Chapter 3

550 12 0
                                    

"Stay here love ill just buy cigarette outside wait for me love",..sabi ni Archie pumupungay pa ang mata

"Buti naman at umalis hmmmmp..... nkkainis bat ba ako sumama pa wala naman kahit na anino ni Juaquim Montenegro dito",.
Naiinis na sabi ni Ariella

Mag isa na siya sa table nila kaya kumuha sya ng platito para kumuha ng pulutan calamares at mayonnaise. Naubos nya 5 pirasong calamares kaya sumandok sya ng spicy sisig na mainit init pa. Unang subo nya medyo nasamid pa sya sa anghang pero masarap kaya sumubo pa sya ulit ng spicy sisig.

Ahhhhhhhh!!!
Palahaw nya,.

Hawak ang bibig nakakain sya ng sili sobrang anghang talagang parang umapoy sa bibig nya,.

Sa sobrang taranta nya walang sabi sabi nyang tinungga ang nasa harapan nyang isang mataas na baso ng tequila sunrise pero d pa rin naalis ang anghang,

Gusto n nya tumakbo sa CR at mag mumog pero di na nya kinaya kaya napatungga sya sa beer ni Archie na nasa tabi nya naubos nya iyon dahil sa sobrang lamig guminhawa ang pakiramdam ng bibig nya,
pero medyo nahilo sya sa sunod sunod na inom nya saka nya naisip n tequila at beer napagsabay nya. Sana hindi sya malasing dahil ayaw nyang umuwi ng wala sa wisyo.

Gusto nyang sisihin ang sarili sa ginawa nya dahil di pa talaga sya nakakainom ng ganun.
talagang nahihilo sya dahil bukod sa nainom nya ay nakadagdag pa hilo at sakit ng ulo nya ang pinag samang ingay ng tugtog at usok ng sigarilyo sa loob ng bar na iyon.

Tatayo na sana sya para pumunta ng banyo pero di nya talaga kaya. Kaya kumuha sya ng candy sa bag nya para mawala kahit papaano ang hilo nya.

Ilang minuto lang dumating na si Archie na may dalang panibagong bote ng beer sobrang lakas talaga uminom at halatang wala na sa wisyo. Hinanap nya sila Jenny at Paul pero wala na ito sa dance floor.

Nabigla na lang sya ng biglang niyuko ni Archie ang mukha nya sa leeg nya sabay halik kaya naitulak nya ito ng malakas. Pati ang beer na hawak nito ay bumagsak sa sahig sa pagka bigla

"Hey whats wrong with you" sabay tingin ni Archie sa pantalon at sapatos nyang nabasa ng alak.
Pulang pula ito sa galit sa ginawang pag tulak ni Arielle dito.

Si Arielle man ay nagulat sa ginawa nya pero di sya nag sisisi dahil kung hindi sya nahihilo malamang nasampal nya ito.

Walang sabi sabing tumayo si Archie at binuhusan ng kalahating basong beer si Arielle.
Tumayo at Napaiyak na lang na tumakbo si ariella sa CR.
Basang basa sya mula sa ulo nya pati damit. Impit ang iyak ni Ariella dahil may mga tao sa loob ng CR ng pumasok sya dito.
Parang sasabog ang puso nya sa sobrang galit sa sarili dahil sa pagsama nya sa lugar na iyon at galit kay jenny dahil iniwan sya nito ng walang paalam at lalo na kay Archie sa ginaw sa kanya.

..........

Kitang kita ni Juaquim ang nangyaring kumosyon sa table ng dalawang taong kanina pa nya pinapanood.
Gusto nyang sugurin at pagsasapakin ang lalaki sa ginawa nito. Kaya tumawag sya ng mga bouncer para ilabas si Archie sa bar na iyon.

Habang nasa baba sya inaantay ang paglabas ng babaeng kasama nito na pumasok sa pambabaeng CR.

Ilang minuto pa nag antay sa labas ng CR si Jauquim gusto na nyang pasukin ito sa loob pero maraming babae sa loob at lahat ng lumalabas eh panay ang pag papa cute sa knya meron pang nag tutulakan para mapansin nya, pero wala doon ang focus nya kundi sa babaeng inaantay nyang lumabas.

Naiinip na sya di naman sya dating ganito bakit ba naging concern sya bigla. Lalo at di naman nya kilala.

"Damn what took you so long"
Napasuntok na sya sa pader sa sobrang di sya mapalagay.

.......

Tok! tok! tok!
Katok sa labas ng pinto ng banyo kung saan nadun sya
"Hey open this f***ing door, kung matutulog ka umuwi ka sa bahay nyo"
Sigaw ng babae sa labas,

Bigla syang napatayo sa gulat kaya dali syang lumabas ng cubicle kahit nanginginig at namamanhid ang mga tuhod nya na parang bibigay.
madami n pla nakapila kaya napa yuko na lang sya pumunta sya sa lababo para mag hugas at check ang sarili. Di nya maaninag ang sarili nya sa salamin siguro dahil na rin sa kakaiyak nya at dahil wala syang suot na salamin.
Dahan dahan syang lumakad palabas ng banyo. Bumungad agad sa kanya ang dilim at ingay ng paligid di na nya kaya parang lumulutang ang katawan nya parang hinihigop sya sa kadiliman.

......

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon