Kahit masakit ang ulo ay nakuha pa ring pumasok ni Ariella sa trabaho. Nababalot pa rin ng lungkot ang puso nya bakit hindi nya pa rin matanggap na hindi talaga sila para sa isat isa... Hanggang ngayon kahit may anak na sila parang ang hirap pa rin na maging sila sa huli.
Muling sumakit ang ulo nya halos pinipiga ang bawat ugat sa ulo nya. Sumabay pa ang pananakit ng sikmura nya. Uminom lang sya ng kape sa bahay nila dahil nag mamadali sya pumasok. Kaya pumunta sya sa pantry nila uminom ng maligamgam na tubig pero hindi pa sumasayad ang tubig sa lalamunan nya ay bigla bumaligtad ang sikmura nya kaya patakbo syang pumunta sa lababo at dun naduwal na sya. Pag katapos nyang dumuwal ay gumaan na ang pakiramdam nya. Dun bigla syang kinabahan hindi pa nga pala sya dinadatnan na de delayed naman talaga ang period nya. Pero ewan bigla syang kinabahan ngayon.
Kinabukasan ay kailangan nila pumunta ng site ni Rajesh kasama ang isang katrabaho nila bandang Ortigas. Mainit ang panahong iyon at sobrang traffic kaya sobrang napagod sila sa buong mag hapon patapos na ang trabaho nila ng makaramdam ng hilo si Ariella. Halos namumuo ang pawis nya at nanlalamig sya. Patayo na sila para iligpit ang mga trinabaho nila ng walang ano ano ay bigla na lang nawalan ng malay si Ariella. Buti ay nasalo sya ni Rajesh at ng katrabaho nya. Agad na sinugod sya ni Rajesh sa pinaka malapit na ospital habang naiwan ang katrabaho nila para asikasuhin ang naiwang trabaho.
Nasa hospital bed na sya ng magising sya. Nasa tabi nya si Rajesh at nagbabasa ng dyario.
"Asan ako?" napabalikwas na bangon nya
"thank God you're awake, you passed out mga 40 minutes ago. Parating na rin ang Doctor na tumingin sayo. Humiga ka lang baka lalo ka mahilo." inalalayan sya ni Rajesh para mahiga.
Wala pang 10minuto ng dumating ang nurse kinuhanan sya ng urine at blood test ng nurse. Nag hahapunan na sila ni Rajesh ng dumating ang doctor na tumingin sa kanya.
"Congratulation your pregnant. And to you also" baling nito kay Rajesh na napagkamalang asawa nya
"She can go home now. She just need a little rest and healthy food and she better take vitamins. I will give the prescriptions later. And to you mommy dont stress too much makakasama sa baby yan. Come back after 1 week para sa ultrasound to check on your baby." Sabi ng doctor bago lumabas
Sobrang na shock sya sa narinig buntis sya ulit kay Juaquim. Hindi sya makapaniwala na sa pangalawang pagkakataon eto nanaman sya. Hindi nya halos nagalaw ang pagkain nya ng gabing iyon paano nya ito sasabhin sa nanay nya lalong lalo na kay Juaquim. Pinilit na lang sya ni Rajesh na ubusin ang pagkain nya at inalalyan sya nito para maka pag ready para maka labas na ng ospital.
Sa sasakyan ni Rajesh halos wala silang kibuan sa peripheral vision nya alam nyang sinusulyapan sya ni Rajesh habang nag mamaneho ito. Nang nasa tapat na sila ng eskinita papasok ng bahay nila saka pa lang nag salita si Rajesh.
"hey bawal sayo ang ma stress. Makakasama sa inyo ni baby yan." sabay hawak sa kamay nya dun lang sya parang natauhan.
Wala syang masabi hanggang sa panahong iyon ay gulong gulo pa rin ang utak nya. Hindi pa nag sisink in sa isip nya na totoong buntis nga sya.
"Alam ko hindi ka sasang ayon sa sasabhin ko. Alam ko magulo pa ang sitwasyon ayokong makadagdag sa mga problema mo, gusto ko sanang tulungan ka sa dinadala mo."inilapit ni Rajesh ang kamay nya sa labi nito at hinalikan
"what do you mean" gulong gulo lalo ang isip nya sa nais nitong sabihin sa kanya.
"let me help you. Please gusto kong akuin ang batang yan na parang tunay kong anak marry me. Bibigyan ko ng pangalan ang mga anak mo. Alam ko hindi ito ang tamang panahon para sabihin ito sayo pero gusto kong malaman mo na handa akong pakasalan ka at ibigay sa mga anak mo ang kumpletong pamilya na hindi naibigay sayo ng lalaking yun. Please give me a chance to prove to you that I am better than him." nagmamakaawang sabi ni rajesh sa kanya hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa kamay nya.
