Chapter 17

539 13 13
                                    

"Namiss kita"
sabay halik nito sa batok nya. Para syang nakuryente.

"Halika nga dito"
agad syang inihiga sa kama ni Juaquim.

Pero para syang estatwa na hindi maka galaw hindi nya alam kung paano mag rereact sa nabasa nya sa cellphone na itinatago sa kanya.

Ano ba talaga sya sa buhay ni Juaquim. Parausan uuwian Kung kailan nya gusto. Tapos Kung sino sinong babae ang kasama.
Napatawad na nya si Juaquim ng mahuli nya Ito sa office nya na may nakakandong at kahalikang babae. Pero iba na ngayon magiging tatay na sya. Magiging magulang na sila. Kakayanin kaya nya na maging ganto na lang sila ni hindi nya nga alam kung ano ba talaga sya sa buhay ni Juaquim.
Wala silang label.

"What's wrong with you? You're as cold as ice." Galit na tanong sa kanya ni Juaquim

"Sorry pagod kase ako ang dami kong inasikaso sa school."
Pagsisinungaling nya

"Ok then kumain muna tayo nag order ako ng pizza gutom na rin ako"
Matabang na sabi nito halatang nadismaya sa ikinilos nya.

Kumakain na sila pero wala syang malasahan kahit pa paborito nya ang flavor ng pizza na inorder ni Juaquim.

"Juaquim may tanong ako sayo?"

"Ano yon"
matabang pa rin na sagot sa kanya.

"Paano.... Paano kung nabuntis mo ako? Anong balak mo?"

"What the hell are you talking about.. you're taking your pills right? " matalim na tingin sabay tulak sa Plato nito.

"Gusto ko lang malaman kung anong plano mo"

"Wala akong plano ok! (sabay Punas ng tissue sa bibig) Hindi pa ako handa para dyan. Isa pa, wala sa usapan natin ang magbubuntis ka unang una hindi ka pa graduate pangalawa Hindi pa tayo... (Bumuntung hininga Ito) ..I don't wanna talk about this. Let's end this topic ok."
Sabay Tayo at iniwan sya sa lamesa.

Iniwan syang nakatulala sa lamesa. Napahawak sya bigla sa tiyan nya. Naawa sya sa sarili nya pero mas naawa sya sa anak nya Hindi pa nga sya isinisilang ayaw na sa kanya Ng tatay nya.
Ang tatay nya.... Bigla nyang naisip ang tatay nya. Iniwan din sila.

Masakit isipin na magiging pareho ng sitwasyon nilang magkapatid ang magiging anak nya. Hihintayin na lang ba nyang ipag tabuyan sya ni Juaquim. Paano pa pag malaman nito na buntis nga sya, mas masakit kung palayasin sya. Mas mabuti na kusa na lang syang aalis. Mas mabuting hindi na lang nya malaman na magkakaanak sila.

Nasa malalim syang pag inisip ng makita nya si Juaquim na naka bihis.

"Lalabas muna ako gusto ko munang magpahangin."
Sabay labas Ng pinto.

Nakapag desisyon na sya. Aalis sya ngayon mas makakabuti iyon sa kanilang dalawa. Kung mag tatagal pa sya baka mas masakit pa ang malalaman nya or maririnig nya. Ilang buwan Na lang lalaki at lalaki na ang tiyan nya. Ayaw nyang harap harapan na ipagtabuyan sila ng tatay ng anak nya.

Nag simula syang mag empake lahat ng luma nyang damit na hindi binili ni Juaquim ang dadalhin nya.
Kung ano ang dinala nya papasok sa bahay na Ito ay Yun din ang dadalhin nya palabas. Pati ang cellphone ay iiniwan nya. Pero paano sya paano pag nanganak sya wala syang pera wala syang makukuhang trabaho aasa na lang na sya sa nanay nya.

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon