XLVII: THE BEGINNING OF THE WAR (3)

86 5 0
                                    

ALVISSE

Nakuha na nga namin si Alize at lahat ng nasa Academy ay napunta ang atensyon sa amin.

Biglang may lumiwanag sa gilid ng mata ko. Pagtingin ko ay may nakita akong lalaki na nababalutan ng kidlat at tangkang sisipain na niya ako. Pamilyar ang itsura ng lalaki, parang ito yung kasama ni Dann nung sumugod sila dito. Ang bilis ng pangyayare ni hindi na ako makaka-ilag sa atake nito wala na akong choice kundi salagin nalang ito.

"Si Lita!" napatigil yung lalaki sa pagsipa. Napatingin ito sa pinanggalingan ng boses at napatingin din ako doon.

"Niligtas ng ilang tao si Lita. Kung may gusto man magligtas kay Alize na hindi galing sa university na to ay kakampi natin!" sigaw ng higanteng nakalaban ni Eliz dati. Naka-giant form ang lalaki kaya rinig na rinig sa buong Academy. Binaba nang lalaki ang kanyang binti.

Bigla kong nakita si Dann at may maliit na bilog na hangin ito sa kanyang kamay.

"Air Shock!" inatake niya ang maliit na bilog kay Eliz at tumilapon si Eliz.

"Eliz! Dann, anong ginagawa mo!?" sigaw ko dito.

"Sorry, pero wala akong balak makipag-ayos sa kapatid ko" sagot nito sa akin. "Sky, napakawalan na natin ang kapatid mo siguro naman oras na para burahin tong Academy pati na ang kapatid ko. Tutulungan mo ako, diba?" bored nitong sabi sa lalaki.

So yung sisipa na sa akin dapat kanina ay yung kuya ni Alize.

"Kuya!" sigaw ni Alize.

Napatingin kami sa mukha nito at sinasabi ng mukha nito na wag sundin si Dann.

"Alize, sinabihan na kita. Lahat kami dito ay may kanya-kanyang goal at kailangan naming suportahan ang gusto ng isa. Sorry, pero hindi mo na ako mapipigilan" sagot nito kay Alize at biglang umatake ito sa akin.

"Lightning Rod" may rod na kidlat na lumabas sa kamay nito at inatake sa akin.

"Ignite!" pina-apoy ko ang paa ko at tumalon. Mas mabilis akong makaka-galaw kung gagamitin ko ito.

"Lightning Web" may namuong web na kidlat at pumunta sa direksyon ko.

"Burning Inferno!" kinontra ko ng malakas na apoy ang lightning web nito.

Biglang may liwanag na namuo sa likod ko.

"Too slow" sabi nito.

"Earth Pole" may mga lumabas na mga pole at umatake  kay Sky.

Yung ability yun. Hindi ako pwedeng magkamali ability yun ni Alize. So totoo nga na kakampi namin siya.

"Alize, alam mo naman ang ibigsabihin ng ginawa mo, diba?" sabi ni Dann at may namumuo nang hangin sa kamay nito. "Air S-" aatake na nito si Alize nang bigla itong mabalot sa bolang yelo.

Napatingin ako sa pinanggalingan ng yelo at nakita ko si Eliz.

"Hey, it hurts, brother" nakangisi nitong sabi.

Yung aura ni Eliz parang kagaya ng aura niya nitong nakaraang araw.

May liwanag nanaman akong nakita at nasa likod na ni Alize si Sky. Sisipain niya ito ng may pole ng lupa humarang sa pagitan nila. Nasira niya rin naman ang pole na nakaharang pero wala na dun si Alize. Nasira na rin ang yelong kumulong kay Dann.

"Pumunta pa naman ako dito para pakawalan ka Alize tapos ganto igagante mo" galit na sabi ni Sky.

"Well, wala naman akong sinabi na pumunta ka" sagot naman ni Alize.

"I see, so umpisa palang tinataksil mo na ako. Alam kong hindi ka dapat pagkatiwalaan nun lalo pa't napaka-biglaan ng paglapit mo sa akin pero akala ko kaya ka pumunta dahil kay Lily. Sabagay, wala na si Lily sa amin kaya umalis ka na" naasar na sabi ni Sky.

WELCOME TO THE FAERIE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon