Last Chapter 40

735 29 25
                                    

"Thank me later you a&&hole" sabay unock ng pinto ng banyo.

Pinilit tumayo ni Juaquim kahit hirap dahil tumama ang tagiliran nya sa sink ng banyo. Tinulungan sya ni Rajesh na itayo pero hinawi nya ang kamay nito.

"I know hindi makaka abot dito si Ariella kaya ako na ang maghahatid ng mabuting balita sayo. Don't marry her. Everything is a lie...." Hawak ang kamao nya na sumakit dahil sa lakas ng pagkaka suntok nya kay Juaquim.

Gulong gulo si Juaquim sa sinabi ni Rajesh. Di nya alam kung nasa tamang pag iisip pa ba sya dahil sa kalasingan, sa lakas ng suntok, o dahil sa magaganap na kasalan.

"Papunta si Ariella dito ngayon para pigilan ang kasal nyo pero hindi sya makakaabot,.. kaya kahit masakit sa akin na gawin to sasabihin ko na rin sayo.... Niloloko ka ng babaeng papakasalan mo ngayon.. hindi sya buntis, dahil naoperahan sya tinanggal na ang uterus nya. Yan ang natuklasan ni Ariella kaya balak nyang pigilan ang kasal nyo at kasabwat ang doctor na tumitingin sa kanya ngayon." Sabay tingin nya kay Juaquim ng masama pero may halong lungkot.

"Di ko dapat ginagawa to dapat hinayaan na kitang magpakasal sa babaeng yon pero dahil alam kong mas magiging masaya si Ariella sa piling mo at mas pinili ka nya kesa sa akin..... (Lumok sya upang pigilan ang nararamdamang pag patak ng luha) pare mahalin mo si Ariella at wag mong sasaktan dahil pag binitawan mo ulit sya di na ako papayag na mawala sya sa akin." May halong galit at pait ang tinig ni Rajesh ng mga sandaling iyon

Parang nagising bigla si Juaquim sa narinig. Hindi sya makapaniwala sa natuklasan.

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo. Asan si Ariella ngayon.... Shit im..I'm lost for words" parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Juaquim ng panahong iyon.

Sabay bumukas ang pinto ng banyo...

"Oh your here congrats Juaquim.... Huh anong nangyari sayo bakit Puro dugo Ka..." Bati ni Doctor Rico kay Juaquim sabay tingin kay Rajesh.

"Tarantado ka!!! Tell me the truth.. is Magena pregnant or not... Answer me Kung ayaw mong durugin ko ang mukha mo ngayon." Pinicharahan sa kwelyo sabay amba ng suntok ni Juaquim kay Doctor Rico.

"What are you talking about pare... Pare... Juaquim... kase ganto yan parr... ahhhh ..ano...Alam mo naman na nag papa check up si Magena diba... ehhh totoong buntis sya... Wag ka namang ganyan pare.... Wag kang makikinig sa mga tsismis....." Nagkakanda utal sa takot na sagot ni doctor Rico

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Juaquim sa sikmura ng doctor na kina bagsak nito sa sahig...

"Ahhhh!! Tulong .. tulungan mo ako" sabay kapit sa binti ni Rajesh

"Tutulong akong bugbugin ka pag hindi ka umamin na kasabwat ka para lokohin si Juaquim." Sabay tulak sa doctor.

"Aamin ka ba or aamin ka.. sumagot ka totoo ba na naoperahan si Magena at wala ng uterus. Sumagot ka" sabay sipa sa doctor na naka luhod sa sahig.

"Ahhh araaay hindi ko alam ang sinasabi mo Juaquim sinungaling ang nag sabi sayo nyan" sabay tingin kay Rajesh

"Siraulo ka sasabihan mo pa akong sinungaling" sabay batok ni Rajesh sa doctor.

Agad na itinayo ni Juaquim si doc Rico sa pamamagitan ng kwelyo nito.

"Huling tanong ko na to sumagot ka ng tama kung ayaw mong ipasara ko ang clinic mo at lumpuhin ka namin dito. Buntis ba si Magena or Hindi?" Nanginginig sa galit na sabi ni Juaquim

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon