ELIZABETH
Nagising na ako at wala na sa kama si Alvisse. Bumangon ako at tiningnan ko kung anong oras na. Nakita kong 9:10 na ng umaga. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Alvisse na nagbabasa. Napatingin ito sa akin at nginitian ako.
"Good Morning" bati nito.
"Good Morning din" bati ko dito.
Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko at sinama ako sa kusina.
"Niluto yan ni tatay bago umalis" sabi nito.
Kumuha siya ng dalawang plato at mga utensils. Kumuha din ito dalawang baso ng tubig. May sinangag na kanin, hotdog, skinless at itlog.
"Kain na tayo" nakangiti nitong sabi.
"Yeah" sagot ko at kumain na ako.
"Ano pala yung binabasa mo?" tanong ko dito.
"Yun ba? Papeles lang yun. Plano kasi ni Sky na magpa-anouncement next week" sagot nito.
"Tungkol sa ano?" tanong ko.
"Gagawin tayong teacher ng ibang estudyante. Magtuturo tayo pano lumaban at kontrolin ang ability" sagot nito.
"Naalala ko tuloy nung trinain mo ko" sabi ko dito.
"Oo nga no, ako nga pala ang nagtrain sayo" natatawang sagot ni Alvisse.
Natapos na kaming kumain at si Alvisse ang naglinis. Maligo na daw muna ako dahil aalis rin kami pagkatapos. Natapos na akong maligo at naligo na rin ito.
Nang matapos na kaming dalawa ay pumunta na kami sa office ni Sky. Pagpasok namin ay nakita namin sila Alize at ang tatay ni Alvisse na naglalaro ng Chess at nakikinood naman si Sky.
"Anong ginagawa niyo?" natatawang sabi ni Alvisse.
"Yow Alvisse, naglalaro lang kami ng Chess kakagaling lang namin sa trabaho so naglalaro na muna kami" sagot ni Alize.
"I see, so kaya pala di ka na nakikipaglaro sa akin" sagot ni Alvisse dito.
"Oh? Nagseselos ka ba?" natatawang sabi ni Alize.
"Nope, to tell you the truth maganda yan, kayo na muna maglaro dahil aalis kami" sagot ni Alvisse.
"Saan kayo pupunta?" tanong ng tatay niya.
"Hahanapin po namin si kuya" sagot ko.
"Baka may ideya ka saan namin siya mahahanap?" tanong ni Alvisse kay Sky.
"Hmm... May chance na nasa Headquarters siya ng Dark Royals" sagot nito.
"Ahh okay, thanks. Pero hindi namin alam asan ang Headquarters ng Dark Royals" sagot ko.
"Sasama ako, kaya ko kayong idala dun" biglang singit ni Alize.
"Mamaya nalang po natin to ituloy" paalam ni Alize sa papa ni Alvisse.
"Okay, ingat kayo sa daan ha. Alvisse, bantayan mo sila, huh!" bilin ng tatay ni Alvisse.
"Opo" sagot ni Alvisse sa tatay niya.
Lumabas na kami at nangunguna sa daan si Alize.
"Bat parang hindi naman tayo papalabas ng Academy?" tanong ni Alvisse kay Alize.
"Kasi hindi naman talaga or should I say hindi pa" sagot ni Alize.
"San tayo pupunta?" tanong ko.
Tumigil si Alize sa paglalakad.
"Ate Guilda!" sigaw nito.
"Bakit?" may naglakad papalapit na babae sa amin.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantasíaElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...