XXXV: THE STRONGEST JACK

82 5 0
                                    

ALVISSE

Nakita ko nalang na natutulog na si Eliz sa lap ko. May naramdaman ako na parang may nakatingin sa amin pero di ko nalang ito pinansin at inayos ko na ang ulo ni Eliz. Nilagay ko ito sa unan niya at hinalikan ang nuo nito.

"Goodnight" mahina kong sabi at humiga na rin ako para matulog. Nagising nalang ako at maliwanag na. Wala na si Eliz sa higaan at nakita kong gising na ang mga kasama namin.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanila.

"8:30 na" sagot naman ni Drei.

Bumangon na ako at naghilamos. Kumain na ako ng pagkain at nag-ayos.

"Tara na" yaya ko naman sa kanila.

Tumayo naman sila at nag-ayos na rin. Nine-thirty na nang uamlis kami sa bahay. 

"San tayo pupunta?" tanong ni Akira.

"Pupunta tayo sa tatay ko" sagot ko naman.

Nasa bandang unahan ako, nasa likod ko naman sila Akira,Lexxa at Eliz samantalang nasa pinaka-dulo naman sila Drei at Ken.

"Sigurado ka bang tatay mo talaga yun?" tanong ni Drei.

"Yeah...binalik niya na rin pala ang alaala ko" sagot ko naman.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang napuntahan na namin yung kweba.

"Itong kweba na to, diba dito kayo nagtago nun dati ni Eliz?" tanong ni Drei.

"Dito yun?" tanong ni Lexxa.

"So dito pala nangyare yung proposal" bored na sabi ni Ken.

Naglakad na kami papasok sa kweba at hindi ko nakita ang tatay ko. May sulat lang na naiwan dito. Pinulot ko ito at binasa.

"Alvisse, masaya ako na makita kita muli. Akala ko gumagawa lang ng kwento si Alize pero nang nakita-kita ay naniwala ako sa kanya at sa mga sinabi niya. Magkikita rin tayo ulit pero sa ngayon ay mas makabubuti na maghiwalay muna tayo" basa ko sa sulat.

"Alize? Kilala niya si Alize!?" gulat na sabi ni Drei.

Hindi nalang ako nagsalita at tinago ko nalang yung letter.

"Pumunta na tayo sa puntod" sabi ko nalang at lumabas na ako sa kweba. 

Pinangunahan na ni Drei ang daan since siya lang naman may alam papunta sa puntod. Lumapit sa akin si Eliz.

"Okay ka lang?" tanong nito.

Nginitian ko naman ito para sabihin na okay lang ako. Hindi ko lang matanggal sa isipan ko kung ano pang sinabi ni Alize sa kanya. Ilang sandali pa ay nasa harap na kami ng sementeryo. 

"Andito na tayo" sabi ni Drei na nakatingin sa sementeryo. 

Pumasok na kami sa loob at tumigil kami sa tatlong malaking puntod. Sa gilid nito ay may bulaklak at mga kandila na nakatirik.

"Angela Asmodeus... Renisse Asmodeus.... Isse Asmodeus" basa ko sa pangalan na nakasulat sa mga puntod. So dito pala nakalibing ang nanay ko.

"Inisip ko na ikaw si Isse dati dahil sa pagiging hawig niyo pero sa pagkakatanda ko ay namatay na ang kababata ko kaya masaya ako na malaman na buhay ka pa" sabi ni Drei habang nakangiti sa akin. 

Nilagay ko na ang bulaklak na dala ko at nagtirik na rin ako ng kandila sa puntod ng nanay ko. Hindi ko na napigilan na tumulo ang luha ko. Sisiguraduhin ko na ako mismo ang magpapahirap sa pumatay sa nanay ko. Papahirapan ko siya hanggang sa magmaka-awa siya na patayin nalang siya. May naramdaman akong yumakap sa likod ko tiningnan ko kung sino at nakita ko na si Eliz ito. Matapos ang ilang minuto at tumayo na ako at umalis na kami.

WELCOME TO THE FAERIE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon