ALVISSE
Natulog na nga kami. Ilang sandali pa ay naramdaman kong unti-unting uminit sa likuran ko.
Minulat ko ang mata ko at tumingin ako sa likuran ko at nakita kong nakayakap sa akin si Eliz. Nasa baba na ng mga paa namin ang unan na hinarang nito kanina. Sinubukan kong tanggalin ang kamay nito ng bigla itong humikbi nang mahina. Napatingin ako sa mukha nito at umiiyak ito.
"Dad" naiiyak nitong sabi.
"Eliz, gumising ka" mahina kong sabi dito.
"Dad, Im scared please dont leave me"
Mukhang nanaginip siya tungkol sa tatay niya. Hinarap ko ang katawan ko sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha sa mata niya.
"Wag kang mag-alala hindi kita iiwan" mahina ko nalang sabi dito at niyakap ko ito tumahan naman na ito sa pag-iyak at nakatulog na ulit ako.
ELIZABETH
"Eliz! Eliz! Alvisse!" nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Niyakap ko pa ng mahigpit ang unan na yakap ko.
Huh? Bat parang tumigas at uminit yung unan? Minulat ko ang mata ko at nakaharap ako sa isang dibdib ng lalaki.
"Ahhh!" napatili ako nang makita ang dibdib nito.
Nagising naman ito at napatingin ako dito. Magkalapit ang mga mukha namin. Medyo magulo ang buhok nito at hindi pa naka-mulat ng ayos ang mga mata nito.
"A-A-Alvisse"
"Good Morning" bati naman nito na mukhang hindi nabigla na nakita ako.
Agad akong humiwalay dito at napa-upo sa kama.
Gising na silang lahat at nakapalibot sila sa amin. Lahat ng expression nang mukha nila ay nagsasabi ng kung ano-ano pero ang pinakanakakatakot na expression ay ang expression sa mukha ni Boa.
"Do you mind to explain?" galit na sabi ni Boa halata sa tono niya ang pagpipigil pero ano naman ang sasabihin ko ni di ko nga matandaan mga nangyare at bat magkayap kami ni Alvisse ang alam ko lang ay may nakaharang na unan sa amin nun bago ako matulog.
Oo nga, asan yung unan? Napatingin ako sa baba at nakita ko ang unan na nilagay ko sa pagitan namin.
"Umiiyak lang siya kagabi kaya pinatahan ko" naantok na sagot ni Alvisse.
Ako? Umiyak? Wala akong matandaan?
"Totoo ba?" tanong ni Ken sa akin.
"Ewan ko wala akong matandaan" sagot ko dito. Wala naman kasi talaga akong matandaan.
"Perdida Memoria" sabi ni Drei at may tumusok sa ulo ko na ilaw.
Biglang nakita ko nanaman na nilagay ko ang unan sa pagitan namin ni Alvisse.
"Mukha ngang hindi niya alam yun, wala sa alaala niya ang nangyare. Memoria Perdida" sabi ni Drei at si Alvisse naman ang pinatamaan ng ilaw.
Maya-maya pa ay nagsalita na si Drei.
"Totoo ang sinasabi ni Alvisse. Nanaginip lang talaga si Eliz tungkol sa tatay niya"
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
ФентезіElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...