"you dont know what your saying Rajesh. It will be unfair to you binata ka gwapo at mabait marami ka pang babaeng makikilala na mas deserving sayo" inalis nya ang kamay nya sa pagkakahawak nito.
"I know but the first time that I met you iba na ang naramdaman ko sayo. Sa maikling panahon minahal na kita Ariella di pa ako nakaramdam ng ganto sa ibang babae. Alam ko sa ngayon wala ka pang nararamdaman pero matututunan mo rin akong mahalin. Kung bibigyan mo lang ako ng chance. Handa kong ibigay sayo at sa mga anak mo ang Pangalan ko. I know it seems crazy but yes i want to be with you I want to give you the life that you deserve." sabi nito sa kanya.
"Nabibigla ka lang Rajesh. Sorry pero hindi ko kayang lokohin ka at ang sarili ko. Im sorry masyado pang magulo ang sitwasyon ko ang buhay ko ayokong madamay ka sa gulo na yun." sagot nya kay Rajesh
Kung sana si Juaquim na lang ang nag sabi nito sa kanya kung sana si Juaquim na lang ang nasa harapan nya ngayon. Kung sana si Juaquim na lang ang taong handang pakasalan sya at maging buo silang pamilya. Pero hindi na ata mangyayari yun. Bakit napaka unfair ng buhay yung taong mahal mo ayaw sayo at eto ang taong mahal ka pero hindi mo masuklian ang pamamahal nito sayo.
"Mag iintay ako Ariella kung kailan mo matatanggap ang inaalok ko. Pag dumating ang panahong yun sabhin mo lang dahil papakasalan kita agad agad." sabi ni Rajesh na mukhang nasaktan dahil sa pag tanggi nya sa alok nito.
" let me think first and fix my life on my own. Thank you sa lahat Rajesh sobrang dami mong naitulong sa akin. Sana nga natuturuan ang puso. Pag iisipan ko ang mga sinabi mo pero sa ngayon hayaan mo muna akong harapin to ng mag isa."pakiusap nga kay Rajesh.
Inihatid sya nito hanggang sa labas ng bahay nila. Nang nakapasok sya nakita nya ang nanay nya na inaantay sya sa sala.
"Kmusta ka na tinawagan ako ng boss mo nasa ospital ka daw. Nag alala ako sayo anak, ano na ang nangyari?" Tanong ng nanay nya.
Lumapit sya sa nanay nya, niyakap Ito at umiyak. Gaya ng ginawa nya noon. Takang taka at ninerbyos ang nanay nya sa ginawa nya.
"Ala eh Anak bakit ga sabihin mo may sakit ka ba? Anong problema?" Naiyak na Rin ang nanay nya
"Nay buntis ako at si Juaquim ulit ang tatay, sorry nay hindi dapat nangyari to sorry" lalo syang naiyak halos wala na sya masabi pa dahil punong Puno ang isip nya Ng alalahanin.
"Ala Anak nag alala ako akala ko may sakit ka na. Wag kang malungkot aba ay blessing ga iyang baby na iyan gaya ni Janella. Tatagan mo ang loob mo ibinigay ng Diyos yan dahil alam nyang kaya mo. Wag mong isiping
Pagkakamali yan. Tahan na anak at marine kami ni Mateo tutulungan ka namin."pag aalo ng nanay nya sa kanya.Hindi agad sya naka tulog ng araw na iyon naiisip nya na sabay sila ni Magena na mag bubuntis sa anak nito kay Juaquim. Sasabihin nya na kay Juaquim na buntis sya dito or hahayaan na lang nya. Litong lito ang isip nya dahil malalaman at malalaman din nito na buntis sya pag nag kita sila makikita nito na lumalaki ang tyan nya at after ilang months lang isisilang na rin nya ang bata. Tama ang nanay nya blessing ang anak nya pero mas kumplikado ang sitwasyon ngayon dahil hindi na sya makakapag tago mas kailangan nyang kumayod at magsumikap dahil dalawa na ang anak nya. At naisip nya ang sinabi si Rajesh. May isang taong handang pakasalan sya at umako ng responsibilidad kung siguro ay makasarili sya baka na temp na syang I grab ang opportunity na makasal kay Rajesh. Hindi Naman mahirap mahalin si Rajesh guapo Ito, mabait, may Kaya pero Hindi nya kayang mahalin Ito at isa pa hindi deserve ni Rajesh ang katulad nyang dalagang ina.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...