XXXIV: THE MAN IN THE CAVE 2

81 5 0
                                    

ELIZABETH

Natahimik bigla nang magtanong si Alvisse sa tatay niya. Bat nadamay si Alize sa usapan?

"Nagkita kami kaninang umaga ng pumunta ako sa puntod ng nanay mo. Nagpakilala ito sa akin. Hawig mo kasi siya Alvisse kaya pinagkamalan kitang siya" sagot ng tatay ni Alvisse.

Huh? Nagkita sila kanina? So, si Alize ang may teritoryo ng lugar na to?

"Talaga, Dad? Ilan sila nang makita mo?" tanong ni Alvisse.

"Tatlo silang lalaki pero si Alize lang ang kuma-usap sa akin sinabihan niya ako na umalis dito dahil magkakaroon ng gulo"

So alam na nila Alize na pupunta kami dito. Pero pano nila nalaman di kaya may taksil pa sa Academy? Akala ko si Alize na yun, kung ganun ay may iba pang taksil sa Academy.

"Wala nang ibang sinabi sa iyo si Alize?" tanong ni Alvisse.

"Wala na" sagot naman ng tatay niya.

Natahimik muli dito sa loob. Iniisip ng mabuti ni Alvisse ang mga sinabi ng tatay niya samantalang hindi naman alam ng tatay niya kung anong sasabihin.

"Kamusta na pala kayo, tito?" tanong ko sa tatay ni Alvisse para naman matigil yung awkward na atmosphere.

"Mabuti naman ang kalagayan ko. Atsaka wag mo na akong tawaging tito tawagin mo akong Dad, afterall kayo rin naman ng anak ko magkakatuluyan" nakangiti nitong sabi sa akin.

"Masyado naman po kayong advance mag-isip" nahihiya kong sabi dito.

"Bakit iiwanan mo ba anak ko?" bigla nitong tanong.

Napatingin ako kay Alvisse at nakita kong nakatingin ito sa akin.

"Syempre hindi po" sagot ko.

May kinuha sa bag niya ang tatay ni Alvisse. May nilabas siyang tinapay at kumain daw muna kami.

"Salamat po, pero busog pa po ako" tanggi ko dito.

"Dad, ano bang nangyare dati?" tanong ni Alvisse sa tatay niya.

Lumapit si Tito kay Alvisse at hinawakan niya ito. Biglang lumiwanag ang kamay ni Tito. Ilang sandali pa ay tinanggal na nito ang kamay niya.

"Binalik ko na ang alaala mo" sabi nito kay Alvisse.

"Tinawagan ko si Buenaflor nun at sinabi asan ka at iniwanan kita dun. Matapos kitang itakas ay binalikan ko ang nanay mo. Mamatay na ang nanay mo nun pero bago siya mamatay ay binigyan niya ako ng oras para baguhin ang alaala ng mga Dark Royals na andun. Binago ko ang alaala nila at pinalabas ko na napatay na nila tayo nun. Tatakas palang kami ng nanay mo pero namatay din siya dahil sa sugat na natamo niya. May mga napatay siya na Dark Royals at sira-sira ang mukha nito. Pinalitan ko ang mga damit ko at sinuot ang damit nang isa sa kanila at tumakas ako. Ayon sa memorya nila ikaw ay nahulog sa bangin at namatay. Binantayan ko ang katawan nang nanay mo hanggang sa may nakakita na tao sa kanya at inilibing siya" kwento ng tatay ni Alvisse.

"Matapos ang libing ay pinuntahan kita sa Faerie Academy dahil akala ko'y andun ka pero pag-punta ko ay sinabihan ako ni Buenaflor na hindi ka niya naabutan kaya akala ko patay ka na rin" naiiyak nitong sabi. "Ilang taon ako nagpabalik-balik sa Academy para tingnan kung andun ka pero wala akong naabutan hanggang sa tinanggap ko nalang na patay ka na"

Niyakap ni Alvisse ang kanyang ama.

"Inampon ako ng matandang mag-asawa pinalaki nila ako at nang umatake ang Dark Royals doon ay dun ko lang nakita ang Headmaster" sabi ni Alvisse sa kanyang ama.

"Dad, bat pala Isse ang ginagamit ko dati na pangalan?" tanong ni Alvisse.

"Para hindi ka mahanap ng Dark Royals. Ang nanay mo ay Element User kaya may chance na Element User ka rin. Alam nilang may anak ang nanay mo na ang pangalan ay Alvisse at ang apelyido ay Asmodeus. Pinagamit namin ang Isse para hindi ka nila mahanap" sagot ng tatay ni Alvisse.

WELCOME TO THE FAERIE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon