ELIZABETH
Nakarating na kami sa Dorm ko at nagsimula na kaming mag-ayos ni Lexxa.
"Ano bang meron, bat may paganto?" tanong ko dito.
"Gusto kasi ni Akira na icelebrate yung first day mo. Yun ang sabi niya sa akin kanina" sagot naman ni Lexxa habang nag-aayos.
Hay naku, talagang may paganto pa sila. Biglang sumagi sa isip ko asan ba si Akira.
"Nasan pala si Akira?" tanong ko.
"Namimili lang yun ng makakain. Anyway, di ko pala nasabihan na pupunta rin si Alize mamaya. Baka magulat yun hahah" natatawa niyang sabi.
"Kung sino-sino kasi iniinvite mo" biro ko dito.
"Maka-sino ka naman, kinakapatid mo yun uy" ganti naman nito sa akin.
Tumawa nalang ako at tinuloy ang pag-aayos.
Makalipas ang isang oras ay bumukas na ang pintuan at pumasok si Akira. May dala-dala itong mga pagkain. Nilapag niya ito sa mesa at humarap sa amin.
"Umpisahan na ang kasiyahan!" tuwang sigaw nito.
"Wait, kulang pa tayo!" singit naman ni Lexxa.
"Huh?" naguguluhang tanong ni Akira.
"Inimbitahan niya si Alize" sabi ko nalang dito.
"Huh!! Bat di niyo ko sinabihan? Wait papaorder pa ako" nagmamadaling kinuha ni Akira ang phone niya at binuksan.
"Totally madami naman na tong binili mo para sa ating apat" sabi ko dito.
"Kahit na noh. Makakasama namin sa pagkain si Alize. What a dream" kinikilig na sabi ni Akira.
Bigla may narinig kaming katok na nanggagaling sa pintuan.
"Mukhang andito na siya" sabi ko sa dalawa.
Dali-dali naman silang umupo ng maayos na para bang mga inosenteng bata.
"I guess, I dont have a choice" I heavily sighed.
Pumunta ako pintuan para buksan ito at nakita kong nakangiti si Alize. May dala-dala itong cake at softdrinks.
"Welcome" sabi ko dito.
Pumasok naman ito at sumunod na ako. Nilibot niya ang paningin niya at para bang inoobserbahan talaga yung dorm.
"Itong unang beses na pumasok ako sa kwarto ng ibang estudyante. Medyo maliit sa dorm ko pero okay na. Naalala ko tuloy nung first month ko ganto rin dorm ko pero lumipat na ako agad after a month eh" natatawa niyang sabi habang naglalakad.
Nang-aasar ba siya. Baka nakakalimutan niyang hindi niya to lugar.
"Anyway, congrats for your first day" bati nito sa akin.
"Thank you" sagot ko nalang.
Umupo na siya sa upuan at inumpisahan na ang pagkain. Kinaka-usap siya nila Lexxa at sumasagot naman siya dito.
"Akala namin suplado ka" natatawang sabi ni Lexxa.
"Hahaha....bakit naman?" natatawang tanong ni Alize.
"Napakatahimik mo kasi"
"Well, wala lang talaga ako masabi kaya nananahimik ako" sagot naman ni Alize. "Eliz, may pupunta pala dito maya-maya" sabi ni Alize.
Nagulat naman ako sa sinabi niya lalo na't wala naman akong kilala sa Academy nato. Baka si Ninong ang sinasabi niya.
"Ahh okay" sagot ko nalang at tinuloy ko na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
ФэнтезиElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...