Last week na nya sa OJT nya sa company ni Juaquim Montenegro pinag pasalamat nya na hindi na nag kruz ang landas nila. Dahil Hindi nya alam Kung anong mangyayari sa kanya pag nag kataon.
Maaga syang pumasok sa opisina nang lunes na iyon dahil maaga din syang magpapaalam na uuwi dahil may kailangan syang tapusin na project.
Maraming nag aabang sa elevator Ng bumukas ito. Kaya napa sik-sik sya sa dulo. Sasara na sana ang pinto Ng elevator Ng may humarang dito.
Nanlaki ang mata nya nang Makita ang pamilyar na taong papasok sa elevator.
"Please.... Please.... wag Sana ako makita" bulong nya sabay suot nya ng reading glasses nya at tinalukbungan ang mukha ng buhok nya bahala na kahit mag mukha syang bruha at tanga sa itsura nya.Kitang Kita nya ang pag papa cute ng mga babaeng nasa loob ng elevator gusto nyang pag buhulin ang mga tonsil ng mga mahaharot na babaeng to.
Tumigil ang elevator sa 17th floor ng marketing department ang hindi nya alam kung paano lalabas ng hindi mapapansin ni Juaquim Montenegro. Kaya sumiksik sya palabas at nagmamadali lumabas dito, pero naipit ang bag nya ng sumara ang pinto, At napigtal Ito Di nya alam kung babalikan or hahayaan na lang ang bag dahil bigla syang tumakbo paalis ng elevator kahit tinatawag na sya ng ibang nasa loob.
"Tanga tanga mo Ariella nandun ang pamasahe mo pauwi buti na Lang walang masyadong mahalagang gamit sa loob Ng bag nya.
Pinulot ni Juaquim ang bag. At parang naalala nya kung sinong nag mamayari nito binuksan nya at nakita nya ang pamilyar na laman sa loob..
Skyflakes , panyo, menthol candy pitaka na Puro coins, pardble at ballpen.
......
Pag pasok nya sa opisina agad nyang Sinabihan ang secretary nya na i connect sya sa marketing department.
"Ariella, can you give this document in 26th floor" utos ng head manager nila.
"yes maam" sabay abot ng document dali dali syang sumakay ng elevator lumilipad ang isip nya dahil sa kakaisip ng bag nya at sa pag kakita nya kay Juaquim Montenegro sa loob ng elevator. Kaya din nya namalayan ang opisinang pinasok nya
Nang nasa harap na sya ng opisina dumiretso na sya sa counter ng isang babaeng maganda at sexy. Iniabot nya ang folder dito.
Tinaasan lng sya ng kilay sabay sabing pumasok sya at dalhin sa loob ang folder.Kumatok muna sya saka nya dahan dahang binuksan ang pinto.
Isang malaking opisina na may mahabang couch ang bumungad sa knya sa gitna ay ang lamesa at naka talikod na lalake na nakatanaw sa bintana.
Gusto nyang umatras palabas ng pinto dahil kilalang kilala nya ang lalaki kahit nka talikod ito.
"sit down Ariella" mahina pero may autoridad na utos nito.
Duon parang natauhan si ariella kaya na upo ito bigla sa couch na nasa gilid nya.
"Are you hidding from me Ariella?"
Sabay harap nito sa kanya.Dahan dahang lumapit ito sa knya, At tinabihan sya nito.
Amoy na amoy niya ang pabango nito. Ang mga mata ay may halong galit at pagka sabik na makita sya.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...