XLVI: THE BEGINNING OF THE WAR (2)

74 4 0
                                    

ELIZABETH

Umalis na kami para bumalik sa Academy at puntahan si Alize. Nasa unahan ng van sila Lance, Yuu at Alvisse. Nasa gitna sila Ken at Victor samantalang nasa pinaka-dulo naman kami ni Lexxa at Akira.

"Magpahinga na muna kayo, siguradong mapapalaban tayo sa oras na bumalik tayo sa Academy" paalala ni Alvisse sa amin.

"Bakit pala natin ililigtas si Alize? Diba kalaban natin siya?" tanong ni Victor.

"Dahil si Alize a-" hinawakan ni Lance sa balikat si Alvisse.

"Hindi pa oras para malaman niyo pero kailangan natin siya. Sa ngayon ay magpahinga na muna kayo, gigisingin namin kayo pag-malapit na tayo at doon na rin natin pag-uusapan ang plano" sagot ni Lance sa tanong ni Victor.

"Alvisse" tawag ko dito.

Napatingin naman silang lahat maliban kay Alvisse ng tinawag ko ito.

"Eliz, hindi naman sa ano pero di ka ba naaawa kay Alvisse?" mahinang tanong ni Lexxa.

"Huh? Panong maaawa?" tanong ko dito.

"Wala nang kayo diba" mahinang sabi ni Akira.

Wala na kami ni Alvisse? Tiningnan ko ito sa salamin sa harap at nakita kong naka-earphone ito at natutulog.

"Hindi ko alam ang sinasabi niyo" sagot ko kina Akira at Lexxa.

"I don't know what really happened last night but I'm sure that you already broke up with Alvisse" singit ni Ken.

"Huh? Hindi ko talaga alam ang mga sinasabi niyo" tanggi ko naman dito.

"Wag na kayong maingay may nagpapahinga" saway ni Lance sa amin.

Hindi naman na ako sumagot at pumirmi nalang sa upuan. May inabot na cellphone si Lexxa at may naka-sulat sa notes nito.

"Hindi mo talaga tanda ang mga nangyare?" mahinang basa ko sa nakasulat.

"Yeah, sa totoo lang ang tanda ko nga lang ay nung nakulong ako. Pagkatapos nun ay hindi ko na alam" mahinang sabi ko habang tina-type ito sa notes niya.

Nag-type ulit si Lexxa at inabot sa akin ang phone niya.

"Nakasalubong ka namin ni Akira kagabi. Ikaw mismo ang nagsabi na nakipag-hiwalay ka na kay Alvisse"

"Promise. Hindi ko talaga alam ang mga sinasabi niyo" type ko naman at binalik ko ulit ang phone niya.

"Ilang araw mo nang iniiwasan si Alvisse, lagi siyang lumalapit pero ikaw naman nagtataboy sa kanya. Sure ka bang hindi mo talaga tanda?" type nito sa notes niya.

Humarap ako dito at sumagot.

"Hindi talaga"

"Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo pero try mong sabihan si Alvisse mamaya" biglang singit ni Akira.

Napatingin kami dito ni Lexxa ng nagsalita ito.

"Di ko sinasadyang mabasa yung naka-sulat" sagot nito.

"Well, totoo naman na yun ang best option mo. Maniniwala naman ata si Alvisse sayo" pagmomotivate ni Lexxa.

Isang oras na ang nakalipas at nagsalita si Lance.

"Guys!" tawag nito sa amin.

"Ano yun?" sagot ni Victor.

"Bale ito ang plano natin" pag-uumpisa ni Lance.

"Sure kang di natin gigisingin si Alvisse?" biglang tanong ni Ken.

"Nope, okay lang yan siya rin naman nag-isip nito atsaka kagabi pa siya gising kaka-drama" sagot ni Lance.

WELCOME TO THE FAERIE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon