Chapter 22

568 16 9
                                    

Nataranta sya at hindi nya alam kung babalik ng bahay or sa likod dadaan pero alam nya na dead end na sa dulo.

Bumaba si Juaquim sa kotse at diretsong lumakad palapit sa kanila. Nang makita ni Janella kung sino ang palapit sa kanila ay nag tatakbo Ito Kay Juaquim. Hindi na nya napigilan ang anak dahil napaka bilis nito.

"Wow you are all dressed up pretty lady. Are you ready to have fun." Sabay yakap sa bata
Tumango Ito sabay sabing "yes"

"Sorry pero may iba kaming pupuntahan. If you'll excuse us" pilit na inaabot kay Juaquim ang bata pero bigla siya hinawakan ni Juaquim sa braso at sumilip sa nanay nya na nasa lamesa at nag lalagay ng mga ulam sa plastic.

"Nay mano po aalis na po kame" sabay Yuko tanda ng pag mano sa nanay kahit malayo Ito.

"Ingat kayo" tumango ito sa kanila

"bye yoya"
Sigaw ng bata halatang excited

Bit bit sya ni Juaquim sa sa braso  habang kabila naman ay kalong si Janella. Sa laki nito nagmukha siyang batang inaakay palabas sa eskinita gusto man nyang kumawala dito ay nahihiya sya sa mga kapitbahay na lahat ay naka tingin sa kanila. Halatang nag uusyoso sa kanila.

"pogi naman ng daddy mo Janella."sabi ng kapitbahay nilang tsismosa na may ari ng tindahan na inuutangan nila minsan pag kapos sila. Mabait naman ito kaya nginitian nya na lang para wala ng maraming tanong.

Binitawan sya ni Juaquim ng nasa tabi na sila ng kotse at inilagay si Janella sa likod at ini upo sa car seat at maingat na nilagyan ng seat belt. Halatang pinaghandaan talaga ni Juaquim ang araw na iyon.

At sumakay na ito sa driver seat.

"hindi ka ba sasakay or bubuhatin pa kita" sabi ni juaquim sa kanya habang naka silip ito sa kanya sa bintana.

Natuwa na sana sya dahil nag effort ito para sa anak.  Kaso ginalit nanamn sya nito. Kaya sumakay na sya sa tabi nito at pabalibag na isinara ang pinto.

Habang bumabyahe ay wala silang imikan ayaw nyang magsimula ng away lalo sa harapan ng anak nila. Mamaya na niya ito kokomprontahin pag tulog ang bata.

"Mommy batit nisasabi manang daddy to sa" (bakit sabi ni manang daddy ko sya) halatang naguguluhan si Janella. Naawa sya dito dahil sa ibang tao pa nya narinig ang mga bagay na iyon.

"why ayaw mo ba akong maging daddy" tanong ni Juaquim sa bata.

"dusto tase waya aton daddy wawa aman to, ti timberyi menong daddy "(gusto kase wala naman akong daddy kawawa naman ako. Si kimberly merong daddy) kalaro ni Janella ang tinutukoy nya.

"Anak minsan kase may mga bata na walang daddy pero meron namang mommy na magaalaga at magmamahal parang ako. Diba" nilingon si Janella gusto nyang ipaliwanag ng maayos sa bata ang sitwasyon nila.

"Pero dapat may daddy na kasama para mas masaya at kumpleto diba Janella" sabat ni Juaquim sabay ngiti sa kanya.

Hindi na sya sumagot dahil hahaba lang ang diskusyunan nilang dalawa at ayaw nyang lalong malito ang bata.

Ipinarada ni Juaquim ang sasakyan sa isang mall. Ito ang nag asikaso kay Janella agad na kinalong at tinanong kung saan gusto mag punta. Saan gusto kumain.

Kung anong gustuhin ni janella ay sinusunod ni Juaquim na ayaw nyang mangyari dahil baka hanap hanapin ito ng bata sa kanya. Kaya ng nag punta sila sa isang play area duon kinausap nya si Juaquim ng masinsinan.

"Ayaw ko na nai spoiled ang anak ko hindi ko sya pinalaki ng ganyan. My rules ako para sa anak ko. Kaya pwede ba itigil mo na ang mga palabas mo at wag na wag ka na ulit pupunta sa bahay. Mahina pero halatang may galit.

"Anak ko rin sya kaya dapat lang na may parte ako sa pagpapalaki sa kanya" hindi inaalis ang tingin kay Janella habang nag lalaro ito.

"Parang siguradong sigurado ka na anak mo nga sya. Sa pagkakatanda ko ang sabi mo hindi ka pa handa para magkaanak at isa pa wala namang tayo nung panahong yon. So why are so sure na sayo nga yan malay mo kung nakipagtanan ako kaya umalis ako sa poder mo." may halong panunuya na sabi nya.

"huling beses mo ng sasabihin yan na merong kang ibang lalaki bukod sa akin. Dahil kung hindi ay kakalimutan kong nanay ka ng anak ko" halatang napipikon na sa galit sa kanya nakaramdam naman sya ng takot at saya. Takot dahil iba magalit si Juaquim, Saya dahil kahit papaano ay nakaganti sya dito.

Nag aya na siyang umuwi dahil sa dami ng pinamili ni Juaquim para kay Janella at para sa nanay nya. At marami na rin silang pagtatalo dahil dito. Halos hindi na sila mag kanda ugaga sa pag bitbit ng mga pinamili pero nanatili pa ring bitbit ni Juaquim si Janella ni hindi nya Ito binibitawan   kitang kita ang pag kasabik nito sa bata.

Sa kotse ay nakatulog na si Janella sa byahe marahil ay sa pagod.

"Babalik ako bukas ipapasyal ko ulit si Janella and I'm not asking for your permission I'm just telling you just to let you know." Basag ni Juaquim sa katahimikan.

"No way nagiging abusado ka na ata pinagbigyan kita ngayon dahil sa kagustuhan ni Janella pero sumosobra ka na ata." Sagot nya dito

"Anak natin ang pinag uusapan dito at gusto kong makasama sya. To fill up the 3years that you have taken away from me to be with my daughter. Isa pa gusto kong mapabuti ang buhay ng anak ko makapag aral sya at maibigay lahat ng pangangailangan nya, lumaki sya sa maayos at tahimik na community" Malumanay pero may diin na sabi ni Juaquim.

"Hindi ako papayag dahil ba mahirap  kme hindi ko na maibibigay sa kanya ang pangangailangan nya. Masyadong mataas naman ang tingin mo sa sarili mo Juaquim Montenegro. ako lang ang may karapatang magpasya kung ano ang makakabuti para sa kanya at nasa batas yan." Nilingon nya Ito

"I'm trying to be fair here. Gusto ko lang na dumalaw dalaw ako sa bata at makasama sya, at maibigay ang bagay na nararapat para sa kanya, but you making it so hard for both of us. Don't let me do things that you might regret." Sabi ni Juaquim

"Tinatakot mo ba ako. Well ako ang magulang ni Janella at ako ang masusunod at kahit baliktarin mo man ang mundo ako lang ang kikilalanin nyang magulang. Wala ng iba." Galit na galit na sabi niya dito.

  "Then I will do everything to make sure na makukuha ko ang full custody ng anak natin. Sobrang tigas mo. I hope hindi mo pagsisihan to." Banta ni Juaquim.

Sa sandaling iyon umurong ang dila nya. Anong laban nya dito mapera Ito at makapangyarihan. Paano pag sa DNA mapatunayan na anak nya nga si Janella malaki ang laban nito. Alam nyang mapapaganda ang buhay ni Janella sa tulong ni Juaquim pero alam nya rin na may kapalit iyon ang mawala sa kanya ang anak nya at manipulahin nanaman nito ang buhay nila.

Nakarating na sila sa bahay binuhat ni Juaquim si Janella hanggang sa kwarto nito kitang kita ni Juaquim ang hindi magandang kalagayan ng anak at ng pamilya ni Ariella. Napakaliit ng kwarto nila siksikan mainit at magulo at Hindi safe para sa anak nya ang kapaligiran. Ayaw nyang lumaki Ito sa ganitong sitwasyon.

Nagpaalam na si Juaquim pero hindi na sila nakapag usap pa ni Ariella. Dahil iniiwasan na si Juaquim ni Ariella.

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon