ELIZABETH
Nakalipas na ang ilang araw at pupunta na kami sa puntod ng magulang ni Alvisse. Ako, Alvisse, Drei, Akira, Ken at Lexxa ang nagsama sa mission. Umalis na nga kami at pumunta na sa lugar kung saan nakalibing ang magulang ni Alvisse.
Nasa loob kami ngayon ng van si Lexxa ang nagdradrive. Samantalang katabi naman nito si Akira. Si Drei at Ken ang nasa unahan namin ni Alvisse. Nasa pinakadulo naman kami naka-upo ni Alvisse.
"Who knows na magkababata pala kayo" natatawang sabi ni Ken.
"Bata palang kami may kung ano nang init sa katawan ni Alvisse. Kahit kapag hawakan mo lang siya ay mararamdaman mo na agad yun" biglang sabi ni Drei.
Totoo naman kapag nahahawakan ko rin si Alvisse ay may nararandaman akong init pero yung init niya naman ay maganda sa pakiramdam mabango rin amoy niya.
"Sa pagkakatanda ko unang beses nilang nagkita nung nahulog sa building si Eliz" natatawang sabi ni Akira.
"Oo nga no" biglang singit ni Lexxa. "Hindi niyo man lang natandaan na magka-ibigan kayo dati?" dagdag pa nito.
"Nawalan ako ng alaala" sagot ni Alvisse.
"Hindi ko na rin siya matandaan nun basta alam ko lang may kababata ako na sinabihan na sasamahan daw ako lagi" nakatingin ako kay Alvisse nang sinabi ko yun gusto ko kasing asarin to.
"Tutuparin ko naman yun" sagot agad ni Alvisse.
Tumawa naman ako ng mahina sa sinabi nito.
"Alam ko naman" nakangiti kong sabi dito.
"Dito talaga sila maglalandian oh" natatawang sabi ni Akira.
"Basta kapag di ka nanaman niya matandaan Eliz, andito lang ako huh" sabi ni Ken.
Tiningnan naman ito ng masama ni Alvisse.
"Yup" sagot ko kay Ken.
Napatingin sa akin si Alvisse. Halata na nagulat siya sa sinabi ko. Well gusto ko lang naman siya pagtripan.
"Joke lang" bawi ko naman agad.
"Come to think of it, itong pangalawang beses ko na kasama si Eliz sa pakikipaglaban" sabi ni Akira.
"Kailan yung una?" tanong ni Lexxa.
"Yung sinugod tayo sa Academy" sagot naman ni Akira.
"Ahh okay, kung ganun pangatlong beses ko na to. Una nung Festival sunod yung sinugod tayo" sabi naman ni Lexxa.
"Pangalawang beses ko palang" singit naman ni Ken.
Kaya kasama namin si Ken ngayon ay dahil sa ability nito. Malaki ang matutulong ng ability nito kapag lumalabas kami ng Academy.
Tumingin ako sa bintana para tingnan ang dinadaan namin. Bat parang pamilyar sa akin yung lugar? Ako lang ba o daanan to papunta sa dating bayan namin.
"Tanda mo pa tong lugar na to?" biglang tanong ni Drei.
"Dito tayo nakatira dati" sagot ko dito.
"Yeah, dito tayo nagkita-kita ni Alvisse"
"Dito ako dati nakatira?" mahinang tanong ni Alvisse habang tinitingnan ang tanawin sa bintana.
Kagaya nga ng sinabi ni Drei mukhang hindi pa gaanong tanda ni Alvisse ang dati niyang alaala maliban sa mga nakita nila.
Ilang minuto ang lumipas at
huminto kami sa labas ng isang lumang bahay. Lumabas na kami ng kotse at nakatayo kami sa harap ng isang lumang bahay.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantasyElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...