ALVISSE
Nagising ako at nakita ko na nasa loob na ako ng tent. Andito rin sila Eliz, Lance at ang Headmaster.
"Mabuti naman at gising ka na" sabi ng Headmaster.
"Pano ako napunta dito?" tanong ko sa kanila.
"Dinala kayo pabalik ni Alize" sagot ni Lance.
"Alize" mahina kong sabi.
I suddenly remember the game.
"I lost" mahina kong sabi.
Pumasok si Alize sa tent at nakita niya ako.
"Eyo!" bati nito sa akin.
"Natalo mo na ako ano pang gusto mo?" sabi ko dito.
"You remember our deal, right?" nang-aasar na sabi nito.
"Yeah, wag kang mag-alala mag-aayos na rin ako maya-maya" seryosong sagot ko dito.
Natawa naman ito bigla. Tiningnan ko lang naman ito ng masama.
"No need nangtritrip lang ako nun. Atsaka masaya matulog sa office ng Student Council" natatawa nitong sabi.
"Sana naman maayos pamamalakad mo dun"
"Of course ako pa" proud nitong sabi habang hawak hawak ang baba niya na para bang nagpapagwapo. "Anyway, I thought you hate to train Eliz but you play very well there" nang-aasar nitong sabi.
Napayuko ako at nagnakaw ng tingin kay Eliz. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Alize.
"I just dont like to lose" sagot ko dito.
"Really?" nang-aasar nitong sabi.
"Yeah" sagot ko.
"Mamatay man?"
"Bata ka ba?" naiirita kong sabi.
"Magka-edaran lang tayo" sagot nito.
"Then act like one" sabi ko nalang.
"Tama na yan, Alvisse magpahinga ka na muna. Alize babalik na tayo sa Academy" singit ni Mr. Buenaflor.
Nilipat ng Headmaster ang kanyang tingin kay Eliz.
"Eliz, pwede ba kitang matanong?" seryosong tanong nito kay Eliz.
Tumayo si Elizabeth at napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Ano po yun?" sagot ni Eliz.
"Do you remember what happened last nine days?" seryoso nitong sabi.
Last nine days?
ELIZABETH
Inaasar ni Alize si Alvisse nang pinatigil ito ni Ninong. Tumingin ito sa akin at nagtanong.
"Eliz, pwede ba kitang matanong?" seryosong tanong nito sa akin.
Tumayo ako at naramdaman kong nakatingin silang lahat sa akin.
"Ano po yun?" sagot ko.
"Do you remember what happened last nine days?" seryoso nitong sabi.
Last nine days?
"To be more precise, do you remember what happened at the day you lose your family?" tanong ni Ninong.
"Ahh, ang tanda ko lang may humahabol sa akin nun pero madilim kaya di ko mamukhaan at malakas ang hangin nun -" bigla nalang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito.
"Eliz! Okay ka lang ba?" tanong ni Alize.
"Ok lang ako" sagot ko naman dito. "Tumatakbo ako nun tapos hindi ko na namalayan na nawalan na ako ng malay tapos paggising ko nasa kotse na ako at kasama ko na kayo" sagot ko.
"Anong nangyare sa mga magulang mo?" tanong pa ni Ninong.
"Sa pagkakatanda ko, kumakain kami nun nang may sumugod na apat na tao sa bahay namin. Nasaksak nila si Papa tapos pinatakas kami ni Mama. Tapos -"
Napatigil ako sa pagsasalita ng naging blangko ang utak ko. Wala akong maalala na nangyare. Sumasakit nanaman ang ulo ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko.
Maya-maya pa ay napansin ko nalang na katabi ko na si Alvisse at inaalalayan niya ako sa pagtayo.
"Okay ka lang ba?" tanong nito.
"Wag mo nang pilitin anong nangyare. Sapat na ang nga sinabi mo" sabi ni Ninong. "Anyway, Alvisse you need to train Eliz how to use her ability and Eliz your ability is Water. Babalik na kami ni Alize sa Academy. Bibisita ulit ako dito sa makalawa. Mag-ingat kayo sa mga practice niyo" sabi ni Ninong bago lumabas ng tent.
"See you after 3 months and 3 weeks" paalam ni Alize bago lumabas ng tent.
"Okay ka lang?" tanong ni Alvisse.
"Ok lang ako, kailangan ko lang atang magpahinga" sagot ko naman.
"Kung ganun ay magpahinga ka na muna dito" sabi nito at inalalayan ako papunta sa higaan niya.
"Huh? Pero higaan mo to atsaka nasa kabila lang ang tent ko"
"Ok lang, afterall kailangan ka naming bantayan" seryosong sabi nito.
Hindi nalang ako nagsalita at humiga nalang sa higaan.
Bakit hindi ko matandaan ang buong pangyayare? Ano bang nangyare?
ALIZE
Lumabas na ako ng tent at dumiretso sa kotse. Andito na rin si Papa sa loob at inaantay nalang ako. Nang makasakay na ako sa kotse ay pinaandar niya na ito.
"What do you found?" seryosong tanong ko dito.
"Nothing" sagot naman nito.
"You're a terrible liar, you know that?"
"Hahaha I guess so"
"So you already figured it out" seryoso kong sabi.
"Maybe" sagot nito at patuloy lang sa pagdradrive.
Ilang oras ang nakalipas at nakabalik na kami sa Academy. Sinalubong kami ni Akira at Lexxa. Sinabihan ko kasi sila na bibisitahin ko si Alvisse at Eliz.
"Kamusta?" tanong ni Lexxa.
"Maayos naman sila dun" sagot ko.
"Anong ability ni Eliz?" tanong ni Akira.
"Huh? What do you mean?" tanong ni Lexxa.
"Ahh....kasi nung una hindi talaga alam ni Eliz kung may ability ba siya o wala pero sigurado akong meron siya dahil nakikita niya ng Academy at nakapasok siya dito" paliwanag ni Akira.
"Ano!?" gulat na sabi ni Lexxa. "Pero pwede namang makita ng normal na tao ang Academy kung may kasama sila na may ability na malakas atsaka makakapasok talaga siya dahil hindi naman siya member ng Dark Royals at kasama niya ang Headmaster" dagdag pa ni Lexxa.
"Oo nga no, hindi ko naisip yung bagay na yun. So pwedeng wala talaga siyang ability? " sabi ni Akira.
"Wag kayong mag-alala may ability siya nakita mismo ng dalawa kong mata" singit ko.
"Talaga!! Ano?" naeexcite na tanong nila Akira at Lexxa.
"Antayin niyo nalang siya" sagot ko naman.
"Oo nga no, gano ba sila katagal dun? Isang linggo nang wala sila dito" sabi ni Lexxa.
"After 3 months and 3 weeks, makikita niyo ulit sila" sagot ko at naglakad na ako paalis.
Three months and three weeks, huh? I wonder gano ka na kalakas pagbalik mo Eliz. Let's play again there Eliz- at the Festival.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantastikElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...