"Hello"
Inaantok pang sagot ni Juaquim sabay tingin sa relo 10amHans:
bro, where the hell are you right now. Kanina pa ako nag me message sayo.Juaquim:
Nasa condo sa ortigas, what do you want?Hans: theres a big problem napaaway si Andreas. Kakalabas lang namin sa kanya sa presinto
Juaquim: whats new pare lagi naman napapaaway yan. Di ka na nasanay simula ng umuwi yan galing America every week ata napapaaway yan last 2 weeks ago nasa presinto na rin yan ako pa nag labas.
Hans: bro, sana nga nasa presinto na lang sya at kasuhan na lang kaso mukhang may binabalak ang nakaaway ni Andreas kaya kailangan mag tago na muna sya hindi pa sya pwede bumalik sa America dahil may kaso pa sya dun. And its all because of you.
Juaquim: Me? Why me? Anong kinalaman ko dyn saka sino ba nakaaway ni Andreas?
Hans: bro, tropa nila Monching lang naman ang naka bangga ni Andreas. Alam mo naman hindi mag papa areglo yun saka mainit na ang grupo nun kay Andreas dahil sa natalo sila sa car racing at binasag ni Andreas yung windshield ng kotse ni Monching dahil sinagi nya yung bumper ng bagong sports car ni Andreas. Pero mas malala pa ngyn dahil nasa ospital pa si Monching ngayon wasak ang mukha.
Juaquim: ano bang nangyari?at bakit nadamay ako dyn?
Hans: Remember Trixi last night the one you come home with. Bumalik sya sa bar galit na galit at pinagkakalat nya sa tropa ni Monching na tinakbuhan mo sya. Umurong daw ang b@yag mo sa kanya. And the right term she use was you run away like a pussy. Dahil dun kung ano ano nang pinag sasabi nila Monching they're making fun of you and we overheard it across our table. Kaya napikon si Andreas binasagan ng bote sa mukha si Monching. Hindi na kme nakaawat kse ang bilis nang pangyayari.
Juaquim: What the fuck! That bitch! How's Andreas?
(lalong sumakit ang ulo nya sa nangyari)Hans: mamaya pupunta sya ng Cebu dun muna sya magpapalamig sa lugar ng papa nya. Mas safe sya dun kse baka balikan sya ng grupo nila Monching...
Ano ba talagang nangyari bakit mo ba tinakbuhan yung babae di ka naman dating ganyan.Juaquim: wala pare wala ako sa mood kagabi... medyo stress ako sa dami ng work. Pasensya na sa nangyari, If its not because of me Andreas wouldn't be in trouble right now. I will just call him after we talk.
He is so confuse now na guilty sya sa nangyari sa kaibigan nyang si Andreas kung hindi dahil sa kanya hindi nito sasapitin ang nangyari dito at na guilty rin sya dahil gusto na nyang lumayo muna kay Ariella. Hindi nya alam kung ano ba talaga ang gusto nya sa buhay nya. Masaya sya pag kasama si Ariella pero naawa sya dito dahil alam nyang iiwan nya rin lang ito dahil hindi pa sya ready para sa seryosohang relasyon. Gusto na muna nyang pagisipan ang lahat dahil nahihirapan na rin sya.
....."Anak nagkausap kme ng tita Linda mo mukhang maayos na ang petition sa kanya ng mga anak nya sa Canada. Ala eh pag nagkataon na maka alis sya eh nakiusap sya na kung maari dun muna kme tumira ni Mateo sa Laguna abay sayang din naman malilibre ang upa natin makaka ipon tayo para sa pag aaral nyo." sabi ng nanay ni Ariella habang nag liligpit sila ng mga natirang handa ng birthday party ng kapatid nya
"kayo po nay anong plano nyo kung lilipat kayo mas mainam mkka ipon kayo pwede naman kayo mag take over sa tindahan ni tita hindi na kayo mag lalako kung saan saan". Sangayon nya sa sinabi ng nanay nya.
"o siya mag sasabi na ako sa tita mo, baka sa isang buwan eh maka alis na iyon. Basta anak kailangan makatapos ka ng pag aaral mo abay yan lang ang pwede kong ipamana sa inyo wag nyo akong gayahin akoy walang natapos." pangaral ng nanay nya
Na guilty sya sa pag sisinungaling nya sa nanay nya tungkol sa pag tratrabaho nya sa Manila dahil nagtataka talaga ito kung bakit ang dami nyang pasalubong at hindi na nya tinatanggap ang padala nito para sa pag aaral nya. Hindi magugustuhan ng nanay nya ang sitwasyon nya sa Manila. Sino ba namang nanay ang may gusto na nagsasama kme ni Juaquim sa iisang bahay ng hindi kasal.
Kasal???
Pakakasalan kaya sya ni Juaquim pag naka tapos na sya sa pag aaral? Ano kaya ang plano ni Juaquim sa kanilang dalawa? Napa buntong hininga na lang sya. Bukas din ay uuwi na sya sa Manila. Sana pag uwi nya ay may lakas na sya ng loob na magtanong kay Juaquim tungkol sa kanilang "special relationship".Nang hapon ding iyon ay hindi na sya nag pahatid sa nanay nya kahit nag pupumilit ito sinabi na lang nya na tatawag agad sya pag nkasakay sya ng bus.
Nang maka rating sya sa pilahan ng tricycle ay nakita na nya ang sasakyan ni Juaquim.Pag pasok nya ay humalik sya dito pero wala itong kibo. Mukhang my problema ito gusto nyang usisain pero alam nya na ayaw nito ng tinatanong sya kaya nag kibit balikat na lang ito. Mag sasabi rin naman ito pag gusto nya. Tahimik silang naka rating sa condo pero hindi lumabas si Juaquim sa sasakyan sinabi nito na may pupuntahan sya at hindi uuwi wag na syang intayin. Pag pasok nya sa condo dun sya umiyak parang nag iba nanaman ang pakitungo sa knya nito. Bakit kaya? Ano kaya ang nangyari nung wala sya?
Nag paka busy na lang sya sa pag aaral para mawala ang atensyon nya sa nararamdaman nya finals na nila at kailangan mka pasa sya para manatili ang scholarship nya.4 araw na hindi umuwi si Juaquim hindi man lang nag txt or tumawag. Tuwing mag isa sya umiiyak sya. Nasasaktan sya pero wala syang lakas ng loob na komprontahin ito. Wala naman syang karapatan hindi nya nga alam kung girlfriend ba ang turin sa kanya ni Juaquim.
Friday maaga ang uwian nya sa school. Nagaabang sya ng jeep na masasakyan ng lapitan sya ni Archie na may dalang bouquet of flowers at chocolate sa totoo lang ay napapadalas ang pag uusap nila dahil magkaklase sila sa ibang subject lagi rin itong may bigay na chocolate na ang mga kaibigan nya lang nakikinabang.
Hindi nya alam bakit pinuntahan pa sya sa sakayan ng jeep para dito ibigay hindi na lang sa classroom kanina."bakit dito mo ako binigyan nyan nasa kalsada tayo." tanong ko
" kase pag sa classroom hindi mo naman kinakain, binibigay mo sa mga kaibigan mo. Saka baka magtuksuhan pa pag nag abot ako ng flowers." sagot ni Archie
Kinuha nya ito dahil sa totoo lang mahilig sya sa bulaklak. Hindi naman nag sasabi si Archie na nanliligaw sya dahil babastedin nya rin agad ito siguro way nya ito para maging magkaibigan ulit sila.
Tinangihan ni Ariella ang paanyaya ni Archie na ihatid sya sa bahay nya kahit nag pupumilit pa ito. Sumakay na sya ng may dumaan na jeep sa harapan nya kaya wala ng nagawa si Archie kungdi ang magpaalam dito.
Ang hindi nya alam ay my mga matang naka masid sa kanilang dalawa. Mga matang galit na galit at halos mabasag ang salamin ng sasakyan ng suntukin ito.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...