ALVISSE
Lumabas na sa kwarto si Eliz at nakita kong suot-suot nito ang paborito kong hood.
"Bagay pala sayo ang damit ko" nang-aasar kong sabi. Ang cute niyang tingnan na suot ang damit ko lalo na't napakalaki nun sa kanya.
"Hindi naman" sagot nito.
Binaba ko na sa mesa ang mga papel na binabasa ko at pumasok sa kwarto. Humiga na rin ako sa kama.
"Matutulog na ako" sabi ko dito.
"Sige lang" sagot nito at biglang sinara ang pintuan.
"Huh, san yun pupunta? Hindi pa kaya yun matutulog?" mahina kong sabi.
Tumayo ako at lumabas sa kwarto para tingnan kung anong ginagawa niya. Nakita ko ito na nasa sofa.
"Hindi ka pa matutulog?" tanong ko.
"Matutulog na" sagot naman nito.
"Eh bat andiyan ka?"
"Dito ako matutulog"
Bat siya sa sofa matutulog kung may kama naman. Wag mong sabihing naiilang siya, ni hindi naman to ang unang beses, sabagay babae pa rin siya. Bumalik na ako sa loob ng kwarto at kinuha ang unan ko. Lumabas ako at nakita kong nakahiga na ito sa sofa.
Tumabi ako dito at nagising ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.
"Matutulog" sagot ko.
"May kama sa kwarto" sabi nito.
"Alam ko" bored kong sagot.
"Eh bat ka andito?"
"Para matulog"
"May kama sa loob" pag-uulit nito.
"Pero dito ka natulog" sagot ko nalang.
"Syempre"
"Kung saan ka matutulog dun din ako" sagot ko at pinikit ko na ang mga mata ko.
"Alvisse! Alvisse! Masikip hoy!" paulit-ulit niyang sinasabi pero di ko siya pinakikinggan.
"Bahala ka sa kama ako matutulog" sabi nito at tumayo ito. Dumiretso ito sa kwarto.
Sinundan ko naman ito sa loob at humiga na rin ako sa kama.
"Sa wakas mas maluwag na" nang-aasar kong sabi.
Hindi naman nagsalita si Eliz at nakaharap ito sa kabilang direksyon.
"Eliz?" hindi ako nito pinapansin."Uy, Sorry na" mahinahon kong sabi dito pero hindi pa rin ako pinapansin nito.
Lumabas nalang ako at iniwan ko ito sa kwarto. Mukhang nairita to sa akin. Binasa ko nalang ulit ang mga project na binigay kanina sa akin nila Maeziel.
ELIZABETH
Ilang beses akong tinatawag ni Alvisse pero di ko siya pinapansin. Napansin ko nalang na lumabas na ito ng kwarto.
Natulog nalang ako. Mga ilang oras ay nagising ako dahil sa sobrang lamig. Jusme, ano bang klaseng kwarto to para akong nasa loob ng ref. Tiningnan ko asan ang air-con dito at napansin kong tatlo ang air-con sa kwarto na to. Jusme hindi ba sya nilalamig? Tumayo ako para puntahan ang air-con, binabaan ko ang temperature nito. Ngayon di na ako nagtaka bat nilalamig ako. Tatlong air-con nakatodo tapos ako lang dito.
Bumalik na ako sa pagkakahiga. Tiningnan ko kung anong oras na sa orasan. Nakita kong alas-dos na ng umaga. Hindi pa rin bumabalik si Alvisse, ano na kaya ginagawa nun? Baka natulog sa sofa?
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantastikElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...