Huling araw ni Ariellan sa OJT. Hinatid pa sya ni Juaquim sa University. Nag pasa muna sya ng project sa isa nyang subject bago sya pumasok sa kanyang OJT. Nalimutan nyang sabihin kay Juaquim na ngayon ang last day nya, kaya balak nyang surpresahin ito sa opisina nito tutal ay nakita na naman sya ng secretary nito mag kukunwari na lang syang may papapirmahang documents.
Natapos na ang oras nya ng tanghaling iyon sa Marketing dept. Kung saan sya naka assign kaya nag paalam na sya sa mga nkasama nyang staff at sa mga bosses doon. Mamimiss daw siya ng mga kasamahan nangako pa ang manager duon na pag kagraduate nya ay tutulungan syang makapasok duon para mag trabaho.
Nang makalabas na sya ay diretso na sa opisina ni Juaquin.
Excited syang sumakay ng elevator. Hawak ang kunwaring documents.Pag labas nya ng elevator ay nag ayos pa muna sya ng buhok at damit bago tumungo sa desk ng secretary nito.
As usual nka simangot na naman ang secretary nito. Lalo tuloy nagmukhang kontrabida dahil sa kapal ng make up nito. Ngunit hindi na sya nito tinanong kung bakit sya nasa opisina nito agad syang sinabihang pumasok na sa loob ng office at sinabihan syang wag ng kumatok dahil expected na raw ng boss nya na darating sya. Kaya bago sya pumasok ay huminga muna sya ng malalim para gulatin ito."1..2..3" bulong nya sabay bukas ng pinto.
"Fuck don't you know how to knock" sigaw ni Juaquin na tila natuka ng ahas ng makita sya.
Sya naman sa kabilang banda ay nais na lang mag patuka sa ahas na may matinding kamandag para sa ganun ay mamatay na sya para hindi na makita ang eksena na nasaksihan nya.
"sorry"
Yun na lang ang nasabi nya
At agad syang napa atras at diretsong lumabas ng office nito na walang lingon likod. Halos lumipad ang mga paa nya at hindi na nya namalayan na nka labas na pla sya ng building. Agad syang sumakay ng pampasaherong jeepney. Hindi nya alam kung tama ba yung nasakyan nya basta gusto nya na makaalis na lang sa lugar na iyon. Halos madurog ang puso nya sa sakit pero hindi nya magawang umiyak dahil siguro nabigla sya sa nakita nya hindi pa naabsorb ng utak nya ang nasaksihan."shit! Shit! Shit! ...Get off me!" Sabay tulak sa babaeng naka kandong sa kanya.
"ouch whats wrong with you ba? Nahulog ito sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Juaquin at dahil naka harang sa daraanan nya ang babaeng kanina lang ay kahalikan nya habang naka kandong sa kanya, kaya hindi na nya naabutan si Ariella sa labas ng opisina.
Agad nyang sinugod ang secretary nito na kanina lang ay nangi-ngiti sa nakita ganap ng araw na iyon."you son of a bi- your fired" sigaw nito sa secretarya nya.
"But sir bigla na lang syang pumasok pinipigilan ko nga sya eh." maluha luhang pagmamakaawa nito."I dont want to see your face get out"
Sabay labas din ng babaeng galing sa loob ng opisina nito.
"you too get out"
Sigaw nya sa babae.Lakad takbo ang ginawa nya para mahabol si Ariella pababa sa opisina pero wala na ito roon agad nyang pinuntahan ang marketing pero hindi sya nag pahalatang hinahanap nya si Ariella. Kunwari ay may kailangan lang syang tignan pero ni anino ni Ariella ay wala duon.
Tinawagan nya ito pero hindi nasagot. Agad syang bumalik sa office nito at nakita ang secretary nya na umiiyak sa desk nito.
Nilampasan nya lang ito dahil ayaw nyang makita ang pag mumukha nito."what the... Bakit ba ako ganto". Why would he care kung makita ni Ariella na may ibang babae syang kasama. They are not in a relationship anyway. Wala pang babaeng mag papataranta sa kanya. He cant believe hinabol nya pa ito. Never would he explain to her nor apologize for any matter. He is a free man.... And thats Juaquim Montenegro.
Hindi na sya pumasok sa eskwelahan ng araw na iyon. Wala syang mapuntahan hindi naman nya masabi sa mga kaibigan nya dahil secret nga yun diba. Bumaba sya ng jeep kung saan ay hindi nya alam. Naglakad sya kung saan padpadin ang mga paa nya siguro pag napagod na sya mapapagod din ang puso nya at mawawala ang sakit nito.
Nakakita sya ng simbahan habang naglalakad sya pumasok sya duon at nag dasal.
"sakit sakit po talaga ng nararamdaman ko ngayon. Kung hindi sya talaga ang kaloob nyo tanggalin nyo na sya sa akin. Burahin nyo na yung feelings ko para sa knya. Hayaan nyo na lang akong tuparin ang pangarap ko na wala sya.
Duon tuluyan na syang umiyak hanggang mapagod ang mga mata nya.Ilang oras din sya duon sa loob ng simbahan madilim na at malayo layo din pla ang napuntahan nya kaya nag pasya na syang umuwi ...
Pero saan.. Uuwi pa ba sya sa condo.. Hindi sya handa para harapin ito..
Sa totoo lang naalala nya yung rule number 2....Ayaw nya ng sinasakal sya....
Ayaw nya nang tinatanong sya...
Lalong ayaw nya ng selosa....San sya lulugar dun. Bahala na uuwi sya dahil wala naman syang mapupuntahan.
Sumakay sya pauwi sa condo.Pag bukas nya ng pinto ay nasa sala si Juaquim, umiinom ng beer at masama ang tingin sa kanya.
Sa totoo lang natatakot sya. Hindi nya alam kung paano sisimulan bumati dito. Para syang batang late umuwi at may nka handang pamalo para sa kanya...
Tahimik syang pumasok ng naka yuko...
"where have you been? Why you're late? Inantay kita sa school mo..nag uwian na ang lahat ng estudyante wala ka pa rin."
Galit na sabi nito.(*trivia- galit galitan ang pinaka malupit na galawan ng mga lalake para hindi sila maunahan ng galit ng mga babae.)
Nawala bigla ang anumang nararamdaman nya ng panahong iyon... Takot ang lumukob sa kanya that time.
"sorry"
"Sorry nanaman... Yan na lang ba ang sasabihin mo sa kanya sorry!!!
dapat nga sya ang mag sorry sayo dahil sinaktan nya ang feelings mo. Sya pa ang may ganang magalit eh sya na nga itong nahulihan mo na kandong at kahalikang ang isang babae." Sigaw ng utak nya"Hindi na mauulit"
Sabi nya sabay tingin kay Juaquin.(*trivia- tanga tangahan yan ang mga galawan ng mga babaeng martir sa pag ibig. Nasasaktan na pero hindi pa rin nag papahalata.
"come here"
Sabay turo ni Juaquim sa tabi nya this time malumanay na ang boses nya.Umupo sya sa tabi nito at sabay halik sa mga labi nya gusto man nyang umiwas ay niyakap sya agad ng mahigpit. Halos hindi sya makahinga sa higpit ng yakap nito. Sabay halik sa leeg habang iniisa isang tanggalin ni Juaquin ang butones ng blouse nya. At inihiga sya sa sofa. Hindi na sya naka tanggi at nag paubaya na rin sya dito. Ilang ulit pa silang nakarating sa langit ng mga sandaling iyon halos wala ng maririnig kundi ang mahihinang ungol nilang dalawa nawala.
(*trivia- Marupok yan......
Yan tayo eh
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
Roman d'amourThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...