HEADMASTER
Sila Alize ang lumaban sa Joker. Samantalang kami naman ang lumalaban sa mga bangkay na muling nabuhay. Biglang sumugod ang iba pang member ng Dark Royals sa amin. Ang iba sa amin ay hindi pa maigalaw ang ibang parte ng katawan dahil sa kaninang atake ng Joker.
"Sharp Leaves!" inatake ni Reia ang ibang mga bangkay pero walang kwenta ang atake nito. "Nahahati ko ang mga katawan nila pero hindi ko sila mapatigil!" sigaw ni Reia.
"Mukhang wala silang nararamdaman na sakit dahil patay na sila" sabi ni Kenny.
"Death Explosion!" umatake sa direksyon namin ang King of Clubs.
"Room!" kinulong ko ito sa barrier kasama ang atake niya para hindi kami masabugan. "Shrink" pinaliit ko ang barrier na nagkulong sa King of Clubs para hindi nito masira ang barrier ko.
"Hindi mo masisira ang barrier ko hanggat hindi mo gagamitin ang kapangyarihan pero hindi mo naman pwedeng gamitin ang kapangyarihan mo dahil madadamay ka sa pagsabog kaya mas maganda na wag ka na lumaban" paalala ko dito.
Nagbuga ng apoy ang Dragon sa direksyon namin.
"Snow Storm!" nilabanan ni Snow ang atake nito.
"Tulungan niyo ko hindi ko to matatagalan!" sigaw ni Snow.
Nabigla kami ng kagatin ng Quetzalcoatlus ang Dragon.
"Guilda!" sigaw ni Lita.
"Tulungan niyo ang Quetzalcoatlus!" sigaw ko sa kanila.
Hinawakan ni Victor si Boa at pinalipad niya ito. Nagtransform si Boa sa pagiging malaking ahas at tumulong sa Quetzalcoatlus.
Nahihirapan sa pagtayo si Victor dahil ata sa bigat ni Boa. Lumapit dito si Yuu at inalalayan nito ang kapatid niya.
"Victor! Tatagan mo lang!" sigaw ko dito.
May mga tentacle na umatake sa direksyon namin.
"Green Tentacle!" naglabas ng mga malalaking ugat si Reia para pigilan ang mga higanteng Tentacle ng Kraken.
May Beam na tatama sa amin pero hinarangan ito ng Beam ni Lexxa.
"Create!" naglabas si Ken ng mga grenade at hinagis niya ito sa mga zombie.
"Death Scream!" sumigaw si Samantha para tumalsik palayo ang mga zombie.
"Asan ba si Ash? Malaking tulong ang ability niya dito!"
"Hindi ko rin alam" sagot ko nalang dito.
Maya-maya ay nakita ko si Ash na naglalakad papunta sa amin. Patay na ito at nakatanggal ang ulo nito sa katawan niya. Kasama nito sila Mr. Leo at Cath.
"Prison Chain!" binalot ni Mr. Hiro ang ilang mga bangkay. "I'll hold them as long as I can!" sigaw nito.
Nagpupumilit ang ibang Zombie na makawala sa Prison Chain ni Mr. Hiro.
Nakita ko si Lita na may inabot kay Lily na tali at tumakbo paalis si Lily. Napatingin ako sa lugar na pupuntahan nito ng bigla kong nakita sila Alize.
"Alize!" sigaw ko dito.
Masaksak na sana si Alize ng bigla itong hindi tinamaan ng atake ng Joker at nakayakap si Lily dito. May liwanag na dumaan sa akin at nakita ko dun si Sky.
"Kenny!" napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Renisse.
Lumapit si Kenny dito at hinawakan nito si Renisse.
Mukhang gagawin nila ang attack nila.
"Scattered!" sigaw ni Kenny.
"Combo Attack! Fragments of Life!" may mga ilaw na lumabas sa kamay ni Renisse at tumama sa ibat-ibang ulo ng mga zombie.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantastikElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...