Chapter 28

528 14 4
                                    

Papasok na ng gate nila Juaquim si Ariella galing ng trabaho ng biglang may tumigil na kotse sa tapat nya.

Bumaba ito at hinila ang buhok nya napalingon sya at laking gulat nya ng makita nya kung sino ang humila sa buhok nya....

" Ambisyosang malandi ka hindi ka na nahiya, you even have the nerve to stay in our house. Yes our house dahil ikakasal na kame. Kung may kahihiyan ka aalis ka dito at hindi ka na magpapakita pa kay Juaquim dahil magkaka anak na kame kaya wag mong ipag siksikan yang bastarda mong anak. Kung ayaw mong madamay ang pamilya mo dito sa kalandian mo" sabay sampal kay Ariella.

Sa tindi ng pagkakasampal sa kanya halos mabingi ang kaliwang tenga nya sobrang hapdi ng pisngi nya pero ang pinaka masakit ay ang malaman na buntis si Magena at ikakasal na sila ni Juaquim. Bakit hindi man lang nito sinabi na ikakasal na pala sya. Ano ba talagang gustong palabasin ni Juaquim. Bakit kailangan nyang gawin ito sa kanya... gagamitin sya, lalambingin, papaasahin, naawa na sya sa sarili nya dahil nag pagamit sya kay Juaquim. Naawa din sya kay Magena dahil alam nya ang feeling ng nag bubuntis ng walang asawa.

"Sorry... Im so sorry wag ka mag alala this will be the last time na magkikita tayo lalayuan ko na sya. Kung yan ang gusto mo." sabay talikod diretso sa loob ng bahay ni Juaquim nagmamadali syang pumasok sa kwarto nila ni Janella.

"Anak halika na uuwi na tayo sa atin kse kawawa si lola mag isa."
Pigil na pigil ang luha nya.

"yehhey mit na mit ko na kayayu ko taka ti yoya at tito mat. Tama natin ti daddy?" inosenteng tanong nito sa ina

" hindi pwede sumama si daddy mo dun.. kase may work ang daddy mo saka ito ang bahay nya isa pa maliit ang bahay natin hindi pwede si daddy mo dun masikip" paliwanag ni Ariella sa anak

Agad na nag empake ng gamit si Ariella. At nag paalam kay Yaya Luding sinabi nya na lang na mag isa ang ina sa bahay at kailangan siya nito.

Pag labas nya ng gate nandun pa rin ang kotse ni Magena inaantay na makaalis sya. Malayo pa ang main road kaya napilitan silang mag lakad mag ina palabas ng subdivision. Rinig na rinig ni Ariella ang halak hak at panglalait ni Magena sa kanya hinahayaan na lang nya kunwari ay hindi sila ang pinagtaatawana nito para hindi na rin mag tanong si Janella.

Sobrang sama ng loob nya gusto nyang magalit pero kanino sa sarili nya, kay Juaquim, kay Magena.... Siguro eto na ang tamang panahon na mag move on na sya sa nararamdamn nya para kay Juaquim. Tama na pagod na pagod na rin sya. Parang hindi na nya kaya pa na masaktan ng pa ulit ulit ng iisang tao lang.

Nakauwi na silang mag ina at sinabi na lang nya sa ina na malungkot dun at malakas nanaman si Janella. Ilang araw lang naman ang pinakiusap ni Juaquim na mag stay sila dun.

Pag parada ni Juaquim ng kotse ay agad napa kunot ang noo nya anong ginagawa ng kotse ni Magena dito. Nagmamadali syang pumasok dahil baka nag aaway nanaman sila ni Ariella at ayaw nyang makitang nasasaktan ito lalo na sa harapan ng anak nila.

Pag pasok nya ay agad na bumungad sa knya ang mga gamit ni Magena.

"what's the meaning of these?!!! Ano to? Ano nanaman bang pumasok sa utak mo? Asan ang mag ina ko? Sunod sunod na tanong ni Juaquim kay Magena

"Well pinalayas ko na ang mga daga sa bahay mo"mataray na sagot ni magena sabay tawag kay Yaya Luding at iba pang kasambahay at inutusan na iakyat ang mga maleta sa kwarto. Pero hindi kumikilos si Yaya Luding at pinigilan ang ibang kasambahay dahil wala naman sinasabi ang alaga nyang si Juaquim.

