DANN
"Air Cutter" inatake ko ng madaming Air Cutter si Eliz. Pero gumawa ito ng Ice Wall para protektahan ang sarili niya.
"Ice Spike" umatake ng mga spikes si Eliz. Lumipad ako para ilagan ang mga ito.
"Water Whip" may mga whip ng tubig na sumusunod sa akin.
"Rising Wind" nagpalabas ako ng malakas na hurricane para higupin ang atake ni Eliz. "Air Shock" inatake ko ulit to pero agad niya itong nailagan.
"Tidal Wave"
"Cold Wind" ginawa kong yelo ang tidal wave ni Eliz ng biglang may mga spikes ng yelo lumabas dun.
Lumipad ako para ilagan ang atake nito. Hindi ko alam pero parang may mali kay Eliz.
"Ice Age! Ice Wall" nabalutan ng mga yelo ang lupa at may malalaking Wall ng yelo na humarang sa mga dadaanan ko.
"Rain" umulan bigla sa loob ng Ice Wall ni Eliz at naging yelo ang mga ito.
"Air Ball" kinulong ko ang sarili ko sa Air Ball para protektahan ang sarili ko. "Air Shock" inatake ko si Eliz pero naka-ilag ito at tumama sa Ice Wall niya ang atake ko.
"Air Cutter" inatake ko pa ito pero nakabalot si Eliz sa Whirlpool niya kaya mas mabilis itong nakaka-ilag.
"Cold Wind" pinalamig ko ang hangin para maging yelo ang Whirlpool niya. "Ice Mirage" may mga lumabas na mga yelong kamukha niya at umatake sa direksyon ko.
"Rising Wind" inatake ko ang mga ito ng malakas na buhawi. Pagtingin ko ay wala na siya sa harapan ko. Naramdaman kong may humawak sa paa ko at bigla kong hinagis dahilan para masira ang Ice Wall at nagresulta sa malakas na tunog.
Hindi ako makapaniwala na nasaktan ako ni Eliz. Pagkabangon ko ay may mga Ice Spike na umatake sa akin. Umilag ako pero nadaplisan ako sa pisngi.
Naglabas ako ng mga Air Cutter. Nang iaatake ko na ito ay nabigla kong nakita si Alize. Nasa likod nito ni Eliz. May nakatutok na Spike ng bato sa leeg ni Eliz at hawak-hawak ni Alize ang mga kamay ni Eliz.
ALIZE
Naglalaban kami ni Kuya Sky nang nakita namin si Zack na naka-form ng higante at may kinakalaban. Pinagpapatuloy lang namin ang laban namin ni kuya Sky nang biglang sumigaw sa sakit si Zack.
"Ate Lita" mahina kong sabi.
"Lightning Rod!" may mga rod na lightning ang umatake sa direksyon ko pero hinarangan ko ito ng Earth Wall. Patuloy lang ang sigaw ni Zack. Aatake palang sana ako kay Kuya Sky ng bigla itong umalis at pumunta sa direksyon nila Zack.
Pupunta sana ako kina Zack ng may narinig akong malakas na tunog. Pumunta ako sa pinanggalingan ng tunog at nakita ko si Eliz at Dann. Pumunta ako agad sa likod ni Eliz at hinawakan ang mga kamay nito. Nagpalabas ako ng Earth Spike at tinutok sa leeg ni Eliz.
"Mukhang nag-eenjoy kang maigi, huh" bulong ko dito.
"Alize, anong ginagawa mo? Akala ko kakampi ka namin?" tanong nito.
"Kakampi? Oo, kakampi ako ni Eliz pero hindi mo ko kakampi" sagot ko dito.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Wag ka nang magkungwari. Alam kong hindi ikaw si Eliz"
"Eliz!" may narinig akong sigaw at nakita ko si Alvisse.
"Alize? Anong ibig-sabihin nito?" naguguluhan nitong sabi.
ALVISSE
Nakapunta na ako sa lugar nila Eliz. Sinubukan ko itong tawagin. Nabigla ako ng makita ko si Alize na hawak-hawak si Eliz.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantasyElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...