ELIZABETH
Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang umalis si Alize. Dahil sa mga nangyare dati ay mas pinag-tuunan ng pansin ang pagpapalakas sa amin. Sa ngayon ay nagtratrain kami. Kasama ko sila Akira, Lexxa at Drei.
"Excuse me po, pinapatawag po ng Headmaster sina Eliz, Lexxa, Akira at Drei" sabi ni Maeziel kay Ms. Arren.
Napahinto kami sa pagtratrain dahil sa narinig namin.
"Anong meron?" tanong ni Lexxa.
"Hindi ko rin alam eh" sagot ko.
Lumabas naman kami at sumama kay Maeziel.
"Anong meron Maeziel?" tanong ni Akira.
"Malalaman niyo din" sagot naman nito.
Sinundan nalang namin ito at tumigil kami sa harap ng office ni Ninong. Binuksan ito ni Maeziel at nakita namin sa loob na andito na sila at may isang lalaki na blonde ang buhok, gwapo din ito at kasing height ni Alvisse.
"Uy gwapo oh" bulong ni Lexxa.
Tiningnan ko lang ito ng masama at nginitian lang ako nito. Pumasok na kami sa loob at sinarado na rin ang pinto.
"Kumpleto na kayo" sabi ni Ninong.
Kumpleto?
"Ano pong meron, Headmaster?" tanong ni Lexxa.
"Siya si Ken, his ability was called Create. He can create any non-living things" pagpapakilala ni Ninong sa lalaki.
"Hello" bati nito habang nakangiti.
"Anak siya ng kaibigan ko. Kayong twelve na estudyante ang pinaka-maasahan kong estudyante dito sa Academy. May nabalitaan akong maraming bilang ng lalaki ang nawawala sa lugar ng Hiria. Gusto kong puntahan niyo ito at imbestigahan kung may kinalaman dito ang Dark Royals" sabi ni Ninong na kinabigla namin.
"Dark Royals" mahinang sabi ni Alvisse na nakatingin sa sahig. Mukhang hindi niya pa rin matanggap ang ginawa ni Alize sa amin.
"Eliz, Alvisse, Lance, Drei, Victor, Yuu at Snow kayo ang pumunta dun at imbistigahan ang nangyare" utos ni Ninong.
"Sasama ako" volunteer na sabi ni Boa.
"Kung gusto mo sige, pero kailangang may umurong sa unang anim na inutusan ko" sabi ng Headmaster.
Magvovolunteer palang sana ako na magpa-iwan nang nagsalita yung isang babae.
"Ako na papaiwan" sabi nito.
"Snow" gulat na sabi nila Maeziel.
Kung ganun Snow pala ang pangalan niya. Kung di ako nagkakamali snow rin ang ability niya.
"Ahas ang traits ni Boa ibigsabihin ay cold-blooded siya. Hindi maganda na magsama kami lalo na't malamig ang ability ko. Unlike kay Eliz na pwedeng tubig ang gamitin hindi lang yelo" paliwanag nito.
"Okay, kung yan ang gusto niyo. Mamaya din ay aalis na kayo" sabi ni Ninong.
"Goodluck sa inyo" bulong ni Akira sa akin.
"Thank you" sagot ko naman.
Lumabas na kami at bumalik na ako sa dorm ko para mag-impake ng gamit. Kinahapunan ay nasa labas na kami ng Academy at handa na sa pag-alis. Merong kotse sa labas ng Academy na gagamitin namin sa paglalakbay. Nasa labas din silang lahat at nakabantay sa pag-alis namin.
Bago kami umalis ay binigyan kami ng maliit na camera at nilagay sa damit namin. Makikita daw nito ang mga nangyayare sa amin sa mission. Nagbabantay dito sila Maeziel at Snow at kung nasa peligro ang isa sa amin ay gagamitin ni Maeziel ang ability niya para ipaalam sa iba.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantasyElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...