ALVISSE
"Siya si Anna her ability is future. She can see the future" pagpapakilala ni Lance sa babaeng kasama namin sa loob ng office.
"Ikwento mo na ang nakita mo" utos ng Headmaster kay Anna.
"Hindi ko sure kung anong nangyayare nun. Nakita ko lang sila pero di ko marinig ang mga sinisigaw nila nun" natataranta nitong sabi.
"Relax, wag kang mataranta wala naman kaming gagawin sayo na masama" pagpapakalma ko dito.
Huminahon ito saglit at nagsalita ulit.
"Nakita ko sa panaginip ko sila Alize at Eliz. Hawak-hawak ni Alize ang kamay ni Eliz at nasa likuran ito. May nakatutok na matulis na spike ng lupa sa leeg ni Eliz. Nakita rin kita dun pero wala kang magawa" kwento nito habang nakatingin sa akin.
"Huh? Imposible naman ata yan" sabi ko dito.
"Maari ka nang maka-alis" utos ng headmaster kay Anna.
Sumunod naman ito at iniwan na kami sa office.
"Narinig mo ang sinabi ni Anna. Lahat nang napapanaginipan niya ay nagkakatotoo" sabi ni Headmaster.
"Baka naman nagbibiro lang nun si Alize" sagot ko.
Alam kong kakampi namin si Alize at hindi niya tatangkain ang buhay ni Eliz.
"Pwedeng tama yang sinasabi mo pero pwede ring kalaban natin si Eliz" sagot ng Headmaster.
"Kalaban? Pero ilang beses ko nang nakasama sa laban si Eliz"
"Naniniwala ako kay Alize kaya para sa kasiguraduhan ay ikukulong ko na rin si Eliz" sabi ng Headmaster.
"Inaanak mo si Eliz tapos gagawin mo yun!?"
"Kung kalaban talaga si Eliz ay, oo kaya ko yung gawin"
"At pano kung hindi" seryoso kong sabi.
"Papakawalan ko rin siya pero sa ngayon mas maganda kung mag-iingat tayo" sabi nito.
"Per-"
"Im the Headmaster of this Academy" singit nito bigla ng magsasalita na ako. Wala naman na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Pinuntahan namin si Eliz. Nasa dorm niya ito kasama sina Akira at Lexxa.
"Eliz, sumama ka sa amin" sabi ng Headmaster. Kasama namin sa pagpunta ang mga teacher. Umalis na si Lance dahil ayaw niya daw madamay.
"Bakit po, Ninong?" tanong ni Eliz. Nakita niya ako at tumingin siya sa akin. "Bakit, anong ganap?" tanong nito.
"Sumunod ka nalang" mahinahong sabi ni Ms. Arren.
Sumunod naman sa amin si Eliz. Pumunta kami sa kulungan.
"Im sorry Eliz, pero kailangan ka naming ikulong" sabi ng Headmaster kay Eliz. May namuong pagkagulat sa mukha ni Eliz ng marinig niya ito.
"Bakit? Anong ginawa ko?" tanong ni Eliz.
"Sumunod ka na lang" payo sa kanya ni Ms. Arren.
"Sumunod? Wala naman akong ginawang masama, huh?" sagot ni Eliz.
"Binding Chain" mahinang sabi ni Mr. Hiro at may mga chain na tumali sa buong katawan ni Eliz.
"Ninong ano to?" tanong ni Eliz.
Hindi naman na sumagot ang Headmaster. Gusto ko siyang tulungan pero kagaya nga ng sinabi ng Headmaster siya ang Headmaster ng school na to siya ang pinaka-namamalakad isa lang ako sa mga nasasakupan niya.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantasiaElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...