Year 2001
Marketing ang kinuha nya at nasa 3rd year college sya at irregular dahil pumapasok din sya ng summer class, para tuloy tuloy din ang part time nya sa University.
Kaya maaga nyang kinuha ang OJT nya para di maka abala sa mga thesis nya next school year.
Pinag hanap sila ng company na pwede nilang pasukan.
Kaya walang dalawang isip nyang hinanap ang mga kumpanya na pag aari ni Juaquim Montenegro.
Buti na lang at merong malapit na kumpanya ito sa Ortigas ilang sakay na lang sa University na pinapasukan nya.Hawak ang mga requirements kinakabahan na pinasok nya ang malaking building sa Ortigas. Hinanap nya ang Montenegro Land Incorporation.
Isang land developer company na nag tatayo ng mga condo at subdivision.Iniabot nya sa HR assistant ang mga requirements nya binasa at tinignan sya at nag sulat ito. Ibinigay sa knya ang papel na kailangan nyang fill up-an.
Nang matapos ay sinabihan syang Pwede na syang mag start any time na available sya.
May food and transportation allowance din every week at my dagdag na 1000.00 pesos makukuha lang nya after nya matapos ang OJT.
Sa marketing department sya inilagay kung saan tutulong sya sa mga office work dun.
Kailangn ay office attire ang suot nya pag papasok sa kanila opisina. Kaso wala pa naman syang slacks at mga damit na pang opisina.
Dahil may uniform sila sa school nila di sya bumibili ng mga damit, actually laking tipid ng uniform nila dahil di nya kailangang bumili ng mga damit pang pasok ,
2 maong at ilang t-shirt at mga pambahay lang ang Meron sya 2 palda at 3 blouse uniform nya lang ang meron sya.Kaya humiram na lang sya sa ka room mate nya na naging kaibigan nya na si Gen na nag tra-trabaho sa isang department store.
4 sila sa maliit na kwarto na yun nasa itaas sya ng double deck halos siksikan sila sa loob, ito lang ang pinaka mura na kaya ng budget nya. Kaso walang TV at radio. kaya aral at pag babasa lang ang libangan nya.
Kaya kahit masungit ang landlady nila ay ok lang dahil mababait ang mga kasama nya sa kwarto at sya lang ang estudyante lahat ay nag tratrabaho na. Kaya minsan pag sweldo ng mga kasama at nkka swerte syang malibre ng pagkain.Sa mga nag daang araw nya sa OJT nya ay naging abala sya sa pag aayos ng mga files,.
Sinusuot nya ang salamin nya sa mata dahil medyo sumasakit ang ulo nya pag hindi nya Ito suot medyo di na ata tama ang grado wala pa kse syang pamalit dito at para na rin pag nakita nya si Juaquim Montenegro ay malinaw na malinaw sa paningin nya ang kagwapuhan nito.
Sa isip nya kailan kaya nya makikita si Juaquim sa opisinang ito.
Lagi nyang nililibot ang mga mata nya sa paligid baka sakaling makita nya ng personal si Juaquim dito. Pero nalaman nya na bihira magpakita sa department nila ang boss nilang si Juaquim Montenegro dahil madalas itong nasa meeting or nasa site or nasa ibang kumpanya nila madalas ay out of the country,.......
"Kamusta ang pag huhunting mo sa idol mong si Juaquim Montenegro wala pa rin bang update",
tukso ng kaibigan at kaklase nyang si Gail.
"Naku kung ako sa iyo puntahan mo sa office nya malay mo sa ganda mong yan maakit sayo yun",
gatong naman ni Mina.
Natatawa na lang sya kse alam nyang niloloko sya ng mga Ito lalo't alam nilang patay na patay siya kay Juaquim Montenegro."Excuse me! Idol mo pla si Juaquim Montenegro?",.
Biglang sumabat ang nasa likuran nila.
"Ah.... ehh....Oo"
nahihiyang sagot ni Ariella
.
"Ako nga pla si Jenny classmate ko rin kayo sa accounting Diba",.
Tumango naman kme sa knya mukha naman mabait pero malakas ang boses nito halatang may kaya dahil my cellphone to na Nokia noong mga panahon na Yan eh usong uso ang cellphone, sya na lang ata ang wala sa mga kaibigan at kaklase nya kse mas importante maka bayad sya sa upa at yung natitirang bayad nya sa tuition. Mabait naman si Jenny mukhang mamahalin ang mga gamit,
palagi nyang kasama ang boyfriend nyang medyo siga siga sa school kaya ilag ang iba sa knya.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomantikThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...