XV: DREI

192 11 2
                                    

ELIZABETH

"Bat may ganto!?" gulat na tanong ni Lexxa.

"Mga kalahating oras palang ang nakakalipas ng lumabas yan sa mga phone, naka-silent ba mga phone niyo?" tanong ni Alize.

"Oo" sagot ko.

"Kaya naman pala, dahil sa ganyan nakikita natin kung asan sila Boa at makikita rin nila asaan tayo. Pati na kung asan ang red flag" sabi ni Alize.

"Kaya pala nagkumpulan mga estudyante kanina, pero bakit naman kami ang inaatake nila?" tanong ni Lexxa.

"Pwedeng nakipagdeal sila Boa sa mga estudyante kaya tinutulungan nila si Boa" mahina kong sabi.

"Yeah, kaya mahihirapan tayo sa kanila" sabi ni Alvisse.

"Sa totoo lang sa mga A rank student lang tayo mahihirapan pati na dun sa Victor na yun" singit ni Drei. "Ako na ang bahala sa mga estudyante. My ability is Emotion I can manipulate their Emotion. The drawback of my ability is also their experiences and will" dagdag pa nito.

"Huh?" naguguluhan naming tanong.

Hindi namin gaanong nagets ang sinabi ni Drei.

"My ability is Emotion. My attacked earlier is called Nightmare Light. It can show them the most terrifying moments in their life" paliwanag nito.

"Ahh kaya pala umiiyak yung ibang estudyante kanina" singit ni Lexxa.

"Yeah, but the thing is it can only last up to one hour but it was the maximum time. Kung hindi naman ganun na nakakatakot ang nangyare sa kanila at malakas ang will nila pwedeng agad nilang malampasan ang ability kung yun. So in other words the drawback of my ability is also their experience and will to overcome their own emotion" paliwanag nito.

"Papalapit na sila Boa sa direksyon natin" sabi ni Alvisse.

"I have a plan" sabi ni Drei.

"Ano yun?" tanong ko.

"I will buy you sometime to get the last flag. I will handle them myself and steal their flag. Afterall, I'm also a S rank" sabi nito.

"Huh? Pero hindi mo sila makakaya sobrang dami nila not to mention na may isa ring S- rank sa kanila" sagot ko dito.

Nilabas niya sa bulsa niya ang apat na flag at inabot sa akin.

"Listen, you need to find the red flag. We already have twelve flag we divide it into three. Alvisse and Alize have the other eight flag. Kung pagsasamahin lahat nang nakuha nating flag ibigsabihin ay may hawak na tayong 20 flag kung ganun ang natitirang 15 na flag ay hawak nila Boa. Kailangang may makakuha nun para may manalo. Wag kayong mag-alala matatakasan ko sila magtiwala lang kayo sa ngayon puntahan niyo na ang red flag" bilin nito.

"Sasamahan kita dito" volunteer na sabi ni Alvisse.

"Nope, kaya ko ang sarili ko. Atsaka isipin niyo bakit ibibigay ang location ng red flag pero hindi binigay ang location ng ibang flag. Because of the time? Nope it's too early to give the location if it's because of the time" sabi nito.

"What do you mean?" tanong ni Lexxa.

"What if may nagbabantay sa red flag na malakas" sagot nito.

"Pero diba dapat magkakasama tayo dun?" tanong ko.

"Nope, what if they are robots. Do you think my ability will be useful? Mas malaki ang chance natin na manalo kung papaiwan ako kaysa magiging pabigat ako sa inyo dun. Atsaka mas magagamit ko ng ayos ang ability ko kung ako lang mag-isa at confident akong makukuha ko ang nga flag nila Boa" angal nito.

WELCOME TO THE FAERIE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon