sila. Nakapag ahit na Ito naka ngiti at masigla. Dumiretso Ito sa anak ng paghalik sa kanya nito sa labi
"Daddy nonood cartoons yippeee" sabay yakap sa ama.
" May uwi ako baby lika help daddy let's bring this to the kitchen. Do you like the new TV let's watch Nemo after we eat dinner ok." Diretso sa kusina ang dalawa.
Sinundan Ito ni Ariella mas lalong nagulat sya dahil pati ang dinning set ay bago din may refrigerator at microwave pa at bagong gamit sa kusina.
"Anak pasensya na di ko pala nasabi sayo na pati ang kusina ay bago din. Kung ayaw mo ay kausapin mo na lang si Juaquim. Di ko panaman pinamigay Yung mga lumang gamit duon ko inilagay ko sa likod bahay yung de tiklop na lamesa at mga lumang Plato at baso. Yung upuan ang pinamigay ko. Kase d magkakasya. Wag mo nang kagalitan si Juaquim ako ang may kasalanan" Nahihiyang sabi Ng nanay nya
Sa totoo lang ay naiinis sya sa nanay nya dahil tinanggap nya ang mga bigay ni Juaquim pero naawa sya dahil alam nyang masaya ang nanay nya na nagkaroon ng mga gantong kagamitan na alam naman nyang never nyang maibibigay sa ina.
"Ok lang inay ang ganda nga eh di bagay sa bahay natin" natatawa na lang sya sa sinabi nya. Kitang Kita nya na lumiwanag ang mata ng nanay nya dahil di sya nagalit.
Sa lamesa ay busy ang mag ama sa pag lalabas ng mga groceries at iba pang mga pinamili nito.
"Juaquim mamaya mag usap Tayo ok"
tumulong na rin sya sa pag aayos Ng pinamili nito alam nyang wala ding magagawa kung magalit sya, dahil sa mga pinag bibigay nito matagal na nitong gustong gawin. Siguro nagkalakas Ito Ng loob na subukan ulit na bilhan sila Ng mga gamit dahil sa nangyari nung huling dumalaw Ito sa bahay.Pagkatapos ng hapunan ay nagligpit na siya ng kinainan nila ng matapos siya ay nakita nyang parehong tulog ang mag ama sa sofa magkayakap ang dalawa. Naisip nya na Kaya siguro ito bumili Ng sofa na napaka laki ay para magkasya Ito, siguro ay nahihirapan Ito sa lumang sofa nila hindi lang nag rereklamo. Kinumutan nya ang dalawa at nagpahinga na rin sila. Pumwesto sya sa katabing sofa na pang dalawahan kasya naman sya duon kaya komportable silang natulog.
Kina umagahan ay sabay silang pumasok ni Juaquim inihatid siya sa trabaho at Ito ay dumiretso muna sa bahay para makapag palit.
Habang nasa byahe ay muli nyang kinausap si Juaquim.
" Wag ka sanang magagalit Juaquim pero Pwede kang dumalaw dalaw sa bahay pero wag palagi dahil baka magalit si Magena. Ayaw ko maeskandalo at lalong ayaw kong makita ni Janella at ng nanay ang pag aawayan namin ni Magena. Kilala mo sya alam mong susugod at susugod yun." Pakiusap nya Kay Juaquim
"I'll make sure na hindi nya magagawa yun. I'm sorry that I'm not there to protect you from her. But this time I'll make sure that it will never happen again." Sabay hawak nito sa kamay nya.
Ano nanaman ba ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Juaquim para silang magnet na kahit anong gawin ng tadhana sa kanilang dalawa para paghiwalayin ay parating pinag lalapit pa rin sila sa isat isa. Hindi na nya alam Kung paano makaka iwas. Ito n nga ba kinakatakot nya once na pagbuksan nya ng pinto si Juaquim sa buhay nya ay hindi na Ito lalabas pa. Gustong gusto na nyang sabihin ang totoo na siya ang ama ng pinag bubutis nito. Pero paano....
Pauwi na sya at gusto siyang ihatid ni Rajesh pero tumanggi na sya kahit anong pilit nito ay nakiusap na lang sya na kung maari ay umiwas sila sa tsismis lalo na sa lugar nila ayaw nyang may nasasabi ang mga kapit bahay lalo na at kilala si Juaquim na tatay ni Janella. Di man sumangayon si Rajesh sa sinabi nya ay wala n itong nagawa. Yan ang kaibahan nila ni Juaquim... Si Juaquim na hindi sumusuko sa kanya.... Si Juaquim na ipipilit ang gusto nya.... Si Juaquim na MAHAL NYA
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...