"Ano ba bingi ka bang matanda ka utusan mo ang mga yan na iakyat ang mga gamit ko" sigaw ni Magena

"No Yaya, don't do that sige pumasok na kayong lahat sa kwarto nyo ako na ang bahala dito."Pagtataboy sa matandang nakasimangot kay Magena

"Anong pinag sasabi mong pinalayas mo sila Ariella anong karapatan mong gawin yan. Bahay ko ito at mag iina ko sila kung meron mang may mas karapatan dito its them not you." suklam na suklam na sabi ni Juaquim.

"Pinalayas ko sila dahil kailangan mong panagutan ang dinadala ko. Im 4 Months pregnant at kung hindi mo ako pakakasalan magpapakamatay ako at isasama ko ang anak mo. Tandaan mo hindi ako nag bibiro ilang beses na akong nag tangkang mag suicide and ill make sure na pati ang walang kamalay malay na bata sa sinapupunan ko ay idadamay ko." pananakot ni Magena kay Juaquim. Alam na alam nya na may soft spot ito sa mga bata lalo na pag sarili pa nitong dugot at laman.

Halos walang masabi si Juaquim sa natuklasan. Hindi nya akalain na mabubutis nya si Magena matagal na ng huling may mangyari sa kanila halos mag aapat na buwan na natigil lang ito ng magkita sila ni Ariella.

"Ano wala kang masabi ngayon. Alam mo na ikaw lang ang lalaki sa buhay ko mula ng dumating ako dito galing ng America. At kung papabayaan mo rin lang ako gaya ng dati kong asawa mabuti nang mamatay na lang ako." umiiyak si Magena at pinag binabayo ang tiyan nito.

Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Juaquim ng makitang sinasaktan nito ang sarili. At ang baby na nasa tiyan nito. Niyakap nya ito sa likod para pigilan at biglang humarap si Magena at niyakap si Juaquim habang umiiyak.

"Maawa ka sa amin ng anak mo..... Kailangan ka namin ngayon... Kame... Kame ang dapat na kasama mo ngayon hindi sila." sobrang iyak at pagmamakaawa ang ginawa ni Magena.

Gulong gulo ang utak ni Juaquim ng panahong iyon naawa sya kay Magena at kung totoong buntis nga ito at syang ama dapat lang na panagutan nya ito pero hindi sya magpapakasal dito dahil kung meron mang siyang dapat pakasalan ay walang iba kundi si Ariella lang.

Pinag pahinga na muna nya si Magena sa kwarto at pinadalhan ng gatas at sandwich kay yaya Luding.

Bumaba na sya ng mahimasmasan si Magena. Sa sala tinatawagan nya si Ariella pero naka off ang cellphone nito. Nag aalala na sya kung ano na ba ang nangyari sa kanila ni Janella. Kaya tinawagan nya si Gen para maki balita sa mag ina nya. Dun nalaman nya na nasa bahay na ito. Dahil nag txt ito sakanya at nag labas ng sama ng loob.

"pasensya na sir pero ang loyalty ko ay sa kaibigan ko natural pong magalit yun dahil ikakasal na pala kayo hindi nyo man lng sinabi kay Ariella at isa pa buntis pala si Ms. Masungit ay si Ms. Magena pala. Kaya siguro bigyan nyo muna ng space si Ariella para maka pag isip baka umalis nanaman iyon at mag tago sa inyo lalong hindi nyo na makita ang anak nyo. Payong kaibigan lang sir hayaan nyo na muna si Ariella mas nakakabuti ito sa inyong dalawa." sabi ni Gen kay Juaquim.

Naisip nyang tama nga si Gen mabuting ayusin nya muna ang gulo na pinasok nya kay Magena at saka na lang sya mag papakita kay Ariella Baka nga bigla nanaman itong lumipat ng bahay at mag tago. lalo lang nyang di makakasama ang mag ina nya.

Ayaw na nyang maulit pa ang nangyari 3 yrs ago. Biglang umalis si Ariella at nang muli silang magkita meron na pala syang anak dito. Pag naka panganak si Magena ipapa DNA nya ito dahil gusto nyang maka siguro na sya ng ang ama ng dinadala nito. Dahil kay Janella alam nya na anak nya ito sa itsura pa lang at sa lukso ng dugo na naramdamn nya alam nya na sa kanya ito.

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon