ALIZE
Pinatawag ako at pinapapunta sa meeting. Pagpasok ko dun ay nakita kong andito ang mga teachers, andito rin lahat ng Student Council. Maya-maya pa ay isa-isa nang pumasok sila Boa, Drei, Victor, Lexxa at si Eliz.
Pina-upo kami at nag-umpisa na ang meeting.
"Pag-uusapan natin ang nangyare sa Festival. Sa tingin ko ay may traydor sa Academy na to" seryosong sabi ni Dad.
Natahimik ang buong paligid sa sinabi nito.
"Pero pano po niyo naman nasabi yun, Headmaster?" tanong ni Maeziel.
"Dalawang tao lang ang may alam kung saan ginanap ang Festival. Ako at si Ms. Arren" sagot naman ni Dad.
"It make sense kung ganun nga" sabi ni Alvisse.
"Ibigsabihin may taksil dito sa Academy. Pero sino? Teacher o Estudyante?" singit ni Akira.
"Yan ang hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na isa sa mga sumali sa Festival ang taksil" tumingin si Dad sa direksyon nila Boa.
"Teka? Bakit naman po kami!?" reklamo ni Boa.
"Hindi ko sinasabi na isa sa inyo na naandito ang taksil kaya wag kang magalit" sagot ni Dad.
"Kung iisipin nating mabuti mas malaking chance na ang taksil ay isa sa mga sumali sa Festival" singit ko.
"Bakit naman?" tanong ni Eliz.
"Isipin niyong mabuti. Dalawa lang ang may alam ng lugar ng ginanapan ng Festival kaya pano nakapunta ang Dark Royals dun. Ibigsabihin may estudyante na nagsabi ng lugar. Sa tingin niyo ba makakasabi ng ayos ang nakakanood lang at hindi nakikita ang actual na lugar? Mas madedescribe niya ang lugar kung andun mismo siya sa lugar. Pero ang tanong pano nila nahanap agad ang lugar sa sobrang dami ng mga isla?" paliwanag ko sa kanila.
"Hindi kaya? Meron sa Dark Royals ang may ability na maghanap ng tao?" suggest ni Yuu.
"Pwede ang sinasabi mo" sabi ni Dad.
"Pwedeng may isa sa kanilang may ability nun pero pwede ring may isa sa mga estudyante ang may tracking device na dala nang festival. At kung totoo ngang may taksil ang tanong ilan sila?" singit ko sa usapan.
"Naniniwala ako na may taksil dito sa Academy kaya pinatawag ko kayong lahat para alamin kung sino" sabi ni Dad.
"Pero pano kayo makakasigurado na wala dito ang taksil?" tanong ni Ms. Andrea.
"Malaki ang tiwala ko na wala sa inyo ang taksil" sagot naman ni Dad. "Kailangan nating mahanap ang taksil bago tayo lumipat ng ibang lugar. Kaya kailangan ko ang tulong niyong lahat" bilin ni Dad.
"Ano naman ang mapapala namin?" tanong ni Boa.
"Kaligtasan" sagot naman agad ni Dad.
Natapos na ang meeting at lumabas na kami.
"Boa" tawag ni Eliz dito.
Lumingon naman si Boa kay Eliz at tinarayan ito.
"Anong problema mo?" tanong nito.
"Salamat sa pagligtas mo sa akin da-" naputol ang pagsasalita ni Eliz nang magsalita si Boa.
"Whatever" mataray nitong sabi at naglakad na palayo.
"Kawawa ka naman" biro ko kay Eliz.
"Guys, gusto niyo maglaro?" tanong ni Alvisse.
"Anong ganap?" tanong ko.
"Wala lang, sali ka?" tanong nito.
"Pass may gagawin ako" sagot ko dito at naglakad na ako paalis.
ELIZABETH
Lumipas ang ilang araw at naghahanap kami ng ibedensiya na makakapagturo sino ang taksil sa Academy pero hindi pa rin namin ito makita.
Laging niyayaya ni Alvisse na makipaglaro sa kanya Alize pero lagi niya rin itong inaayawan sa hindi namin malaman na dahilan. Lagi niyang sinasabi na may gagawin siya.
"Eliz!" tawag nila Akira.
"Tara na?" yaya ni Lexxa.
"Yeah" sagot ko naman at naghanap na ulit kami ng ibedensiya pero gaya ng dati ay wala kaming makita.
"Eliz, paabot nga nito sa Headmaster" utos ni Ms. Andrea.
"Sige po" sagot ko naman.
May inabot itong mga papeles.
"Samahan ka na namin" volunteer nila Akira.
"Wag na babalik rin naman ako agad. Mag-imbestiga lang kayo" sagot ko naman at naglakad na ako papunta sa Office.
Nang nasa kalagitnaan na ako ay tsaka ko lang naalala na hindi ko pala alam asan ang Office ni Ninong. Nakita ko yung babae na kasama namin sa paglaban dati na may ability ng Snow at kasama siya meeting mukhang isa siya sa Student Council.
"Hello, pwede bang magtanong asan ang Office ng Headmaster?" tanong ko dito.
"Nakikita mo ba yung building na yun sa pinakababa dun ay makikita mo ang office ng Headmaster" sagot nito habang nakaturo sa mataas na building .
"Thank you" sabi ko dito at umalis na ako papunta doon.
Nang makapunta na ako ay kinatok ko ang pinto. Ilang oras pa ang nakalipas ay wala pa ring sumasagot sa akin.
"Tao po? Ninong?" tawag ko dito pero wala pa ring lumalabas.
Binuksan ko ang pinto at sinilip ko ang loob. Walang tao dito. Pumasok nalang ako at nilagay ang mga papel sa mesa at pinatungan ko ng pabigat.
Aalis na sana ako ng mapansin kong may nakabukas na passage na pababa.
"Huh? Saan kaya to papunta" pumasok ako sa loob para makita ang nasa baba.
May nakita akong malaking picture nang mga estudyante.
"Mom? Dad?" lumapit pa ako para mas lalo ko itong makita.
Nakita ko sa picture ang mga magulang ko pati na si Ninong.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, puno ng mga libro ang loob nito. May nakita akong mesa at may sobre dito na kulay pula at may ribbon ito.
"Sinong andiyan!?" nagulat ako sa pinanggalingan ng boses at nagtago ako.
Nakita ko si Ninong kinuha nito ang sobre.
"Sinong andiyan!? Alam kong may kasama ako ngayon, magpakita ka!" sigaw nito.
Lalabas na sana ako ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Nagulat ako sa nakita ko.
"Shh" mahina nitong sabi.
Binitawan na nito ang bibig ko.
"Anong ginagawa mo dito, Alize?" bulong ko.
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan" mahinang sagot nito. "Anyway umalis ka na" seryoso nitong sabi. "Earth Hole" nagkabutas bigla ang lupa.
"Dumaan ka dito ilalabas ka nito sa may CR. Magkita tayo dun" mahina nitong sabi.
Naglakad ito at nagpakita kay Ninong.
"Easy Dad, ako lang to" sabi nito kay Ninong.
"Ikaw lang pala, akala ko naman kung sino. Bat ang tagal mong lumabas?" tanong nito.
"Wala lang" natatawa nitong sagot kay Ninong.
"Aalis na ako" bulong ni Alize.
Bumaba na rin ako at sinundan ang butas ng lupa. Pagtingin ko sa taas ay nasa CR ako ng panlalaki. Andito na rin si Alize.
Umayos na ang lupa at nawala na ang butas.
"Anong ginagawa mo dun?" seryosong sabi ni Alize na halatang galit sa ginawa ko.
"Nagdala ako ng papeles kay Ninong pero walang tao dun tapos -" itutuloy ko palang ang sinasabi ko ng pinutol na to ni Alize.
"Nevermind. Sorry kung nagalit ako pero wag mo na yung gagawin ulit" sabi nito at lumabas na siya.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantasyElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...