ELIZABETH
Nagluluto na kaming apat nang makarating si Alize. May mga dala itong pagkain at inumin. Nagulat siya ng makita na andoon rin si Drei pero hindi naman na siya nagsalita. Tumulong narin naman ito sa pagluluto.
Ilang oras ang nakalipas at natapos na kami sa pagluluto at inihanda na namin ang pagkain. Maya-maya ay may kumatok sa pinto.
Ako na ang nagbukas ng pinto at nakita ko si Lance at may dala-dala itong cake at inumin.
"Yow" bati nito.
"Pasok ka" anyaya ko naman.
Pumasok ito at nilagay sa mesa ang dala niya.
"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Alize.
"Hindi pa inaantay pa natin si Alvisse" sagot ni Akira.
"Ang haba ng hair mo girl ha kapag pumunta dito si Alvisse, nagpa-punta ka ng apat na mga gwapo. Sana ol" bulong ni Lexxa.
"Tumigil ka nga" mahina kong saway dito.
Tumawa naman ito at umupo nang maayos. Ala-syete na at wala pa rin si Alvisse.
"Pupunta ba talaga yun?" tanong ni Alize.
"Hindi ko lang alam huh, pero feeling ko hindi. Tambak ng papeles ang mesa niya sa office eh" sagot ni Lance.
"Kumain na kayo tayo?" yaya ni Akira.
Mukha ngang hindi na siya pupunta. Bumalik na ako sa upuan at inalis na namin ang mga cake sa kani-kanilang box. Nang mag-uumpisa na kami ay may kumatok sa pinto.
"Akalain mo yun nakarating siya" birong sabi ni Alize.
Dumiretso na ako sa pinto at binuksan ito. Nakita ko si Alvisse na nasa labas at may mga dala-dalang pagkain at may ilang band-aid sa kamay nito.
"Late na ba ako?" tanong nito.
"Hindi, mag-uumpisa palang kami" sagot ko.
Pumasok na siya sa dorm namin at nilagay na rin sa mesa ang mga pagkain. Dahil sa dami nang pagkain napagkasunduan namin na kunin ang mesa sa Dorm ni Lexxa.
Sila Alize at Lance ang kumuha ng mesa. Napansin kong kanina pa nakatitig si Drei kay Alvisse.
"May problema ba?" tanong ko dito.
Halata kasi sa reaksyon niya kanina ang pagkagulat nang makita niya si Alvisse.
"Wala naman" sagot nito sa akin. "Ako nga pala si Drei kababata ni Eliz" pagpapakilala nito kay Alvisse.
Wala namang sinagot si Alvisse at nakatingin lang kay Drei.
"Siya si Alvisse the President of Student Council" pagpapakilala ko naman kay Alvisse.
"Andiyan na sila" sabi ni Akira.
Pumasok na sila Alize na buhat-buhat ang isang mesa. Nilipat na namin ang ibang pagkain sa mesa at nag-umpisa na kaming kumain.
Matapos naming kumain ay inaayos rin naman ang mga kalat. Alas-diyes na nang maka-alis silang lahat.
"Goodnight Eliz" sabi ni Akira bago matulog.
"Goodnight din" sagot ko dito.
Kinabukasan ay nag-ayos na kami at dumiretso sa classroom namin. Habang nasa daan kami ay napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao at para bang may binubulong sila.
"Good Morning" bati ni Lexxa sa amin.
"Morning" sagot naman namin ni Akira.
"Siya yun diba?" mahinang bulong ng babae sa katabi niya pero sapat na para marinig ko na para bang sinadya talaga nila.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantasíaElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...