ELIZABETH
Nagulat kami sa nakita namin. Agad na umalis si Alize at sumama sa Dark Royals. Pumunta naman agad si Lance para pagalingin si Alvisse. Nang mapagaling na nito si Alvisse ay dumiretso na kami sa Clinic. Ilang sandali lang ay pumasok na rin sa Clinic sila Drei, Lexxa at Akira.
"Kamusta ang lagay niya?" tanong ni Lexxa.
"Okay naman siya kailangan niya lang magpahinga" sagot ni Lance.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na si Alize ang gumawa niyan" mahinang sabi ni Drei.
Bumukas ang pinto at nakita namin si Boa. Agad nitong nilapitan ang walang malay na katawan ni Alvisse.
"Okay na siya kailangan niya lang magpahinga" sabi ni Lance kay Boa.
"Totoo bang si Alize ang may gawa nun sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong ni Boa sa amin.
"Yeah" sagot ni Lance.
Maya-maya pa ay pumasok ang mga Student Council sa loob ng clinic.
"Anong ibig-sabihin nito Headmaster!?" pasigaw na tanong ni Maeziel kay Ninong. Halata sa boses niya ang pagkagalit.
"Kumalma ka Maeziel, maayos naman na ang lagay ni Alvisse" pagpipigil sa kanya ng isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali siya si Yuu.
Huminga ng malalim si Maeziel. Halata na pinipigilan niya ang sarili niya.
"Ma-walang galang na Headmaster, pero alam niyo ba na gagawin yun ni Alize?" tanong ng isang babae. Siya yung babae na tumulong sa amin dati laban kay Kuya Dann at yung nagturo asan yung office ni ninong nung isang araw.
Napatingin naman kami kay Ninong. Lahat kami ay nag-aantay sa isasagot nito.
"Wala akong alam dun" mahinang sagot ni Ninong halata sa boses niya ang pagkalumgkot. "Maaring sumama siya sa step-brother niya" dagdag pa nito na kinagulat naming lahat.
"Step-brother!?" gulat na sabi ni Drei.
"Ibig-sabihin kalaban na natin si Alize" malungkot na sabi ni Lexxa.
"At kailangan natin siyang harapin sa susunod" dugtong ni Akira.
"Bakit? Hindi niyo na siya kayang saktan pagkatapos ng ginawa niya kay Alvisse? Kung nagdadalawang-isip kayo labanan siya sa tingin niyo ba siya rin? Nakita niyo naman ang ginawa niya, diba? Sa susunod na magpakita siya sa atin ako mismo ang papatay sa kanya" galit na sabi ni Boa kina Lexxa at Akira.
Tumayo ako sa pagkaka-upo at nagsalita.
"Bakit mo naman siya papatayin. Malay mo naman baka mapabago pa natin ang iniisip ni Alize. Lalo na't kaibigan natin siya" sabi ko kay Boa.
Humarap sa direksyon ko si Boa. Halata sa mukha niya ang pagka-galit sa sinabi ko.
"Kaibigan? Kaibigan ang tawag mo sa muntik nang patayin si Alvisse? Taong hindi mo alam kung kailan ka tutusukin patalikod yan ba ang definition mo ng kaibigan, huh? Elizabeth!?" galit na sabi ni Boa.
"Tama na yan!" saway sa amin ni Alvisse.
Napatingin kami dito at nakita namin na ito'y gising na.
"Hindi ikaw ang lalaban kay Alize kundi ako" seryosong sabi ni Alvisse. Hindi ko maintindihan kung naiinis ba siya, nalulungkot o namumuhi kay Alize nang sinabi niya ang mga iyan.
Pero isa lang ng sigurado ko, hindi maganda ang mangyayari.
ALIZE
Nakalipas na ang isang linggo simula nang umalis ako sa Academy. Kasama ko ngayon ang ilang miyembro ng Dark Royals. Binubuo nang twelve na member ang grupo nila pang-thirteen ako kung sasali ako.
BINABASA MO ANG
WELCOME TO THE FAERIE ACADEMY
FantastikElizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Academy. Her Godfather decided to take Elizabeth to the Academy where she is safe and hoping that she...