ELIZABETH
Dahil sa panimula ni Ninong ay nabigla ang ilan. Mukhang hindi naman nabigla sila Alvisse at ang mga teachers pero naging seryoso ang mukha nito.
"Kaninang madaling araw ay pinagplanuhan namin ng mga teacher niyo at ni Alvisse gagawin natin" sabi ni Ninong.
So yun ang dahilan bat umalis kagabi si Alvisse.
"Pano naman tayo makakapunta dun?" tanong ni Drei.
"Habang nakikipaglaban kayo sa mga Dark Royals ay hinahanap naming mga teacher ang kuta ng Dark Royals. Sa pamamagitan ng ability ko ay makakaisgurado tayo na makakalusot tayo sa lugar nila nang di nila nalalaman" sagot ni Ms. Andrea.
"Kung ganun, anong plano?" tanong ni Ken.
Magpapalakas na muna kayong lahat. Sa oras na lumakas na kayo ay susugod tayo sa kanila. Susugod tayo sa oras na natutulog na sila" sagot ni Alvisse. "Kaya dapat ay magpalakas pa tayo"
Ilang oras pa ang lumipas at natapos na ang meeting. Napagplanuhan na ang gagawin namin na pagsugod. Lumabas na kami sa office.
"Talagang di ka tumabi sa akin, huh" bulong ni Alvisse.
"Bakit? Dapat ba lagi kitang katabi?" sagot ko naman dito.
"Hindi naman pero mas maganda kung lagi" nakangiti nitong sagot.
"Ewan ko sayo"
"Gising na si Lexxa" sabi ni Lance na kinagulat namin ni Alvisse.
Pumunta kami sa clinic at nakita namin si Lexxa.
"Eliz" naiiyak nitong sabi.
Niyakap ko ito at napa-iyak na rin ako. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Akira. Napaiyak ito ng makitang gising na si Lexxa. Niyakap niya ito at nagkwentuhan na sila. Nagkwento si Akira kay Lexxa tungkol sa mga nangyare.
Pinabayaan na muna namin ito ni Alvisse. Nang maghapon na ay umalis na kami ni Alvisse. May gagawin daw sa office ng Student Council si Alvisse kaya nagkahiwalay na muna kami. Habang nasa daan ay nagkita kami ni Victor.
Kahit papano naman ay nag-uusap na kami nito kapag nagkikita kami simula nung lumaban kami kay Tiara.
"Nakita kita na pumasok sa dorm ni Alvisse, kagabi" sabi nito.
"Shh. Wag ka namang maingay" saway ko dito.
"Bakit may nangyare ba?" tanong nito.
"Wala noh? Sa ibang lugar nga tayo mag-usap" sabi ko dito.
Naglakad na kami papunta sa ibang lugar pero pakiramdam ko ay may sumusunod sa amin.
"Sa tingin mo may sumusunod sa atin?" tanong ko kay Victor.
"Ewan ko, parang wala naman" sagot nito.
Tumigil kami sa isang kainan na walang gaanong estudyante.
"Pano mo kami nakita?" tanong ko kay Victor.
"Nasa ibabang floor kasi ang dorm ko sa dorm ni Alvisse. Dorm number 12 ang dorm ko kasama ko sa dorm si Drei. Nakita ko na kasabay ka niya paakyat nagtaka naman ako dahil alam ko sa ibang building ang dorm mo kaya sinundan ko kayo tapos nakita ko pumasok kayo sa dorm niya" explain naman nito.
"Ahh, ganun ba. Nakakahiya buset" nahihiya kong sabi.
"Ano ka ba okay lang" natatawa nitong sabi.
"Kamusta na pala kayo ng kuya mo?" tanong ko dito.
"Ayun ganun pa rin" awkward na sabi nito.
Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanilang magkapatid pero parang ang sakit naman na magkasama sila pero hindi sila nag-uusap.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantasíaElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...