ELIZABETH
"Ku-kuya? Buhay ka!?" masaya kong sabi habang tumutulo ang luha ko.
Hindi ako makapaniwala na buhay pa ang kuya ko. Akala ko ako nalang ang nakaligtas.
"Air Cutter" may mga matutulis na hangin ang nabuo at umatake sa akin na siyang kinagulat ko.
"Snake Form!" humarang ang malaking katawang ahas ni Boa sa mga Air Cutter dahilan para magkasugat-sugat ito maya-maya pa ay bumalik ito sa pagiging tao.
"Boa!" tumakbo ako palapit sa katawan niya.
"Bat mo ginawa yun?" tanong ko dito.
"Alam kong magagalit si Alvisse kapag masugatan ka atsaka ako ang dapat na tumalo say-" bigla nalang siya nawalan ng malay.
"Kuya! Ano bang ginagawa mo!?" sigaw ko kay kuya Dann.
"Pistol Light!" sigaw ni Lexxa at may mga maliliit na beam sa daliri nito.
"Cat claw!" sigaw naman ng isang estudyante na taong pusa.
"Tounge Whip!" sigaw ni Akira at humaba ang dila nito papunta kay kuya.
"Ice Wall!" pigil ko naman sa mga atake nila.
"Eliz! Anong ginagawa mo!" sigaw ni Lexxa.
"Kapatid ko siya! Hindi naman ganyan si kuya! Tama na!" pigil ko naman sa kanila.
Natahimik lang sila sa sinabi ko.
"It's funny that you still think of me as your brother but I dont feel the same way to you! Double Whirldwind! Air Cutter!" sigaw ni kuya Dann at may namuo ngang dalawang buhawi at may lumalabas dito na madaming Air Cutter.
Nasira ang Ice Wall ko at may mga Air Cutter na papunta sa amin.
"Apport!"
Bigla nalang kami napunta sa likod ng building at andoon din si Victor kasama ng isang lalaki. Pagtingin namin ay may mga bato na sa kinatatayuan namin kanina.
"Salamay Yuu" sabi ni Akira.
"Walang anuman, pero wag niyong ibababa ang depensa niyo sa kanya. Maeziel, anong gagawin natin lalo na't wala dito ang President natin?" tanong nito kay Maeziel.
"Hindi ko rin alam, sa ngayon kailangan nating makatakas sa lalaking yun" sagot naman ni Maeziel sa kanya.
"Camouflage" mahinang sabi ni Akira na nasa likod ko. Pagtingin ko sa kanya ay wala akong nakita.
"Air Shock!" biglang nasira ang building na kinatataguan namin.
"Igloo!" sigaw nang isang babae at may namuong snow na humarang sa mga bato.
"Nice one Snow!" sabi ni Lexxa.
"Tumakas na muna kayo ako na ang bahala dito" sabi ng babae. "Snow Storm!" sigaw pa nito at biglang may malakas na ulan ng niyebe na nabuo at tumakbo na kami palayo.
"Air Flow" biglang nag-iba ang direksyon ng mga snow at tinakpan nito ang mga daanan namin.
"Snow -" naputol ang pagkakasabi ng babae dahil sa saksak na natamo niya.
"Air Spear" mahinang sabi ni Dann.
May narinig din kaming tunog na para bang may nahulog. Nakita namin sa sahig si Akira at may tama rin ito.
"Sa tingin mo di kita mararamdaman dahil invisible ka!?" sarcastic na sabi ni kuya kay Akira. "Air -"
"Tama na kuya!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantasyElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...