Chapter 16

479 9 2
                                    


Sa mga nag daang araw ay minsanan na rin lang umuwi si Juaquim sa condo. Akala nya ay pagkatapos ng magandang date nila sa Yate nito ay magsisimula ulit sila ng matiwasay pero napupuna nya na minsan ay pilit na iniiwasan sya ni Juaquim. Pero minsan naman ay bigla bigla itong mag lalambing at ipapasyal sya pero na feel nya na parang may pumipigil kay Juaquim na ibuhos ang nararamdaman nito sa kanya. Mahal na nya si Juaquim hindi dahil sa iniidolo nya ito simula bata pa sya pero dahil nararamdaman nya na simula ng mag sama sila na ibang Juaquin ang minahal nya simula ng magkasama sila. Unti unti nakikilala nya ang malambing, masayahin pero selosong si Juaquim.

Ilang linggo na lang ay matatapos na ang 2nd semester nila. Kaya naging busy sya sa mga projects at mga requirements sa school isang semester na lang matatapos na sya. Halos di nya na namalayan na Sobrang busy nya ay nakakalimutan na nya ang sarili nya minsan ay hindi na sya nakakain ng tama pati pag tulog ay deprived sya isa na ring sigurong dahilan ay ang madalang na pag uwi ni Juaquim.

Habang nagrereport sya sa harap ng mga kaklase nya ay naka ramdam sya sobrang hilo at sakit ng ulo nya. Kaya pagkatapos ng klase nila ay dumaan sya sa clinic ng school para humingi ng gamot para sa sakit ng uko.

"Alam mo namumutla ka siguro dapat magpa tingin ka sa doctor para malaman mo kung anong dahilan bakit nahihilo ka. Teka may boyfriend ka na ba?" Tanong ng nurse sa kanya

" Po ahhh wala po... Wala po akong boyfriend." Sagot nya sa nurse

Dun sya biglang nataranta at naalala na nalilimutan nya palang uminom minsan ng pills dahil sa sobrang busy. Dali dali syang nag paalam sa nurse na papasok na sa susunod na klase.

Pero ang totoo ay dumiretso sya sa sakayan ng jeep at bumaba sa botika na malayo sa eskwelahan nya para makaiwas sa makakilala sa kanya. Bumili sya ng Pregnancy test kit. Sa totoo lang halos bumaliktad ang sikmura nya sa nerbyos pag uwi nya ng bahay.

Dalawa ang binili nyang PT magkaiba ng brand para sure. Unang subok pa lang nakita nya na medyo malabo labo ang pangalawang guhit sa kit inisip nya na baka negative Ito kse malabo.
Sinubukan nya ang pangalawang PT hindi pa nag tatagal ay gumuhit na agad ang dalawang linya. Sa puntong iyon halos manlambot ang mga tuhod nya sa hindi nya malamang dahilan. Magkahalong takot, Kaba, at tuwa ang naramdaman nya.
Bigla nyang naisip ang nanay nya paano nya sasabihin dito na buntis sya paano ang pag aaral nya. Si Juaquim ano kaya ang magiging reaksyon nya. Nag txt sya agad kay Juaquim kung uuwi na Ito. Nag reply naman Ito na nasa Cebu sya para sa ginagawang project. Gusto nyang sabihin dito ang good news pero gusto nya ay personal.
Hindi sya mapakali gusto nyang maka siguro kaya kina buksan ay nag punta agad sya sa Ob-Gyn na malapit sa condo na tinutuluyan nila ni Juaquim.

"Congratulations 6weeks pregnant Ka iha" masayang bati sa kanya Ng doctor.

Pinakita sa kanya kung saan ang heartbeat ng baby maliit na maliit ito na tumitibok halos Hindi sya makapaniwala na nasa sinapupunan nya ang dugo ni Juaquim.
Magiging nanay at tatay na sila halos maluha sya sa tuwa at pananabik na isiping ina na sya at si juaquim ang tatay. Nawala sa kanya ang pag aalala kung paano na ang pag aaral nya. Kahit ang takot nya kung paano pag nalaman ng nanay nya na buntis sya ay hindi na nya inalala sa tingin nya ay maiintindihan naman ay ng nanay nya.
Ilang araw nyang inintay na maka uwi si Juaquim pero wala pa rin Ito. Gustong gusto na nya ibalita dito na magiging tatay na sya.

Sabado kailangan nyang umuwi ng Batangas dahil lilipat na sa Laguna ang nanay at kapatid at kailangan nyang samahan na mag empake ng mga gamit nila at isa pa pagkakataon na rin para masabi nya sa nanay nya ang sitwasyon nya. Ayaw nyang patagalin na ilihim Ito sa nanay nya dahil malalaman at malalaman din nila Ito.

Habang nag lalagay sila Ng mga gamit sa mga box na dadalhin sa Laguna ay duon nya napiling sabihin na sa nanay nya ang tungkol sa ipinagbununtis nya.

"Inay may sasabihin ako sa inyo wag kayong magagalit please" hinawakan nya ang kamay ng nanay nya

"Buntis ka" Hindi patanong pero Hindi rin naman galit ang pagkakasabi ng nanay nya. mother instinct siguro kung bakit yun agad ang nasabi ng nanay nya or nahahalata na nito na nagbabago ang katawan nya.

Tumango sya para kumpirmahin ang sinabi ng nanay nya.

Duon biglang umiyak ang nanay nya. Wala itong sinabi Hindi nagalit Hindi nanumbat tumayo Ito at umiyak lang sa kwarto.

Parang mas masakit pa pala Itong makita. Sana sinigawan na lang sya ng nanay nya sinampal, pinalayas, sinumbatan.....
Pero ang makita ang nanay nya na umiiyak ng walang sinasabi sayo mas nakaka guilty nakaka durog ng puso.
Sinundan nya ang nanay nya sa kwarto. Naka upo lang Ito at naka tingin sa bintana.
"Kailan mo dadalhin dito ang tatay ng magiging anak mo"
Malumanay pero hindi pa Rin tumitingin sa kanya.

"Pag uwi po nya galing sa Cebu sasabihin ko pa lang po sa kanya. After nun ay diretso na kme dito para maipakilala ko sa inyo. Wag kayong mag alala mabait po sya." niyakap nya at nakangiting sabi nya sa nanay nya pilit kinukumbinsi ang sarili at ang nanay nya na totoong mada dala at maipakilala nya si Juaquim sa pamilya nya.

Hindi na nag usisa pa ang nanay nya tungkol sa ama ng dinadala nya tahimik lang Ito hanggang matapos ang pag eempake nila. Ramdam nya na pinipigilan lng ng nanay nya ang galit sa kanya, kita nya sa mga mata nito na malungkot ito sa sinapit nya.
Hindi na rin sya masyadong pinakilos ng nanay nya dahil sa maselang kalagayan nya.

Nakabalik sya ng Maynila ng magaan ang kalooban. Nag bilin pa ang nanay nya na magiingat palagi. Suportado din Ng nanay nya ang desisyon na tumigil muna sa pag aaral pero nangako sya na babalik agad sa pag aaral pag kapanganak tutal ay isang semester na lang ay graduate na sya.

Naka uwi na sya ng Manila ay walang Juaquim na umuwi. Dalawang linggo pa ang inaantay nya. Tapos na ang klase nya nakuha na nya ang mga grades nya lahat pasado. Kaya masaya sya ng araw na yun. Excited syang umuwi dahil bumili pa sya ng manggang hilaw at bagoong.

Pag pasok nya sa condo ay nandun ang maletang gamit ni Juaquim. Sobrang saya nya dahil naka uwi na Ito. Sa wakas masasabi na nya Ng good news. Nasa banyo si Juaquim naliligo dahil narinig nya ang lagaslas ng tubig sa shower.

Kinuha nya ang maleta pra tanggalin ang maruruming damit duon na karaniwan na nyang ginagawa pag umuuwi Ito galing sa out of town or out of the country na byahe nito.

Pag bukas nya ay isa isa nyang inilabas ang maruruming damit sapatos at mga pasalubong. Pero merong isang bagay syang nakita sa gilid ng maleta sa secret pocket nito.
Condom.. bakit may dala syang ganto? Nag tanggal pa sya ng ibang gamit duon kinakabahan man may nakita syang box ng sapatos binuksan nya ito may napuna syang tela sa loob ng sapatos kinuha nya ito at binuksan.
"isang cellphone sa loob Ng sapatos ni Juaquim?"
Hindi mo mapupuna dahil maliit lang ito at nakabalot pa Ng panyo. Binuksan nya ang cellphone dun nya nakita nya sa message inbox walang pangalan number lang at maraming txt sa inbox. Nanginginig na sya natatakot sya n baka may madiskubre sya. Sana ay hindi na lang nya Ito nakita. Isang message ang nabuksan nya

"Hi babe I'm on my way to your hotel, get ready."
Nag bukas sya ulit
"Babe I'm horny can I come to your place"

Hindi na nya kaya pang magbasa ulit dali dali nyang ibinalik ang cellphone sa panyo at ipinasok ulit sa loob Ng sapatos at ibinalik sa kahon.

Halos magulat pa sya ng biglang yumakap sa likuran nya si Juaquim.

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon