"I'm worried about you? I've been calling you since yesterday. Bakit naka patay ang phone mo. Is everything ok with you" ang nag aalalang sabi ng nasa kabilang linya
"I'm ok don't worry about me may gusto nga pala akong sabihin sayo kailangan mong malaman to" sagot ni Ariella.
"You don't sounds good to me. Tell me please you know I would do anything for you. Kahit masakit sa akin gagawin ko dahil Mahal kita... Sobrang mahal na mahal kita.. Ariella"
malungkot na sagot kabilang linya na si RajeshAt sinabi nya ang natuklasan tungkol kay Magena at ang magaganap na kasalan kinabukasan. At sinabi nya ang rin ang plano nya na pigilan ang kasalang magaganap bukas
"Mahal na Mahal ko si Juaquim simula pagkabata ko siya na ang minahal ko at wala akong ibang mamahalin kundi sya lang. Im so sorry Rajesh I hope you'll understand ayokong paasahin ka... makakakita ka pa ng babaeng mas hihigit pa sa akin. You've been very good to me and ayokong masayang ang friendship natin dahil naging bahagi ka na ng buhay ko sa maikling panahon na nakilala kita nakita ko kung gaano kabuti ang puso mo. Mahal kita bilang kaibigan mo mahalaga ka sa akin Rajesh." Naiiyak na sabi ni Ariella
"I'm sorry Ariella pero hindi ganun kadaling tanggapin lahat ng sinabi mo masyadong masakit para sa akin. Pero dahil Mahal kita at ayaw kong nahihirapan ka tuturuan ko ang puso ko na pigilan ang nararamdaman ko sayo. Gusto kong maging masaya ka pero kung sakaling magbago ang isip mo at hindi magtagumpay ang plano mo para bukas nandito lang ako Ariella." Malungkot na sabi ni Rajesh sabay baba ng tawag sa kabilang linya ni hindi na Ito naka pag paalam sa kanya, dama nya ang lungkot sa boses nito.
Na gui-guilty man sya ay dapat na sigurong tapatin nya si Rajesh sa tunay nyang nararamdaman ayaw nyang umasa Ito sa kanya. Isa pa makakabuti Ito para sa kanilang lahat gusto na nyang maging totoo sa sarili nya sa nararamdaman nya. Marami ng nasayang na panahon dahil sa kakapigil nya sa nararamdaman nya. This time kailangan na nyang ipaglaban ang pagmamahal nya kay Juaquim.
.....
"Alam mo ba kung saan sila ikakasal?" Tanong ni Gen sa kaibigan
"Oo ate sa Millon Hotel sa Pasay. 10:00am" sagot ni Ariella
"Ok matulog ka na bukas ay susugod pa tayo dun." Matapang na sabi ni Gen
"Ate natatakot ako hindi ko ata kayang harapin sila" naiiyak na sabi ni Ariella
"Ano ka ba hindi lang para sayo ang pinag lalaban mo para to sa mga anak mo at para kay sir Juaquim. Gusto mo ba na tuluyang mawalan ng ama ang mga anak mo at gusto mo bang mapahamak si sir Juaquim. Sa tingin mo bakit nagawang magpanggap ni Magena na buntis sya para makuha nya si sir Juaquim at hindi natin alam baka meron pang ibang masamang balak yun lalo na sa inyo. This time ipaglaban mo naman ang mga anak mo at ang nararamdaman mo." Payo ni Gen sa kaibigan
"Naiintindihan ko ate Gen salamat nandito ka. Lagi kang nandyan para sa amin." Napayakap si Ariella sa kaibigan
"Tahan na baka maiyak pa ako matulog na tayo maaga pa tayong susugod sa bruha na Yun. Kailangan mo rin magpahinga tignan mo butis ka pero nangangayayat ka sa stress." Kinumutan na ni Gen si Ariella at hinayaang makapahinga.
Pinilit na matulog ni Ariella para meron syang lakas para sa paghaharap nila bukas. Isa sa pinaka matagal na gabi na naranasan nya ilang beses syang nagigising dahil siguro sa kaba, excitement, at halo halong emotion ang nararamdaman nya ng panahon na yon.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
Roman d'amourThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...