ALIZE
"So, yan pala ang totoong itsura ng Joker o mas kilala sa kapangyarihan niyang Death" sabi ko dito.
"Joker? So yan ang itsura ng totoong leader ng Dark Royals?" nanginginig na sabi ni Lance.
"Hangga ako sayo Alize at alam mong nakatago ako sa katawan ni Eliz" sabi ng Joker. "Hindi ko alam na nakaligtas ka sa pagpatay sayo nang dating miyembro ng Dark Royals pero wag kang mag-alala dahil siguradong hanggang dito nalang ang buhay mo" dagdag pa nito.
"Ako? Ni hindi ko nga matandaan na may ginawa pala kayo sa akin ng bata ako" sagot ko dito.
"Anong ibig-sabihin nito!" biglang sigaw ni Dann.
Nakuha ni Dann ng atensyon naming lahat at napatingin kami dito.
"Hindi pa ba halata? Sumapi ako sa katawan ni Eliz. Nung araw na namatay ang magulang mo ako ang may kontrol sa katawan ni Eliz at ako rin ang dahilan bat namatay ang magulang nila Alvisse at Drei" sagot ng Joker.
"Ibigsabihin hindi talaga si Eliz ang pumatay sa mga magulang namin at hindi kami niloko ni Eliz" seryosong sabi ni Dann.
"Yup" nakangiting sagot ng Joker.
"Pero pano mo nalaman Alize na nakatago ako sa katawan ni Eliz?" tanong ng Joker sa akin.
"Alam kong nakatago ka nun bago pa kami magkita ni Eliz" sagot ko dito.
"Huh?" naguguluhang sabi nito.
"Alam ko na umpisa palang for some reasons. Pag-punta ko sa Academy ay nagpanggap ako na anak ng Headmaster. Pero syempre kasabwat ko ang Headmaster. Nang nagkita kami ng Headmaster sinabi ko sa kanya na nakatago ka sa katawan ni Eliz. Pero syempre normal lang na magduda siya lalo na't dun palang kami nagkita. Alam ko na ring Water User si Eliz nung una palang kaya sinuggest ko na si Alvisse ang mag-train sa kanya. Sa ganun mas mapapalakas niya ang ability niya dahil magka-contradict ang ability nila at the same time mapapalakas din nun si Alvisse. Ginawa ko rin yun para makagalaw ako ng ayos ng hindi mo nalalaman dahil pinalayo ka namin sa Academy. Remember the day we played Tag? Bago kami pumunta sa inyo nun pumunta muna kami sa dating bahay ni Eliz. Guess what? Basang-basa ang lugar na yun kahit na ang lugar na dapat walang tubig ay basa kagaya ng mga aparador. Pagkatapos pumunta kami kina Eliz para makompirma ko sa Headmaster na si Eliz ang Water User but sadly hindi pa kontrol ni Eliz ang kapangyarihan niya or should I say hindi niya pa talaga alam kaya nakipaglaro ako sa kanila para piliting lumabas ang kapangyarihan niya and para maniwala na sa akin ang Headmaster. Tinanong din ng Headmaster si Eliz kung anong nagyare dati nang sinugod sila ng Dark Royals at walang matandaan si Eliz. Kagaya ng nangyare sa last Fire User na namatay. Sabi ng Headmaster bigla nalang pinatay ng dating Fire User ang mga kasamahan nila nun at sinubukan din silang patayin nun kaya napilitan sila na patayin ang dating Fire User dahilan para mapilitan kang umalis sa katawan nun at dun lang nila narealize na sinasapian mo ang kaibigan nila" sagot ko dito.
Pumalakpak ang Joker sa sinabi ko habang tumatawa.
"Hanga ako sa utak mo sayang kung papatayin kita ngayon pero anong magagawa ko?" nakangisi nitong sabi.
"May tanong lang ako"
Napatingin ito ng seryoso sa akin.
"Ano yun?" sagot naman nito.
"Sabi ng Headmaster ayon kay Eliz. Magkasama sila ni Dann sa pagtakas. Kaya ako nagtaka bakit nasa Dark Royals si Dann?" tanong ko dito.
"Magkasama kami ni Eliz sa pagtakas?" biglang sabi ni Dann.
Halata sa mukha nito ang pagkagulat sa sinabi ko na para bang wala siyang ideya sa mga sinabi ko.
"Hindi sila magkasama nun" sagot ng Joker. "In fact, tumatakas nun si Dann kay Eliz. Hinahabol ko nun si Dann pero sa point of view ni Eliz ay magkasama silang tumatakas" sagot ng Joker.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantastikElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...