I: FAERIE ACADEMY

819 25 0
                                    

ELIZABETH

Sumama na ako dito at naglakad kami papunta sa isang malaking building.

Masyadong malaki ang lugar na ito. Wala ring mga tao dahil na rin sigurong madaling araw na rin.

"Simula ngayon dito ka na maninirahan hanggang dumating ang araw na kaya mo nang protektahan ang sarili mo. Dito ka na rin mag-aaral, wag kang mag-alala ako ang namamahala sa paaralang ito" sabi nito habang naglalakad papasok sa isang building.

Tahimik lang naman ako na sumasabay sa paglalakad nito. Iniisip ko pa rin ang mga magulang ko at si kuya. Pumasok kami sa malaking building at dumiretso sa malaking kwarto.

Sa loob ng kwarto ay may malaking kama. Pinaupo niya ako sa kama bago siya lumabas. Bago ito tuluyang lumabas ay nagsalita ito.

"Magpahinga ka na, babalik na ako sa lugar kung saan kita nakita. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makita ang kuya mo pati na rin ang mga magulang mo. Bukas rin ay babalik ako" sabi nito at tuluyan na ngang lumabas at sinara ang pintuan.

Humiga ako sa kama at umiyak.

"Mama, Papa, Kuya sana ayos lang kayo, sana panaginip lang lahat ng ito " naiiyak kong sabi at maya-maya pa'y nawalan na ako ng malay.

Paggising ko ay maliwanag na ang kwarto. Napa-upo ako sa kama at napatulala sa bintana.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at pumasok na si Ninong at may dala-dala itong tray ng pagkain at inumin. Dali-dali akong napatayo at pumunta sa kanya.

"Nakita niyo po ba sila?" tanong ko dito.

Alam kong imposible pero umaasa pa rin ako na paggising ko ay makakasama ko ulit sila pero agad din nasira ang pag-asa ko ng marinig ang sinabi ng Ninong ko.

"Wala na sila, wala akong maabutan dun" nakayuko nitong sagot.

Napaluhod ako at tuluyan na ngang napa-iyak ng malakas. Pinakalma naman ako ni Ninong.

Makalipas ang ilang oras ay tumigil na ako sa pag-iyak. Pinilit naman ako ni Ninong na kumain kahit na konti.

"Inutusan ako ng magulang mo na alagaan kayo ng kuya mo pero pagpunta ko ay ikaw lang ang nakita ko at wala kang malay nun. Hinanap ko ang kuya mo pero hindi ko ito makita kaya napagdesisyunan ko na dalhin na agad kita dito at bumalik sa paghahanap sa oras na madala na kita dito. Pero wala na akong naabutan sa pagbalik ko dun. Wala na ang mga magulang mo at ang kuya mo" naiiyak nitong sabi.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Maraming salamat po sa lahat, Ninong" sagot ko dito.

"Dinala kita dito dahil iyun rin ang utos ng mga magulang mo. Naniniwala sila na gaya nila meron din kayong ability at gusto ko rin na maalagaan kita at maprotektahan ka. Hangga't nasa loob ka ng paaralan na ito masisiguro ko ang kaligtasan mo" sabi nito. "Mamaya rin ay isasama na kita sa Dorm mo at aayusin ko na rin ang mga papeles na kailangan para bukas rin ay mag-aral ka na" dagdag pa nito.

"Salamat po" sagot ko naman.

I dont really believe in powers but it changed because of what happened yesterday.

Lumabas na ito at iniwan ang pagkain na dala-dala niya kanina. Samantala napahiga naman ako at iniisip pa rin na sana hindi totoo ang mga nangyare.

Hapon na nang nagising ako at andito na rin si Ninong. May dala-dala itong ilang bagahe.

"Tara na" yaya nito sa akin.

Tumayo ako at sinundan siya palabas ng building. Sa labas ng building ay napakaraming mga estudyante ang makikita. Ang ilan sa kanila ay naka-tambay sa kani-kanilang tambayan na kainan ang iba rin naman ay naka-tambay lang sa mga upuan.

Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil na rin siguro bago ang mukha ko sa paningin nila at kasama ko ang Ninong ko.

Pumasok kami sa isang building at pumasok sa isang kwarto. Pagpasok namin ay may babae na nagbabasa ng mga libro. Napalingon naman ito at bumati kay Ninong.

"Magandang Hapon po, Mr. Buenaflor" bati nito.

"Magandang hapon rin" bati ni Ninong. "Nawa'y magkasundo kayo ng inaanak ko" nakangiti nitong sabi.

"Eto ang Dorm mo at siya ang makakasama mo" sabi nito sa akin.

"Hi, I'm Elizabeth you can call me Eliz" bati ko dito.

"Hello, I'm Akira nice to meet you" nakangiti nitong sagot.

"Oh sya maiwan ko na muna kayo ha. Magkaklase nga pala kayo. Tulungan mong maka-adjust ang pamangkin ko Ms. Akira"

"Ako pong bahala" sagot naman nito.

Umalis na si Ninong at kami nalang ni Akira ang natira. Inayos ko na ang mga gamit ko tinulungan naman ako ni Akira sa pag-aayos.

"So anong ability mo?" bigla nitong tanong.

"Ahh... hindi ko pa alam eh, ikaw ba? " pagbabalik ko ng tanong dito.

"I can do what a Chameleon can do. Anyway, wag mong ipapaalam kahit kanino na hindi mo pa alam ang ability mo" bilin nito.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Malalaman mo rin pero sana sundin mo ang payo ko" sagot naman nito. "Anyway sabay tayong pumasok bukas para di ka maligaw masyado kasing malaki ang paaralan nato" sagot nito.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ninong sa kwarto.

"Bago ko makalimutan para sayo nga pala" abot nito sa akin.

"Cellphone?"

"Naka-register ang pangalan mo diyan. Every student here have an monthly allowance you can use it to buy anything that you want"

"Ahh okay po" sagot ko.

Binuksan ko ang cellphone at biglang bumukas ito at andun rin ang litrato ko. Mukha itong ID ang pinagkaibahan lang ay may nakalagay dito na 100000 pesos.

"100000 pesos!" gulat kong sabi.

"Yup, ang allowance mo" singit ni Ninong.

"Totoo po ba to?" tanong ko.

"Okay lang yan Eliz ganyan rin naman ako ng una pero ngayon 110000 nalang pera ko" singit ni Akira.

"Wow" naa-amaze kong sabi.

"Sige na mauuna na ako ikaw na muna ang bahala magpaliwanag kay Eliz, Akira" bilin ni Ninong kay Akira.

"Opo" sagot nito.

Umalis na nga si Ninong.

Makalipas ang ilang oras ay tapos na kaming mag-ayos ng gamit ko.

"Kumain na muna tayo" yaya ni Akira.

"Mabuti pa nga" sagot ko naman.

WELCOME TO THE FAERIE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon