XIX: AFTER THE BATTLE

183 9 0
                                    

ELIZABETH

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang umatake sa Academy ang Dark Royals.

May tatlong layer na ng Barrier ang nagproprotekta sa Academy. Dahil sa mga nasirang building ay napilitan ang iba na tumira na muna sa classroom nila. Pansamantala ring tinigil ang klase.

Nasa clinic naman kaming tatlo nila Lance at Alvisse. Pinapagaling ni Lance si Alize at nagbabantay naman kami ni Alvisse. Pumupunta dito si Ninong kapag wala na siyang ginagawa. Mga teacher kasi at estudyante ang nagtutulong-tulong para ayusin ang Academy.

Bumukas ang pinto at pumasok sila Lexxa, Akira at Drei may dala-dala silang mga pagkain.

"Kumain na muna kayo" sabi ni Drei.

"Salamat, pakilagay nalang dun" turo ko sa mesa.

"Hindi pa rin siya gising" malungkot na sabi ni Lexxa.

Natahimik nalang ako sa sinabi nito.

"Alvisse, Eliz kumain na muna kayo kung gusto niyo talagang bantayan si Alize baka mamaya kayo ang maano sa gutom" sabi ni Akira.

Tumingin naman ako kay Alvisse na nakatulala lang sa katawan ni Alize. Tumayo at kumuha ng pagkain at inabot kay Alvisse. Napatingin naman ito sa akin at kinuha ang pagkain.

Kinagabihan ay pinagaling ulit ni Lance si Alize pagkatapos nito ay lumabas na ito at pumunta na sa dorm ni Alvisse.

May mga dorm naman na hindi nasira isa na ang kay Alvisse. Ginawa muna itong pansamantalang lugar ng mga Student Council.

"Ako na muna ang magbabantay, magpahinga ka na muna" sabi ko kay Alvisse.

"Tell me, masama ba ako?" bigla nitong tanong.

"Huh? Bakit mo naman nasabi yan?" gulat kong tanong.

"Bat pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan?" naiiyak nitong sabi.

Umupo ako sa tabi nito.

"Wag kang mag-isip ng ganyan" sabi ko dito.

"Hindi ko alam kung bakit, bakit niya ako kina-kaibigan kahit ilang beses ko siyang tinataboy. Utang ko sa kanya lahat ng meron ako ngayon. Unang beses kaming nagkita nung pumasok siya sa Academy matapos ng Festival. Nakilala siya ng lahat dahil sa talent at talino niya pati na ang pagiging magkamukha namin. Lalo pa siyang naging sikat ng nalaman nila na anak siya ng Headmaster. Sa sobrang kasikatan niya nun ay siya ang gusto nilang maging President ng Student Council para ngayong taon. Pumayag naman siya sa offer na yun pero nung nalaman niyang gusto ko rin ang posisyon na yun ay inirekomenda niya ako sa Headmaster at sinabi niyang ayaw niya nang maging President. Nang nalaman ko yun dali-dali ko siyang pinuntahan at tinanong ko siya bat niya yun ginawa. Sabi niya boring daw kasi yung ganun atsaka gusto niya maglaro lang. Simula nun ay lagi niya na akong tinatawag at kapag nagkikita kami ay niyaya niya ako na maglaro daw kami. Nung una mukha lang talaga siyang batang gustong magpakasaya kahit kanino. Pero hanggang umabot na unti-unti na siyang tumahimik at laging nasa puno. Maraming nagsabi na nag-iba na siya pero kapag magkikita kami ay lagi niya akong niyaya makipaglaro. Tinanong ko siya bat ang tahimik niya na pero sabi niya wala lang daw siyang sasabihin sa iba kaya siya ganun. Hanggang dumating ka na. Bigla niya akong pinatawag para sabihin na andito ka na. At nung umalis ako ay nakita kita na mahuhulog. At nung meeting siya talaga ang totoong magtraitrain sayo nun pero umayaw siya sinabi niyang mas bagay daw ang ability natin. Although hindi pa namin alam ang ability mo nun. Hindi ko alam bat niya yun ginagawa pero kapag iniisip ko ang dahilan naiisip ko na gusto niyang magtiwala sa akin ang mga teachers lalo na't hanggang ngayon ay siya pa rin ang gusto ng ibang teachers para sa posisyon na yun. Dahil sa kanya naging magkaibigan tayo. Ilang beses niya akong niligtas pero hindi ko man lang siya natulungan. Napaka wala kong kwentang kaibigan" naiiyak nitong kwento.

"Hey listen, hindi ka sinisisi ni Alize sa mga nangyare. Sa ngayon ang matutulong mo sa kanya ay ang pagbabantay mo sa kanya. Hindi mo siya mababantayan kung pati katawan mo ay bibigay kaka-bantay. Kung totoong nagsisisi ka ipakita mo paggising niya" sabi ko dito.

Niyakap ko nalang ito habang umiiyak siya.

"At talagang sa harap ko pa kayo naglandian"

Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses at nakita namin na gising na si Alize.

"Alize... Alize!" sigaw ko at niyakap ko ito.

"Yo" sabi nito habang hinihimas ang ulo ko.

"Buti naman gising ka na" sabi ni Alvisse habang pinupunasan ang mukha niya.

"Ang ingay eh kala ko kung sinong baboy na umiiyak" birong sabi ni Alize.

Natawa nalang kami ni Alvisse sa sinabi nito.

Bumukas ang pinto at pumasok si Lance.

"May naiwan pala a-... Alize!" sigaw nito.

"Isa pa tong maingay" biro ni Alize.

Lumabas agad si Lance at pinagsigawan na gising na si Alize.

"Naku, iingay nanaman" sabi ni Alize.

"Ako na ang bahala sa kanila" sabi ko at lumabas ako para patahimikin sa labas.

ALVISSE

Lumabas na si Eliz para pakalmahin ang mga nasa labas at pigilan na pumasok sa Clinic.

"Salamat" sabi ko kay Alize.

"Huh?" tanong nito.

"Salamat sa lahat" sabi ko ulit.

"Narinig ko yun lahat" biro nito.

Natawa ako sa sinabi nito.

"So, anong larong gagawin natin?" tanong ko.

"Sa sunod na ang sakit ng katawan ko uy, sa ngayon kakain na muna ako" sabi nito.

"Diyan ka lang" sabi ko dito at kumuha ako ng makakain nito. Maya-maya pa ay pumasok na sa loob sila Lexxa, Akira at Lance pati na ang Headmaster at si Ms. Arren.

"Alize" naiiyak na sabi ng Headmaster.

"Sorry Alize" sabi ni Ms. Arren.

"For what Ms. Arren? Ako nga dapat magpasalamat at naligtas mo sila at sinunod mo request ko" natatawa nitong sabi.

Yayakapin na sana siya nila Akira nang biglang may maliit na pader ng lupa na humarang.

"Earth Wall, paka-inin niyo muna ako!" sigaw ni Alize.

Tumawa naman kami sa sinabi nito.

Kinabukasan ay lumabas na si Alize sa clinic magkakasama kami nila Eliz at tumutulong sa pag-aayos ng Academy.

Malaking tulong ang ability ni Alize lalo na't agad siyang naka-gagawa ng mga building.

Makalipas ang tatlong araw ay pinatawag lahat ng Student Council, teachers pati na sina Boa, Victor, Drei,  Eliz, Lexxa at Alize.

Nang makumpleto na kami ay nag-umpisa na ang meeting.

"Pag-uusapan natin ang nangyare sa Festival. Sa tingin ko ay may traydor sa Academy na to" seryosong sabi ng Headmaster.

WELCOME TO THE FAERIE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon